Aljur Abrenica wants to spend more time with Rachelle Ann Go: "I want to get to know Rachelle more.”

While in New York last month, Aljur Abrenica and Rachelle Ann Go watched a Broadway musical and had dinner after. They were accompanied by their handlers, of course.

“Pareho kaming nag-enjoy ni Rachelle kasi first time naming makapanood ng musical sa Broadway. Over dinner, marami kaming kuwentuhan naman. Masasabi ko nga na mas nakilala ko si Rachelle at naging close na kami after that,” says Aljur.


Nagsimula sa isang blind item ang tungkol sa nababalitang magandang pagtitinginan ngayon nina Aljur Abrenica at Rachelle Ann Go.

Naging close daw ang dalawa nang magkaroon sila ng shows sa U.S. para sa GMA Pinoy TV at GMA Life TV noong June sa New York at California.

Kuwento ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), marami siyang nalaman tungkol kay Rachelle noong maka-bonding niya ito sa New York.

“Kaming dalawa na lang kasi ni Rachelle ang naiwan mula sa group na nag-show sa New York noong June 3. May isang show pa kasi kaming dalawa sa Carson, California naman on June 9.

"Since matagal pa naman, nagpaiwan ang group namin sa New York para makapasyal. Kaya yun na ang pagkakataon makilala namin ni Rachelle ang isa’t isa."

Nanood sina Aljur at Rachelle, kasama ang kanilang handlers, ng isang Broadway musical at nakapag-dinner pa sila pagkatapos.

“Pareho kaming nag-enjoy ni Rachelle kasi first time naming makapanood ng musical sa Broadway. Over dinner, marami kaming kuwentuhan naman.

“Masasabi ko nga na mas nakilala ko si Rachelle at naging close na kami after that,” ngiti ni Aljur nang ma-interview namin siya sa GMA Annex Building noong July 6.

ON RELIGION. Ayon pa sa Kapuso hunk, ang napagkuwentuhan nila ni Rachelle ang tungkol sa religion nila. Christian kasi si Rachelle at Katoliko naman si Aljur.

Nagkainteres naman si Aljur na mapakinggan ang mga kuwento ni Rachelle.

Sabi ng Kapuso hunk, “Pareho po kasing religious ang families namin. Kaya pareho kaming lumaki na parati kaming nagsisimba tuwing Sunday at marami kaming mga paniniwala when it comes to religion.

“Naging curious lang po ako kung ano ba ang pinagkaiba ng pagiging Christian sa pagiging Katoliko.

"Para kasi sa akin, iisa lang iyon, e. Isang God lang ang sinasamba natin. Kaya yun ang madalas naming pag-usapan.

"Bihira namin pag-usapan ang tungkol sa kung sino ang nali-link sa amin or tungkol sa showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Aljur na noon ay nahihiya raw siyang batiin si Rachelle Ann ’pag nagkakasabay sila sa rehearsals ng Party Pilipinas.

“Nahihiya ako kay Rachelle noon. Kasi nga galing pa siya sa ibang network that time.

"Kapag nakikita ko siya, hanggang hi at hello lang ako sa kanya.

“Pero ngayon, magkaibigan na kami. May mga exchange of text messages na kami ngayon.

"Minsan kinukumusta ko ang araw niya. Sasagot naman siya.”


BOTH SINGLE. Parehong single sina Aljur at Rachelle ngayon.

Huling napabalitang nakarelasyon ni Aljur ay si Kylie Padilla, samantalang si Rachelle ay huling nakarelasyon si John Prats.

Kaya walang masamang ma-link silang dalawa ngayon.

At dahil close na nga silang dalawa, may chance kayang ligawan ni Aljur si Rachelle?

“I want to get to know Rachelle more,” mabilis na sagot ni Aljur.

“Sa ngayon, alam kong maganda at mabait siya. Magaling siyang kumanta at maraming nagmamahal sa kanya.

“Ayokong basta ko na lang papasukin ang panliligaw kay Rachelle. Baka kasi may kasabay ako, kaya makikiramdam muna ako kung saka-sakali.

“Ang sa akin lang, okey itong magkaibigan kami. Gusto ko ulit na makasama sa mga shows si Rachelle kasi mas kumportable na kami sa isa’t isa.

“Kung may pagkakataon na mag-duet kami, ikatutuwa ko iyon dahil napakahusay na singer ni Rachelle,” ngiti pa ni Aljur.


POSSIBLE DATE? Minsan daw ay yayayain ni Aljur si Rachelle para lumabas sila at magkuwentuhan ulit.

“Kapag hindi kami masyadong busy sa schedules namin, yayayain ko siyang lumabas.

"Kung gusto niyang may kasama siyang mga friends niya, okey lang. Para makilala ko rin ang mga kaibigan niya.

“Alam ko kasi na super-busy siya at parati siyang out-of-the-country.

"Ako rin naman, magkakasunod din ang gagawin ko this month. Kaya titiyempuhan ko na lang kung kelan kami parehong libre ni Rachelle.”

Naging hectic ang schedule ni Aljur noong nakaraang buwan. Bagamat wala siyang bagong TV series sa ngayon, naging busy siya sa mga shows para sa GMA Pinoy TV at GMA Life TV sa New York at sa Carson and San Francisco in California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Aljur dahil sa magandang suporta ng mga Pinoy sa kanilang mga shows roon kunsaan nakasama niya sila Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jay-R, Krista Kleiner, Rhian Ramos, at siyempre si Rachelle Ann Go.


NEW DRAMA SERIES. Ngayon ay may gagawin na siyang bagong drama series for GMA-7 kunsaan muli niyang makakatambal si Kris Bernal. Huli silang nagkasama ni Kris sa telefantasya na The Last Prince noong 2010.

“Matagal din akong hindi nakagawa ng series. Yung last ko was Amaya at bago iyon ay Machete.

“Noong sabihin ngang magsasama ulit kami ni Kris, siyempre natuwa ako kasi ang tagal na naming hindi nagkakasama. May two years na kaming hindi nagtatambal.

"Alam kong marami nang nangyari sa buhay ni Kris at marami akong gustong marinig na kuwento mula sa kanya.

“Kami naman ni Kris, kahit na hindi kami madalas nagkikita, may communication pa rin kami paminsan-minsan. Kumustahan kami parati.”

Kung siya ay nali-link kay Rachelle Ann Go, si Kris naman ay kinumpirmang nililigawan siya ni Carl Guevara.

“Talaga? Hindi ko alam ‘yan,” sabay tawa ni Aljur nang hingan namin ng reaksiyon.

“Wala siyang nababanggit sa akin tungkol sa panliligaw ni Carl sa kanya.

“Masaya ako para sa kaibigan kong si Kris kasi kilala ko naman ‘yang si Carl.

"Mabait ‘yan at alam kong maaalagaan niya si Kris tulad nang ginawa ko noon.”

Kasama rin pala si Aljur sa Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films na Coño Problems, kunsaan makakasama niya sina Solenn Heussaff, Bianca King, Isabelle Daza, Mikael Daez, at Benjamin Alves. Mula ito sa direksiyon ni Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN