Janus del Prado doesn’t mind being typecast as John Lloyd Cruz’s best friend in movies and soaps

Janus del Prado stars in the short film, The Debt, directed by Nick Reyes. It is one of six short films presented by Sun Life and can be seen online starting July 25 by logging on to www.experiencethesun.com.ph.


Ang Kapamilya actor na si Janus del Prado ang bida sa short film ng Sun Life na The Debt sa ilalim ng direksiyon ni Nick Reyes.

Present si Janus nang idaos ang press conference para sa anim na short film ng Sun Life na mapapanood simula July 25 sa www.experiencethesun.com.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Pero dahil short film ang The Debt, hindi maikuwento ni Janus ang istorya nito dahil baka maikuwento na raw niyang lahat.
Kung tutuusin, isa si Janus sa masasabing may ibubuga bilang aktor. Pero sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit niyang pinipili rin niya talaga ang gagawin na indie film.
Ayon kay Janus, “Aware naman siguro kayo na nagkaroon ng gay trend sa indie films, ‘di ba? Na kapag may dalawang lalaking nagsi-sex, art na yun para sa kanila.
"Hindi ko makuha ang point na porke’t nagka-award ang isang movie, lahat na ng sumunod na movie, gagawan na ng man to man na sex scene kahit irrelevant sa istorya.
“E, for me kasi, tinitingnan ko kung sino ang magdi-direk, kung lalaki ba o kung gay ba.”
Dugtong pa niya, “Marami kaming kasabihan ng mga kaibigan kong director na hindi porke’t low-budget ang pelikula at hindi mainstream, indie na yun.
"Hindi porke’t ginawa mo siya ng gumagalaw-galaw na shot, e, art na yun.
“Kung may dalawang lalaking naglaplapan sa eksena, art na yun. Titingnan mo pa rin palagi ang istorya.
"May magagandang pelikula na hindi na kailangang mag-go into extreme. Like morality-wise para masabing art ‘to.”
Bilang isang aktor, open din naman siya sa mga ganoong klaseng role, pero ayon din kay Janus, “Open ako pero sa materyal lang.
"Siguro mga apat na rin na offer ang hindi ko nagawa kasi, palaging may ganoon, pero, hindi nila ma-explain yung point sa akin kung bakit nangyari yun.”
Sa materyal daw talaga siya tumitingin at hindi sa budget ng indie films.
Sabi nga ni Janus, “Hindi ko binabase sa budget. Sa mainstream, siyempre... kumbaga, bread and butter mo yun.
"Pero sa indie, kumbaga, kailangan mo pa rin aralin ang sarili mong impluwensiya o karanasan bilang artista, hindi ko na masyadong tinitingnan yun.
“Pero siyempre, kailangan din naman natin, kahit pang-gas, alam niyo yun.”
DIRECTING. Bukod sa pag-arte, gusto rin daw pasukin ni Janus ang linya ng pagdi-direk. Pero alam daw niya na kung makikipag-sabayan siya ng pagdidi-direk, kailangan ay may pinag-aralan siya.
“Gusto kong mag-try na mag-direk pero, ang suggestion sa akin ng mga kaibigan kong director, kung makikipaglabanan din lang ako sa directing, kailangan, mag-aral ng pagdi-direct.
“I have one friend na director, si Don Don Santos, he offered me, na tutulungan niya ako sa States. Parang NYU [New York University].
"Doon ako mag-aral kahit six months lang. Kapag doon ka galing, you get more opportunity kasi, ang mentality talaga ng Pinoy, kapag galing ka sa States, especially Filipino ka."
Kinamusta rin namin kay Janus ang director ng kanyang short film na The Debt na si Nick Reyes.
Ayon kay Janus, “Okay naman, okay naman sila. Pero ano kasi ako, director’s actor ako.
"Kapag hindi ako dinidirek, hinahayaan lang ako, medyo nalo-lost ako sa ginagawa ko. Palagi ko ngang sinasabi sa mga interviews ko sa movie, I’m only as good as my last project and my last director.
“So, medyo yung burden daw nasa kanila tuwing sasabihin ko yun—kapag hindi maganda ang acting ko, magri-reflect sa director at sa proyekto.”
JOHN LLOYD’S BEST BUDDY. Sa ngayon, kasama si Janus sa bagong teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na A Beautiful Affair. Best friend daw siyang muli ni John Lloyd sa serye.
Biro nga niya nang tanungin tungkol sa character niya sa bagong teleserye, “Bago ‘to, kailangan ko ng workshop, best friend ni John Lloyd!”
Pero ano nga ba ang pakiramdam niya na tila nata-tag o naa-identify na siya ngayon as John Lloyd’s best friend sa mga roles na ginagawa niya?
“Alam niyo, hindi naman talaga natin maiiwasan sa showbiz na ma-typecast ka.
"Like with Ketchup Eusebio, nahirapan siyang kumawala sa gay roles. Kaya for a while, nawalan siya ng work kasi, lahat ng kumukuha sa kanya, [pang] gay role.
“Pero pinanindigan niya na ayaw niya munang gumawa ng gay roles. Noong bumalik siya after a while, hindi na siya gumagawa ng gay roles.
"Ako, ini-embrace ko na lang yun, tutal, okay naman, e. Hindi naman for the sake na magkaroon lang ng best friend si John Lloyd. Meron din namang sariling plot yung character ko.”
Aminado naman si Janus na naa-identify na nga raw siya kahit sa publiko na "best friend ni John Lloyd."
“Oo. Palaging naka-attach kay John Lloyd or nako-confuse nila ako kay Ketchup, Alywn Uytingco o kay John Lloyd din.”

ZERO LOVE LIFE. Kamusta ang love life ni Janus?

“Siguro parang hindi ko na nakikita yung point naman na mag-girlfriend-girlfriend ka kung wala rin namang kapupuntahan, especially yung sa showbiz. Kumbaga, napatunayan naman ng oras na walang nagtatagal na relasyon sa showbiz.
“Kung magre-relasyon ako, outside showbiz na lang.”
Taong 2008 pa raw ang huli niyang relasyon—si Michelle Murenee ng Cool Chyx na bumalik na rin sa Australia. Pagkatapos daw noon, hindi na siya ulit nagka-girlfriend.
“Wala lang, hindi na lang din siguro ako nag-e-effort.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN