Star Circle Quest alumna Neri Naig reveals reason why she left showbiz; admits relationship with Chito Miranda

Neri Naig was starting to make a name for hersef after being part of the first season of Star Circle Quest. She did movies, TV shows and guestings. Now she misses all that and makes a comeback: “Now, kaya ko nang mag-full time since hindi na gano’n ka-hectic ang schedules ko sa school.”


Pagkatapos ng apat na taong nagpahinga sa showbiz, nagbabalik muli sa pag-aartista si Neri Naig.

Produkto si Neri ng first season ng Star Circle Quest kunsaan ka-batch niya sina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Joseph Bitangcol, at Melissa Ricks.

Napapanood na noon si Neri sa mga drama series ng ABS-CBN na SCQ Reload: Ok Ako, Ang Panday, Komiks Presents Da Adventures of Pedro Penduko, Sana Maulit Muli at Ysabella.

Gumawa rin siya ng mga pelikula ’tulad ng Now That I Have You, D’Anothers, Saan Ka Man, at Bulong.

SHOWBIZ COMEBACK. Nagdesisyon si Neri na iwan muna ang showbiz noong 2008 para mag-concentrate sa kanyang pag-aaral.

Pero bukod sa gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral, umiwas si Neri sa ilang mga tao na nagsimula ng mga tsismis tungkol sa kanya.

“Hindi ko lang ma-take yung mga sinasabi nila against me.

“Mabait sila kapag nakaharap ako pero kapag tumalikod na ako, kung anu-ano pala ang tsinitsimis nila about me.

“So noong medyo below-the-belt na ang mga sinasabi nila sa akin, I decided to leave showbiz and concentrate on something else.

“I cannot work with people na may gano’ng mga ugali. Tahimik lang akong tao and I’m very professional.

“Pero yung siraan ako, hindi ko matatanggap ‘yan.

“So I made that decision to leave and just focus on my studies. And I can say that it’s the best decision I made sa buhay ko.”

Ito ang mga pahayag ni Neri nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cafe Via Mare sa Tomas Morato, Quezon City last July 7.

EDUCATION FIRST. One semester to go na lang si Neri sa kanyang kursong AB Communication Arts sa University of Baguio at thesis na lang ang kulang hanggang sa maka-graduate.

“I fulfilled the promise I made sa parents ko. Kahit na anong mangyari, tuloy ang pag-aaral ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nanghinayang sa apat na taon na hindi ako naging active sa showbiz. Sure I missed it, pero nagkaroon ako ng ibang priority.

“But now na okey na ako at konti na lang at matatapos na ako sa course ko, I can go back to work sa showbiz ulit.

“Nagkataon naman that I met Mr. Manny Valera [DMV Entertainment talent manager] over Facebook and I asked for a meeting with him.

“Kailangan ko kasi ng manager para sa mga projects.

“Pumayag naman si Tito Manny and now he’s my manager and I signed a contract with DMV Entertainment."

May mga naka-lineup na raw siyang projects at under negotiations pa ang iba.

BATCHMATES. Sabi ni Neri, “Hindi ko nga alam na manager din pala siya ni Roxanne Guinoo. Kay Tito Manny ko nga nalaman that Roxanne is pregnant again.

“Matagal na kasi kaming hindi nagkakausap ni Roxanne ever since I took a leave from showbiz.”

Noong minsang umuwi si Sandara Park para mag-show dito sa Pilipinas with her Korean all-girl group na 2NE1, magre-reunion dapat sila kasama si Melissa Ricks.

Pero hindi nakarating si Neri dahil busy ito sa kanyang school.

“Pinaka-close ko talaga sa group namin was Melissa. Parati kaming nagtatawagan niyan noon.

“Pero lately, hindi na kami nakapag-usap. Wala tuloy akong update sa nangyayari sa kanya at sa lovelife niya.

“Si Hero [Angeles] naman, he used to visit me sa Subic kapag napapadaan siya doon. Nangungumusta lang siya.

“Sayang nga ang team-up nila ni Sandara, e.

“Kapag tinatanong nga ako ng mga fans nila, wala akong masagot kasi wala akong alam sa nangyari sa kanila.”

GUEST APPEARANCES. Kahit nag-aaral si Neri, nagge-guest siya sa ilang shows tulad ng Precious Hearts Romance Presents Kristine, E-Boy, Maalaala Mo Kaya, Wako-Wako, at Hiyas.

“Puro mga one-time guesting lang ang mga ‘yan. Tinatawagan kasi ako ng mga kaibigan kong directors sa Dos [ABS-CBN].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung puwede ba akong ma-guest, kahit one taping day lang. Okey lang basta hindi mag-conflict sa schedule ko sa school.

“I must admit na na-miss ko rin ang napupuyat sa set at yung nakakasama mo ang maraming artista.

“Now, kaya ko nang mag-full time since hindi na gano’n ka-hectic ang schedules ko sa school.

“I hope na maganda ang pagbalik kong ito,” asam niya.


DEGLAMOURIZED ROLE. May natapos na indie film si Neri titled Ang Katiwala para sa Cinemalaya Festival.

Mula ito sa direksyon ni Aloy Adlawan at kasama niya rito sina Dennis Trillo, Althea Vega, Ronnie Lazaro, Shyr Valdez, at Louella de Cordova.

Sa naturang indie film, gaganap na lover ng isang lesbian si Neri.

“It’s my first time to tackle a role like that at ako mismo, hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon.

“May mga dialogues ako dito na magugulat ang lahat. Words na hindi ko kayang sabihin in public, pero dito sa movie magsasawa sila.

“It’s a great comeback project for me and I want to thank DMV Entertainment for making this all happen for me.

“I wish na makagawa pa ako ng mga ganitong mga movies na sobrang nakaka-challenge sa akin bilang isang actress.”


THIRD PARTY? Sa personal life naman ni Neri, inamin niyang in a relationship siya with Parokya Ni Edgar’s lead vocalist Chito Miranda.

Nilinaw ni Neri na hindi siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sila Chito at Kaye Abad.

“Hindi po ako ang dahilan!” sabay tawa niya.

“I met Chito noong wala na sila ni Kaye. I guess may two years na silang hiwalay ni Kaye. Naging good friend ko muna si Chito.

“Natuwa lang ako kasi dinadalaw niya ako sa house namin sa Subic. For a guy to take time to travel para bisitahin ka, it means na serious siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinagot ko siya noong December 2011. And we are on our seventh month.

“Okey naman kami. He makes me laugh and he’s so supportive sa pagbabalik ko sa showbiz," sabi ni Neri tungkol sa kasintahan.

Hindi naman daw nila napag-uusapan ang tungkol kay Kaye.

Para kay Neri, nakaraan na raw iyon ni Chito at hindi na raw nila kailangan ungkatin pa.

“Okey lang naman if we talk about it pero si Chito na rin ang nagsabi na huwag na lang. Baka raw magkaroon ako ng awkward feeling.

“’Tsaka hindi ko naman nakilala nang husto si Kaye even before. Nagkikita lang kami noon sa studio.

“’Hi’ and ‘Hello’ lang kami. We never had that chance na makilala ang isa’t isa.

“But sure naman ako na she’s a nice person. Kung ano ang naging dahilan ng breakup nila, ayoko na rin malaman.

“Ang importante ay okey kami ni Chito,” sabi ni Neri.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN