Part 2. Jake Cuenca on ex-girlfriend Melissa Ricks: "I just wish her happiness. For me, I don’t wanna go out of my way naman kasi nagawa ko na lahat talaga.”

Jake Cuenca has no problem working with former girlfriend Melissa Ricks. "Personally, hindi ko pinipili ang katrabaho ko. I don’t hold grudges with anyone," he says.


Sa presscon nga ng Kahit Puso’y Masugatan ng ABS-CBN, imbes na itanong sa isa sa mga bida nitong si Jake Cuenca kung paano masugatan ang kanyang puso, ang itinanong sa kanya ay kung paano siya manugat ng puso, kung ang pag-uusapan ay ang mga failed relationships niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Naku, alam n’yo… paano ba ako manugat ng puso?” nakangiting tanong sa sarili ni Jake.
“Ang sa akin naman syempre ano… hindi ko naman intensyon na makasugat ng puso.
"Pero siyempre, feeling ko lahat tayo dapat at one point in time dapat masugatan ang puso natin.
"Dun naman talaga mate-test yung character natin bilang tao. At yun ang mapapanood n’yo sa show namin, na kapag nasugatan ang puso, makikita n’yo kung paano humilom pagkatapos nun.”
May ginagawa ba siya kapag alam niyang may nasugatan siyang puso?
“Oo naman, sa akin hindi naman tama yun. e. So, as much as possible pag alam mong nakasakit ka ng tao mag-a-apologize ka.
"Gagawin mo ang lahat para maayos. Yun nga lang pag nag-apologize ka, hindi tinatanggap nung ibang tao.”
MELISSA RICKS. Ang pinakahuling nakarelasyon nga ni Jake ay ang Kapamilya actress na si Melissa Ricks. Pero nauwi rin ito sa hiwalayan. Tanong tuloy kay Jake, kung willing ba siyang makatrabaho pa rin si Melissa sa kabila ng kanilang nakaraan?
“Kung yun ang gusto ng ABS-CBN, bakit hindi?
"Pero I don’t think it’s gonna happen soon because ginagawa ko ito [Kahit Puso’y Masugatan], ginagawa ko yung Kung Ako’y Iiwan Mo. So, mukhang hindi pa mangyayari.
"At ginagawa rin niya yung Walang Hanggan. So, mukhang hindi pa naman mangyayari yun. But if ABS would want to do something with it, no problem. Hindi naman ako namimili ng katrabaho, e.”
Ano ang masasabi niya sa statement umano ni Melissa na hindi na raw baleng mawalan siya ng career huwag lang daw makatrabaho si Jake?
“Well, ano na niya yun… opinyon na niya yun.
"Pero ako, personally, hindi ko pinipili ang katrabaho ko. I don’t hold grudges with anyone.
"Again I have apologized already so many times. For me it’s already a closed book, di ba? Matagal na yun.
"So, for me when it comes to work, hindi ko nilalagay ang mga personal kong isyu sa trabaho. Hindi ko dinadala ang problema ko sa set.
"So, for me kahit kanino pa ako i-pair, no problem with me.”
Pero ano ang mararamdaman niya kung sakaling totoo ngang sinabi ito ni Melissa?
“Well, choice niya yan, so wala na akong magagawa.
"I’m not really hurt kasi kahit naman ako, ayoko namang pumasok ng trabaho na galit ka sa isang tao o wala kang ganang magtrabaho kasi meron kang hinanakit sa isang tao, di ba?
"That’s her choice, that’s her opinion, I’ll stick by that. Okay lang.”
May gagawin pa ba siyang paraan para lubusan silang magkaayos ni Melissa?
“Ano na… for me it’s been so long already.
"You know, some things were not meant to be fixed, I guess.
"Ako naman willing and able ako to fix any thing. Ang sa akin lang, I think I have done enough already.
"I apologized so many times. I have done everything already. For me, matagal nang nakasarado sa akin yan.
"And I wish her… I’m really happy for her sa Walang Hanggan. I think she has a [new] boyfriend na rin.
"I just wish her happiness. For me, I don’t wanna go out of my way naman kasi nagawa ko na lahat talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN