Ara Mina reveals mom’s advice on rumored boyfriend Mayor Patrick Meneses: “Ingatan ko daw, alagaan ko.”

For Ara Mina, cooking is therapy. “Honestly, nakatulong siya sa akin, e. Para hindi ko masyadong dibdibin yung nangyayari sa amin ng kapatid [Cristine Reyes] ko. Dito ko na lang nilabas kaya sumasarap yung luto [ko],” she says in an interview with Startalk TX yesterday, July 7.


Ayaw nang masyadong damdamin pa ni Ara Mina ang problema niya sa kapatid na si Cristine Reyes. Isa sa dibersyon ni Ara ay gawing abala ang sarili niya sa pag-aaral magluto. Kamakailan nga ay nagtapos si Ara ng fundamentals of culinary arts sa International School for Culinary Arts & Hotel Management (ISCAHM).

“Honestly, nakatulong siya sa akin, e. Para hindi ko masyadong dibdibin yung nangyayari sa amin ng kapatid ko. Dito ko na lang nilabas kaya sumasarap yung luto [ko],” sabi ni Ara sa interview sa kanya ng Startalk TX na napanood sa GMA-7 kahapon, July 7.

Nagsilbi raw ang pagluluto bilang therapy para sa kanya.

“Ano siya sa akin therapy… parang naging therapy ko, naging outlet ko. At least naging productive ako kahit may pinagdadaanan ako, di ba?”

NEW FOUND LOVE? Kasama rin ni Ara sa naturang culinary school si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na dating boyfriend ni Aiko Melendez.

Si Mayor Patrick na ba ang bagong inspirasyon ni Ara?

“A… well, hindi naman… kasi, basta meron akong classmate na ano… na kapatid niya, na nag-aaral,” pautal-utal na sabi ni Ara na hindi naman direktang sinagot ang tanong sa kanya.

Hanggang saan na ba umabot ang pagkilala nila sa isa’t isa?

“Ano ba yan? Ha? Basta masaya ako. Yun.”

Iniiwasan na raw niya ang pagri-reveal ng mga impormasyon sa kanyang buhay lalo na tungkol sa kanyang love life.

“Grabe na, tama na ang pagbubulgar sa buhay ko. Tama na itong sa kapatid ko. Tama na muna. Pag ano… i-ano [dalhin] na muna niya ako sa altar. Hindi, joke,” biro niya.

Binalingan naman ni Ara ang Startalk at iba pang press na nag-i-interview sa kanya.

“Kaya hindi yata ako nagkakaasawa dahil sa inyo e,” biro niya ulit.

“Naaano e, ano yun… nauudlot. Kaya huwag muna. Basta huwag n’yo na lang banggitin ang pangalan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY KNOWS BEST. Pero makahulugan naman ang naging sunod na pahayag ni Ara.

“Ang masasabi ko lang, eto [Mayor Patrick] lang yata yung ipinakilala ko na walang nasabi ang nanay ko.

"Dahil ang mommy ko, manghuhula yata yan, e. Marunong bumasa ng tao.”

Madalas bang tama ang sinasabi ng mommy niya?

“Oo, madalas tama siya at pag sinabi niyang maghihiwalay kayo, maghihiwalay kayo.”

May payo rin ba ang kanyang ina sa kanya?

“Ingatan ko daw, alagaan ko.”

So, boto ang mommy niya kay Mayor Patrick?

“First time kong naringgan ang mommy ko ng ganun. Parang ting-ting-ting-ting-ting,” natatawang sabi ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN