Dolphy wants to go home

Although Comedy King Dolphy wants to go home already, his doctors advised him to stay in the hospital. According to the text message sent by Eric Quizon, the reason is that “he is still in critical but stable condition.”


Gusto nang umuwi ni Dolphy sa kanilang bahay.

Ito ang sinabi ni Eric Quizon sa isang text message na kanyang ipinadala sa GMA News.

Ayon sa ulat ni Luan Dy kagabi, Hulyo 8, sa news program na 24 Oras, nagtatanong na raw ang Comedy King sa kanyang mga kamag-anak at doktor kung kailan siya maaaring umuwi.

Sabi ni Eric, “It is still advisable, however, as he is still in critical but stable condition.”

Ang ibig niyang sabihin ay ang manatili muna ang kanyang ama sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center, kung saan naka-confine ang Comedy King mula pa noong Hunyo 9.

Ayon daw kasi sa mga doktor ni Dolphy, mas makabubuti na nasa ospital ito hanggang sa tuluyan nang gumaling ang kanyang pneumonia at iba pang kumplikasyon nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN