Daniel Padilla: "Special po talaga si Kathryn at nasa puso ko po talaga siya.”

Daniel Padilla on status of his relationship with Kathryn Bernardo: "Siguro ngayon, parang special friend lang po kami. Kumbaga, nagkakaintindihan lang po kami sa mga bagay.”


Isa sa maituturing na hottest teen stars ngayon ang Kapamilya young actor na si Daniel Padilla.

Sa panayam ni Charlene Gonzalez-Muhlach kay Daniel sa The Buzz kahapon, July 8, tinanong ang young actor-singer kung naisip niya bang magiging ganito kaagad ang tatakbuhin ng career niya.

Ayon kay Daniel, “Noong una po talaga, wala po akong planong mag-artista. Hindi ko po talaga gusto.

“Pero ngayon po, habang tumatagal, nararamdaman ko na po na kapag tinigil ko po ‘to... talagang marami po akong taong, kumbaga, napapasaya.

“At saka, dahil po ito sa inyo at nakahanap na rin ako ng inspirasyon para ituloy ‘to.”

THERE IS SOMETHING ABOUT DANIEL. Hindi naman makapagsalita si Daniel nang marinig ang mga naging pahayag tungkol sa kanya ng ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo sa VTR.

Sinabi ni Kathryn na may “something” kay Daniel na wala sa ibang lalaki at malakas daw ang dating niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ang tanong, yung kiligan ba na ipinapakita nila ay parte lang ng pagiging loveteam nila o yun talaga ang totoo off-cam?

Sagot ni Daniel, “Kasi sa akin, ayoko po na parang makapag-promo lang ako.

“Talagang si Kathryn po, e, gusto ko pong talaga.”

Galing talaga sa puso niya?

“Yes po. Lahat po.

“Kumbaga, kung tratuhin ko po si Kathryn, para po siyang isang prinsesa pong talaga.”

MORE THAN FRIENDS? Masasabi ba ni Daniel na more than friends na sila, less than lovers, or lovers na?

“Hindi pa naman po. Siguro ngayon, parang special friend lang po kami.

“Kumbaga, nagkakaintindihan lang po kami sa mga bagay.”

“Special friend” daw sila, pero hindi lang nito sigurado kung M.U. (mutual understanding) na ang tawag doon. So, M.U. na nga ba sila?

“Ang hassle dito, ‘no?” natatawang sabi ni Daniel.

“Hindi ko po alam. Ayoko pong sumagot.

“Kasi kapag sinabi kong oo, baka sabihin assuming naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi, siguro, siguro… yun na lang. Ayoko pong maging assuming talaga.”

Papunta na ba sila sa pagiging M.U.?

“Sana,” nakangiting sagot ng Star Magic talent.

Mahal na niyang talaga si Kathryn?

“Siguro po, magaan ang loob ko kay Kathryn.”

Nag-“I love you” na ba siya kay Kathryn?

“A, hindi pa,” mabilis na sagot ni Daniel.

“Alam na niya po siguro yun... na special po talaga si Kathryn at nasa puso ko po talaga siya.”

Kinausap na rin daw ni Daniel ang ina ni Kathryn. Ano ang sinabi niya rito?

“Hindi, kinausap po kasi ako ni Tita at sabi, huwag daw po muna dahil bata pa at may mga career.

“Parang sabi, ‘wag munang magmamadali.

“Parang doon po kami nag-usap na sabi ko po, ‘Tita, wala pong problema kasi ako naman po, willing naman po akong maghintay.’”

Gaano naman siya katagal maghihintay?

“Kahit kailan, ayos lang… forever na ‘yan.”

SONG FOR KATHRYN. Kung may isang kanta siyang gustong i-dedicate kay Kathryn, ito raw yung “Grow Old With You” na kasama sa debut album ni Daniel.

Pero bago kinanta ito ni Daniel, nagbigay muna ito ng mensahe niya para kay Kathryn.

“Siguro Kath, kapag namumroblema ka, nandito lang ako palagi para sa ‘yo at hinding-hindi ako mawawala.

“Nandito lang ako para asikasuhin ka at mag-aalaga sa ‘yo kung wala man… maghihintay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN