Janus del Prado wants to venture into directing: "Ayaw ko kasing matali sa isang… yung parang, ‘Artista ka na lang ba talaga?’"

Janus del Prado describes the present showbiz condtions and how personalities adjust to these: “Mas mahaba nga lang ang lifespan ng career ng mga lalaki kaysa sa babae. Kasi ang babae, mostly looks talaga ang hinahanap nila, which is nangyayari na rin sa mga lalaki ngayon.”


Kabilang si Janus del Prado sa mga piling-piling artistang lalabas sa mga short films ng Experience SunShorts ng Sunlife Financial.

Bida si Janus sa The Debt na idinirehe ni Nicolo Reyes.

Maliban sa The Debt, ang apat pa sa limang short films ay 1945 ni Jun Reyes, Life in a Day ni Jolly Feliciano, Oh, My Goth ni Chris Martinez, at Sun Dance ni Jerrold Tarog. Mapapanood ang SunShorts sa www.experiencethesun.com.ph.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janus sa launching ng SunShorts, ikinuwento niya na buong magdamag lang nila ginawa ang The Debt.


REAL SHORT. Inihahalintulad ni Janus ang short film niya sa isang TV ad campaign shoot dahil sa kaunting panahon ng paggawa nito.

“Hindi pa ako nakakapag-indie. Hindi pa talaga. Pero ang short film, parehas siya sa commercial.

“Konting eksena pero kailangan metikuluso ang paggawa."

Bilang may-ari ng isang chicken fastfood resto na nalugi ang role ni Janus.

“Physically demanding siya kasi yung script, kailangan ng stamina para magawa mo yung mga gagawin mo sa pelikula,” sabi niya.


MOVING UP. Medyo matagal-tagal na rin sa acting si Janus at dahil dito, nag-iisip na siyang umakyat na ng level tulad ng pagdidirehe.

“Actually, maraming naging offer sa akin to direct something recently,” pagtatapat niya. “So, kinu-consider ko yun.

“Tinatanong ko yung mga kaibigan kong director kung ano ang dapat kong gawin, kung dapat ko bang ituloy or ano.

“Pero ang magandang suggestion sa akin is before I direct, kailangan kong mag-aral muna ng… I’m planning to study scriptwriting kay Ricky Lee.

“Kasi lahat ng kakila kong magaling na director, dumaan talaga sa kanya.

“Yung offer na magdirek, kung saan-saan galing. Magdirek ng isang episode na ganito…

“Yung iba naman, years ago nang in-offer sa akin. Pero wala sa isip ko yun, e.

“Pero ngayon kinu-consider ko na. Ayaw ko kasing matali sa isang… yung parang, ‘Artista ka na lang ba talaga?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, ‘Dahil ba sa ‘yan na lang ang ginagawa mo for 23 years, diyan ka na lang ba?’

“Gusto kong lumabas ng konti sa comfort zone,” paliwanag niya.


TRAINING SCHEDULE. Kung hindi early next year, malamang sa summer na mag-aral ng script writing si Janus.

Ang pagdidirehe raw ay dalawa hanggang tatlong taon pa ang dadaan.

“Kasi yung pinaplano kong school, medyo mahal.

“Kasi ang suggestion sa akin ng kaibigan kong director, kung mag-aaral ako…

“Kailangang maganda yung school na pinanggalingan ko para mas open ka sa opportunities pagdating dito sa Pilipinas.”

Hindi pa nakikita ni Janus ang sarili bilang isa sa mga sikat na director dito.

“Hindi ko pa alam, kasi iba-iba sila…

“Pero ako kasi, more on the psychological side, e, like The Machinist, Eternal Sunshine of the Spotless Mind…


“Lahat naman yata ng mga mahihilig sa film, dumaan sa mga art-art na ganyan.

“Pero mainstream na kasing babaw ng mga Adam Sandler film or Jim Carrey films—mga feel-good [movies] lang.”

A VETERAN. Twenty-three years na sa showbiz industry si Janus at twelve years na rin siya sa ABS-CBN mula pa noong 2000.

“Before no’ng bata ako, freelance. Kinukuha ako sa Coney Reyes on Camera, Maricel Drama Special.

“Pero wala talaga akong station noon… hindi ako nag-a-Ang TV. Actually, napagkakamalan lang akong tiga-Ang TV.

“Pero I started acting before pa na Star Magic or Ang TV.”

Ang kontrata ni Janus ay sa Star Magic at hindi sa ABS-CBN, hindi gaya ng ibang mga talents ng Star Magic na contract star ng istasyon.

Aminado naman si Janus na pinangarap niyang maging bida, pero ngayon lang niya yakap kung ano ang meron siya.

“Which is bad,” ang hindi niya pagsang-ayon sa kasalukuyang estado ng pagiging actor.

“Kasi kumbaga, nagiging kumportable na ako kung nasaan ako. Hindi na ako nag-e-explore ng ibang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like ngayon nga, gusto ko nang mag-try ng directing or umalis ako sa showbiz for a while or mag-try ako ng business.

“Kumbaga, nagiging routine siya at hindi na siya nagiging exciting.

“Siguro dahil tumatanda na ako. Hindi naman forever na…

“Well, suwerte ko na lang dahil hindi ko kaedad yung mukha ko, na ginagawa pa rin akong best friend nina Enchong Dee.

“Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ka bata?

“Mas mahaba nga lang ang lifespan ng career ng mga lalaki kaysa sa babae.

“Kasi ang babae, mostly looks talaga ang hinahanap nila—which is nangyayari na rin sa mga lalaki ngayon.

“Pero may expiration date, e.

"Kung wala kang passion or talent sa ginagawa mo, eventually, matatabunan ka ng mga… like every month yata may pumapasok na mga bagong artista.

“Or every batch ng PBB [Pinoy Big Brother] o PDA [Pinoy Dream Academy].”


FRUSTRATIONS. Sina Lilia Cuntapay at Willie Revillame ang nagsisilbing inspirasyon ngayon ni Janus.

“Si Nanay Lilia, ilang taon na siya no’ng nagbida. Si Kuya Willie, ilang taon na siya no’ng yumaman, di ba?

“Hindi ako umaasa pero naniniwala akong darating yung time na yun.

“Hindi mo alam kung kelan ang tamang time ng Diyos para sa iyo, e.

“Mas marunong ka pa ba sa Diyos para sabihing, ‘Ay, hindi para sa akin itong showbiz?’"

Hindi itinatanggi ni Janus na na-frustrate na rin siya sa kanyang career.

“Na-frustrate ako at one point, aaminin ko.

“Pero kasi kung titignan mo sa ibang prospective, makikita mong there’s a bigger picture, rather than the…

“Kasi, aminin natin kaya naman gusto nating sumikat because of the glitz and glamor of show business.

“Ayaw mo naman yung responsibilidad mo sa tao.

“Aminin natin, maraming mga artista na ayaw nila na public property sila kasi wala silang personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s the lifestyle and the money. Yun naman talaga yun.

“Pero kung titingnan mo sa ibang pananaw at ginagawa mo ito for the love of the business…

“Or yung passion mo sa trabaho mo, hindi mo makikita kung bida ka o hindi. Kasi there’s no big roles or small roles.

“’Pag dumaan ka lang na talent ka at napansin ka, dahil sa iyo yun, dahil ginawa mo ang best bilang artista.”

Sa bandang huli, inamin ni Janus na babawiin na lang daw niya sa kakayahan niya sa acting kapalit ng kanyang pagpapa-sexy.

Kung sakali at maganda ang script at role, puwede siyang maging daring sa mga roles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN