Ejay Falcon wants to take it easy with screen partner Empress

Ejay Falcon on status of relationship with Empress: “Wala… ganoon pa rin. Hindi naman kami. Ano pa lang, unti-unti. Hindi naman binibigla namin. Kasi mahirap kung padalus-dalos, baka mamaya, sayang naman yung friendship namin kasi nauna kaming magkaibigan, ‘tapos mauuwi sa wala, di ba?"


Si Ejay Falcon ang nanalo sa Season 2 ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

Ngayong may bago na namang winner ang PBB Teen Edition ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay kung ano ang maipapayo niya sa Season 4 big winner na si Myrtle Sarrosa.

“Sana huwag siyang magbabago. Kung sino yung mga kaibigan niya dati bago siya pumasok sa PBB, dapat nandiyan pa rin yun, hindi mawala.

“At… sana marunong siyang tumanaw ng utang na loob doon sa kung sino man yung mga tumulong sa kanya para makarating sa ganyan.

“And maghintay. Kapag hindi siya agad nabigyan ng break, maghintay lang.

“Kasi may para naman sa kanya,” saad ni Ejay

Nakausap ng PEP si Ejay kahapon, July 8, pagkatapos ng ASAP 2012, kung saan nagdiwang ng 20th anniversary ang Star Magic.

IMPROVED ACTING. Napapanood si Ejay sa afternoon soap na Mundo Man Ay Magunaw ng ABS-CBN.

Kung noong baguhan pa lang sa showbiz si Ejay ay marami ang tumutuligsa sa kanya na hindi raw siya marunong umarte. Ngayon ay pinupuri na ang akting niya.

Ano ang masasabi ni Ejay tungkol dito?

“Siyempre masaya kasi may nakaka-appreciate na ng acting ko.

“And dun sa mga nagsabi noon na hindi ako marunong umarte, yung mga tumuligsa sa akin dati, e, ganoon po talaga sa umpisa.

“Pero ‘pag mahal mo naman yung trabaho mo, matututo ka naman.

“And feeling ko, dahil mahal ko yung trabaho ko, unti-unti akong natuto.

“Kaya ngayon, kaya ko na.”

EMPRESS. Ang nali-link ngayon kay Ejay ay si Empress Schuck na kapareha niya sa Mundo Man Ay Magunaw. Kumusta na ba sila ni Empress?

“Wala… ganoon pa rin. Hindi naman kami.

“Ano pa lang, unti-unti. Hindi naman binibigla namin.

“Kasi mahirap kung padalus-dalos, baka mamaya, sayang naman yung friendship namin kasi nauna kaming magkaibigan, ‘tapos mauuwi sa wala, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi lahat ng nagbi-breakup, parang dun napupunta kung magiging kami man. So unti-unti.

“’Pag sigurado na kami, ako, ’pag sigurado na ako, siguro ayun.”

Pero nanliligaw ba siya kay Empress?

“Hindi naman totally nanliligaw po.

“Parang ano lang, ginagawa ko lang yung part ng pagiging leading man ko sa kanya.

“Siguro yung parang gentleman sa kanya, maasikaso, ganun.

“And sabi naman niya, naa-appreciate naman niya yung ganung mga bagay sa akin,” sabi ni Ejay.

Bakit may balitang hindi boto sa kanya ang mommy ni Empress?

“Hindi lang naman sa akin siguro. Sa lahat naman siguro ng lalaki.

“Siyempre bata pa naman si Empress.

“Nakakausap ko naman mommy niya.

“Hinahatid ko si Empress sa bahay nila ‘pag lumalabas kami, ‘pag nagke-KTV kami, nanonood kami ng sine…

“And okey naman ang pakikitungo niya [mommy ni Empress] sa akin.”

UPCOMING PROJECTS. Last week na ngayon ng Mundo Man Ay Magunaw. Ano ang susunod na seryeng gagawin niya sa ABS-CBN?

“May niluluto na pong bagong serye.

“May napag-meeting-an na kami kay Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic] at sa ibang business unit head.”

Sa pelikula, may gagawin din ba siya?

“May ginagawa po akong dalawang movies.

“Yung isa under kay Direk Toto Natividad. Medyo kakaibang action po ‘to. Puro barilan.

“Nag-aral ako ng aikido, ibang mga martial arts para makatulong sa akin. Ayun…

“Sa akin umiikot yung story, ako yung bida.

“Produce din ng Cinema Production ng ABS-CBN. Ito yung mga indie ng ABS-CBN.

“And yung isa naman under Skylight. Horror film naman po yun with Empress, Enrique Gil, and Ms. Angel Aquino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN