Part 1. Jake Cuenca says Iza Calzado is his "dream girl" while Andi Eigenmann is his "best friend"

Is Jake Cuenca dating Lovi Poe?

“Me and Lovi are good friends. May ginagawa rin kaming indie movie na kasama si Joel Lamangan, yung Lihis," he says. "So, excited din akong makatrabaho siya ulit kasi nga hindi naputol yung friendship namin magmula noong My Neighbor’s Wife [ang unang pelikulang pinagsamahan nila sa Regal Entertainment]."



Ayaw patulan ni Jake Cuenca ang biro sa kanya ng mga press people na mas mayaman na siya ngayon kaya nakapagpapatayo na raw umano siya ng sarili niyang building.
Ganun daw ba siya talaga kalakas sa ABS-CBN management kaya sunud-sunod ang proyekto niya at halos magkakasabay ang pag-ere ng shows niya sa Kapamilya Network?
Simula kasi sa Lunes, July 9, hindi lang sa afternoon soap na Kung Ako’y Iiwan Mo mapapanood si Jake dahil magsisimula na rin sa ABS-CBN Primetime Bida ang bagong teleserye na Kahit Puso’y Masugatan na kinabibilangan ng aktor kasama sina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann at Iza Calzado.
Paliwanag ni Jake, “Naku, sakto lang. Basta pinagtatrabahuhan ko lang naman lahat ng nakikita n’yo. Napakasuwerte ko lang na binigyan ako ng dalawang teleserye na magkasabay.
"Nagkataon na sabay ieere, so tuwang-tuwa lang talaga ako. Pero at the same time, nape-presure because siyempre sa sabay na pagka-ere, hindi mo maiwasan na naikukumpara ng mga tao yung dalawang shows, na naikukumpara nila yung dalawang roles ko.
"So, yun ang medyo iniiba ko, nandun yung focus ko ngayon. Gusto ko pag pinanood n’yo ako sa Kung Ako’y Iiwan Mo at napanood n’yo ako rito sa Kahit Puso’y Masugatan, makita n’yo yung characters, hindi si Jake Cuenca.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa grand presscon ng Kahit Puso’y Masugatan noong Huwebes, July 5, sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.
ADMIRING IZA. Inamin naman ni Jake na sa dalawang lead actresses ng Kahit Puso’y Masugatan, si Iza raw ang hindi niya ine-expect na magiging leading leady.
“Nagkatrabaho na kami sa Encatadia [GMA-7 telefantasya] before. Pero never did I imagine na mape-pair ako kay Iza because noong nasa kabila [GMA-7] ako dati, kumbaga yung sa mga bracket ang layo ko kay Iza.
"Parang pag magkikita kami doon sa set dati, tuwing nakikita ko si Iza, never dumaan sa utak ko na mape-pair ako sa kanya kasi nga, para sa akin nasa pedestal si Iza Calzado.
"Para sa akin, isa siyang showbiz royalty na hindi ko maabot dati. Kaya sobrang proud ako sa project na ito na nakamit ko yung pangarap ko na maging leading man ni Iza Calzado.”
Mabuti na nga lang daw at lumipat si Iza sa ABS-CBN.
“Matagal nang pinag-uusapan yung paglipat e, haka-haka lang yan dati, yung paglipat ni Iza sa ABS. Everyone knew it naman na talagang bagay siya sa ABS-CBN.
"So, nung lumipat na siya finally, it wasn’t a surprise for me. I think she was really destined to be in ABS-CBN.”
Papuri rin ang nasambit ni Jake para kay Iza bilang isang katrabaho.
“Si Iza naman talagang… aktres siya talaga. At ever since yun naman talaga ang hinahangaan ko kay Iza Calzado, e.
"Kasi bukod sa napakaganda niya, she’s proven herself as an actress over and over and over again.
"Hindi siya nagpapadala sa pressure, she’s very relaxed and confident at hindi lahat ng tao ganun kakalmado.
"Alam mo yun, nandito lahat ng tao pine-pressure ka, kailangan mong galingan. Pero relaxed, confident at kalmado siya. Ako, I admire her for that.”
Sa interview kasi ng PEP kay Iza, naitanong sa aktres na paano kung si Jake talaga ang kapalaran niya?
Sagot ni Iza, “E di ganun talaga. Tatanggapin ko na lang.”
Hindi naman makapaniwala si Jake nang malamang okay lang kay Iza na ma-develop ang feelings niya sa aktor.
"Wow! Sinabi niya yun? May posibilidad?!" paulit-ulit at excited na tanong ni Jake.
"Dream girl" daw niya si Iza, pero ayaw niya naman daw maging uncomfortable ang aktres sa kanya kung sakaling gagawa nga siya ng move dito.
"Let‘s see...," ang nasabi na lang ni Jake.
BEST FRIEND ANDI. Ano naman ang masasabi niya sa isa pa niyang leading lady na si Andi?
“Best friend ko si Andi, e. So, nung nalaman ko na magka-partner kami sa project na ito, tuwang-tuwa ako kasi talagang magmula nung bata siya kaibigan ko na siya.
"Kasi sabay kaming nagsimula [sa showbiz] nung kapatid niya, si Sid Lucero. So, nung bata pa lang siya, nakikita ko na siya dati.
"And for me to work with her is a pleasure. Para lang kaming gumigimik sa set.
"Tawa lang kami nang tawa sa set kasi nga we’re close friends.”
So, hindi sila talo ni Andi at never niyang liligawan ito?
“Hindi, hindi.”
NO TIME FOR LOVE. Trabaho raw muna ang focus ni Jake ngayon at ayaw muna niyang magseryoso sa kanyang love life.
“Para sa akin ang utak ko ay nasa trabaho lang. Gusto ko naman mapatunayan sa sarili ko at sa lahat na kung gugustuhin mo ay kakayanin mong makagawa ng dalawang proyekto nang sabay at maganda, di ba?”
Ibig sabihin wala siyang love life ngayon?
“A, okay naman, okay naman. Again like I said, yung oras ko ngayon almost… I think I work six days a week.
"Kung may ASAP, seven days. So, medyo sa ngayon walang oras [para sa love life].”
Pero may oras ba siya sa pakikipag-date?
“For dating? Yeah. Syempre, you know, maganda yung may inspirasyon. But I’m not ready to reveal details kasi it’s something I will bring out…
"Kusa kong ilalabas yan pag handa na ako talaga. I said it over and over again, para na akong tape recorder.
“Isang natutunan ko nga sa lahat ng relationships ko, kapag nagpadala ka, pag minamadali ka at tinutulak ka ng mga tao, it never works out e.
"You know, gusto ko rin namang mag-succeed as a boyfriend. Alam mo yun, it’s something that I haven’t really done in the past pero it’s something that I want to do and I want to become… a really good boyfriend.
"And this is my way of doing it, this is my way of dealing with it. So, sana hayaan n’yo ako na maging ready for myself.
"Kung imamadali ko talaga, this will be another failed relationship. So, this time around huwag kayong mag-alala, when I’m ready to talk about it, I will talk about it.
"At pag handa ako, handa na ako talaga.”
GOOD FRIENDS WITH LOVI. Hindi matigil-tigil ang tsismis tungkol sa kanila ni Lovi Poe. Ano ba talaga ang status nila? Si Lovi ba ang idine-date niya ngayon?
“Me and Lovi are good friends. May ginagawa rin kaming indie movie na kasama si Joel Lamangan, yung Lihis.
"So, excited din akong makatrabaho siya ulit kasi nga hindi naputol yung friendship namin magmula noong My Neighbor’s Wife [ang unang pelikulang pinagsamahan nila sa Regal Entertainment].
"So, para makatrabaho siya sa isang indie movie naman… Matagal ko nang gustong gumawa ng isang magandang indie movie, tapos kay Direk Joel pa, tapos siya pa yung leading lady ko, at ang leading man ko ay si Baron Geisler, wala na akong mahihingi pa.”
Kung free siya na makipag-date, ibig sabihin bukod kay Lovi may iba pa siyang idine-date?
Hindi naman naging direkta ang sagot ni Jake, “No, I’m good now. Sa ngayon kung anuman ang meron sa akin okay ako.
"Sinasabi ko lang I’m good now. Kung anuman yung definition n’yo sa good, just read between the lines.
"For now, okay ako where I stand, and right now I’m very busy. Ang utak ko nasa trabaho.”
IDOL GABBY. Bukod sa kasiyahang makasama sina Iza at Andi sa Kahit Puso’y Masugatan, malaking honor naman para kay Jake na makatrabaho ang isa sa mga idolo niyang si Gabby. May pressure ba na makasama si Gabby?
“Hindi, ako talagang hangang-hanga lang talaga ako kay Sir Gabby. Coming out with In The Name of Love na nakatrabaho ko si Aga Muhlach, sobrang laking karangalan din sa akin na makatrabaho si Gabby Concepcion, na talaga namang institusyon na sa industriya.
"So, I look forward to it. Hindi ako nape-pressure kasi alam kong marami akong matututunan sa kanya.
"At pangalawa, si Gabby Concepcion yung tipong artista na kung counterpart mo siya tulad ng nangyari sa amin dito, kailangan talaga alisto ka.
"Kailangang alisto ko, ready ka, at galingan mo talaga kasi di ba, Gabby Concepcion yan, e.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN