Lucy Torres-Gomez on Richard Gomez-Dawn Zulueta tandem: "Kahit pagbali-baliktarin mo, meron talaga silang magic together.”

Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez’s political plans are no secret. While they have set their eyes on getting seats in their respective areas, the couple is not bothered by their current activities in pursuing their political goals. Richard says, “Well, yung campaign season will begin in March next year. So, up to now until March, puwede pa.&


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sa isang Yahoo! awards night, hindi lang ang pagiging consistent na "beautiful couple" nila ang unang napag-usapan.

Dumako rin ang usapan sa tagumpay ng seryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN; na tinatampukan ni Richard kasama sina Dawn Zulueta, Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Ms. Helen Gamboa, at Ms. Susan Roces.

Tinananong ng PEP si Lucy kung ano ang feeling niya sa tagumpay ng seryeng nilalabasan ng mister niya.

“I’m very happy for Walang Hanggan. It’s a beautiful soap opera, the acting is beautiful, the story is beautiful.

“May magic talaga sila ni Dawn together. May magic talaga sila as a couple together," sabi ni Lucy.

Hindi ba siya nagseseselos dahil sa team-up ni Richard kay Dawn, na dating girlfriend ng kanyang mister?

“Ay, no, no!” mabilis na tanggi ni Lucy.

“I’ve always been a Dawn and Richard fan. I’ve seen all their movies together…

“And I’m very happy that even if they haven’t had the chance to do another movie yet, I see them naman almost every sa TV, e.”

TEXTMATES. Ano ang nararamdaman ni Lucy kapag sinasabing bagay na bagay ang mister niya kay Dawn?

“Totoo naman talaga," sagot niya.

"May magic naman talaga silang dalawa. And hindi naman lahat ng loveteam may ganung magic.

“Pero sila kasi, kahit pagbali-baliktarin mo, meron talaga silang magic together.”

Tini-text pa rin ba niya si Dawn?

“Oo, nagte-text pa rin kami. Pati nga kay Juliana [Lucy and Richard’s daughter]… she writes little letters to Juliana,” pagbabalita ni Lucy.

Ano ang laman ng mga text messages niya kay Dawn?

“Kunwari, ‘pag nakita ko yung serye nila, ’Kilig na kilig ako tonight… ang galing-galing ninyong dalawa! Bagay kayo!’ Mga ganun.”

Talaga bang sinusubaybayan niya ang Walang Hanggan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, yes! ‘Pag hindi namin napapanood, we watch it on the Internet,” pagpapatunay niya.

“Yung daughter namin hindi sumama, kasi mami-miss raw niya ang Walang Hanggan.

May chance ba na mag-guest si Lucy sa show?

“Ay, hindi talaga. Masisira ang Walang Hanggan! Hindi talaga ako artista,” natatawang sabi ng magandang kongresista.

RICHARD-DAWN MAGIC. Baling naman kay Richard, ano bang meron sa team-up nila ni Dawn at hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin sila ng tao kahit may kanya-kanyang pamilya na sila?

“Hindi ko alam, e. Hindi talaga namin alam.

"Minsan nagtatanungan kami na, ‘Why do people enjoy us?’ Hindi niya [Dawn] rin alam, e.

“Siguro, maybe we look good together on screen.

"And then yung acting namin compliments each other. So, I think yun ang basic nun, e.”

Naniniwala si Richard na ang pagganap nila ni Dawn sa kani-kanilang mga roles ang sinusubaybayan ng mga manonood, hindi ang namagitan sa kanila noong magkarelasyon pa sila.

Sabi niya, “Malaking bagay talaga yung acting. Yun din ang reason why all these years, nandoon pa rin ang tandem namin.

“Malaking bagay rin siguro na maganda kayong tingnan, magaling kayong um-acting, ’tapos maganda yung chemistry n’yo.”

Ano ang ginawa niyang motivation para ibigay ang best niya sa role niya?

“Wala, natural lang yung ipinapakita ko. Madali lang namang um-acting. Ganun-ganun lang naman yun, e,” nagbibirong tugon ni Richard.

“Hindi…” bigla niyang bawi. “Siyempre, kailangan talagang pag-aralan mo yung script at yung role.

“Lalo na yung mga susunod mong eksena para maging consistent yung characterization mo.”


LOVE TANGLES. Walang dudang isa sa mga inaabangan ng mga sumusubaybay sa Walang Hanggan ang tandem nina Richard at Dawn; maliban sa love triangle nina Coco, Julia, at Paulo.

Sabi ng Richard, “Alam mo, parang nabuhay yung fans namin 20 years back. And napansin naming marami kaming mga fans na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi noon, mga bagets yung mga fans namin and ngayon, I guess, patuloy pa rin silang sumusuporta sa amin ngayon.”

Kumbinsido ba si Richard na mataas ang popularity rate ng kanilang show?

“Oo, kasi yung latitude ng Walang Hanggan, meron Richard-Dawn tandem, may Coco Martin, merong… iba-iba, e.

“Marami talagang fans ang soap namin. And it works.

"Our show is doing very, very well.”

Dahil sa success ng kanilang soap, mas lalong na-excite si Richard na sundan pa ng isang teleserye ang Walang Hanggan kapag nagwakas ito sa October.

Tinitiyak din ni Richard na hindi sasagabal ang pagtakbo niya bilang mayor sa Ormoc City ngayong darating na eleksyon.

“Well, yung campaign season will begin in March next year. So, up to now until March, puwede pa.”

Ang lumabas sa teleserye ang ibig tukuyin ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN