John Estrada gets favorable comments from ex-wife Janice de Belen

John Estrada on his "blissful" relationship with ex-wife Janice de Belen and their children: “Okey naman. Ako, okey ako! Wala naman akong problema sa buhay. Well, always ‘yan… state of mind ‘yan, e. Kung paano mo ite-train yung mga anak ko, kung paano mo i-explain yung buhay-buhay… ganun.”


Naging hudyat ng pagiging visible uli ngayon sa showbiz ni John Estrada ang pagdalo niya sa awards night ng Yahoo! noong Biyernes, July 6, sa Arena ng SM Mall of Asia.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John bago ito pumasok sa loob ng hall, ibinalita niyang magsisimula na siyang mag-taping para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN.

“Ang bago kong project ngayon is Against All Odds with Judy Ann Santos,” banggit ng aktor.

“Magsisimula na kami next week and baka ipalabas ‘yan September of October.”

Excited si John sa kanyang bagong project dahil bukod sa may trabaho ulit siya, masusubok na naman ang husay niya sa pag-arte.


POSITIVE COMMENTS. Naging intriguing naman ang paglabas ni John sa Showbiz Inside Report ng Kapamilya network.

Dito ay in-interview siya ng kaibigan niyang si Joey Marquez. Host din sa show ang ex-wife ni John na si Janice de Belen pati na si Carmina Villarroel.

Kasal na si John ngayon sa Brazilian beauty na si Priscilla Meirelles, pero nanatiling hindi gaanong close sa isa’t isa ang aktor at si Janice.

Ano ang komento ni John tungkol sa nasabi ni Janice matapos ang interview sa kanya ni Joey?

“Hindi, e. Hindi ko napanood,” iiling-iling na sagot ni John.

Masasabing favorable at positive lahat ang mga naging comment at statement ni Janice tungkol kay John.

“In fairness to her, ano?” maikling reaksyon ni John habang nangingiti.


Kahit hindi naging magkaibigan sina John at Janice matapos ang kanilang hiwalayan, umabot na rin sila sa puntong hindi na sila nagbabangayan.

“Okey naman. Ako, okey ako! Wala naman akong problema sa buhay,” sunud-sunod na pahayag ni John.

Isa sa mga naging komento ni Janice ay ang pagsasalarawan ng mga magagandang kaganapan sa kanilang mga anak. Kahit naghiwalay na raw sila ni John, buo pa rin ang mga ito at maayos ang kanilang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, always ‘yan… state of mind ‘yan, e. Kung paano mo ite-train yung mga anak ko, kung paano mo i-explain yung buhay-buhay… ganun."

Naiintindihan ba naman ng mga bata?

“Suwerte naman kami at biniyayaan kami ng mga understanding na mga anak na hindi narrow minded,” pagmamalaki ni John.


JOHN’S BABY. Tungkol naman sa kanilang baby ni Priscilla na si Samantha Aneckha, panatag at masaya si John.

“She’s fine, she’s great! Yes!” bulalas ng aktor.

Paano yung adjustment na ginagawa nila ni Priscilla sa bagong baby nila?

“Well, siyempre, 13 years ago from the last time I had my last son.

“So, medyo nangangapa ng konti, pero okey na, adjusted na ng konti. Five months na siya, e.”

Payag ba siyang lumabas sa TV ad campaign or TV commercial ang baby niya at si Priscilla?

“Okey lang,” mabilis niyang sagot.


Pagdating naman sa binyagan para sa bagong baby niya, wala pa raw silang pinaplanong date ni Priscilla.

“Wala pa. Hinihintay paglaki at pagdating ng nanay niya. Siguro ‘pag nag-eight months na siya, doon namin siya pabibinyagan.

“Probably, mga October," sabi ni John.

Wala pa ring listahan para sa magiging godparents ng baby nila ni Priscilla dahil wala pang date ang binyagan.


HOSTING. Sa pagbabalik showbiz ni John, hindi niya itinatanggi na name-miss niya ang mag-host ng pangtanghaling programa.

“Nami-miss ko rin, siyempre. Pero ganun talaga. Okey lang naman.”

Matatandaang nagkalamat ang friendship nina John at Willie Revillame, ang host ng Wil Time Biggtme sa TV5, nang tanggapin ni John ang Happy Yipee Yehey!—ang defunct noontime show ng ABS-CBN. Pinaplano na raw kasi noon ang pagkakaroon nilang dalawa ng noontime show sa Kapatid Network.

Kumusta na sila ni Willie ngayon?

“Okey lang naman!” mabilis na sagot ni John saka sinundan ng malakas na tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN