PEP EXCLUSIVE: Maricar de Mesa on husband Don Allado’s fine and suspension: "I salute you for owning up to your mistake and accepting the consequences."

Maricar de Mesa (in photo) stands by her husband, Barako Bull player Don Allado. Don’s controversial tweets about the PBA games earned him a penalty of P500,000 fine and suspension from one conference game. Maricar says, “We are taking the whole situation maturely. We listen, and seek advice. As a wife, of course, my husband has my full support.”


Ang aktres na si Maricar de Mesa ang misis ng Barako Bull player na si Don Allado. Kailan lang, pinatawan ng parusa si Don dahil sa nai-tweet nito tungkol sa PBA na tila fixed daw ang games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang halagang P500,000 at isang conference game na hindi puwedeng maglaro si Don ang naging parusa sa kanya. Ito ay sa kabila ng paghingi niya ng apology sa nasabi o nai-tweet.
Sa pamamagitan naman ng Facebook, nakausap at nahingan ng ilang pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang misis ni Don na si Maricar. Nagpadala kami ng ilang katanungan at maayos naman siyang nakiusap na may ilang mga isyu na hindi pa niya puwedeng sagutin.
Isa sa mga tanong namin kay Maricar ay kung ano ang naging reaksiyon niya noong mabasa niya ang controversial tweet ni Don.
Sabi naman ni Maricar, “I know his tweets might get attention. Yes we spoke. And I know he is a grown man, so I trust him.”
Mas pinili naman ni Maricar na huwag na lang magbigay ng anumang personal na komento o reaksiyon sa ipinataw na penalty sa kanyang mister.
“I cannot comment on the penalties given to him. It’s too sensitive. Sorry.”
Sa pangyayaring yun, iba’t-iba rin ang naging opinyon ng mga tao sa nangyari. Merong nagsasabi na tama lang daw ang naging parusa kay Don.
Meron din naman na nagsasabing tila “too much” lalo na nga’t humarap at inako naman daw nito ang naging pagkakamali.
Siyempre pa, sa lahat ng ito, si Don ang siguradong may pinagdadaanan sa bilis ng mga pangyayari.
Nang kamustahin namin kay Maricar si Don, hindi naman niya itinanggi ang bagay na ito.
Ayon nga kay Maricar, “Don is stressed out. He should be fine soon.”
Sa ngayon, pagkatapos nilang ikasal noong 2007, limang taon na rin silang mag-asawa at nasa estado na hinihintay na lang din nila ang mabiyayaan ng anak. At bilang mag-asawa, nandoon daw ang suporta niya kay Don sa sitwasyon nito ngayon.
“We are taking the whole situation maturely. We listen, and seek advice. As a wife, of course, my husband has my full support.”
Hindi pa masagot ni Maricar kung ano ang magiging plano nila sa mga darating na araw at sa susunod na PBA conference kunsaan, hindi pa puwedeng maglaro si Don.
Sa huli, tinanong namin siya kung ano ang mensahe niya sa kanyang mister.

“For Don, you are only human [and being human, you] make mistakes.

"And I salute you for owning up to your mistake and accepting the consequences. I will always be here for you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN