Kathryn Bernardo remains focused on her career despite blooming romance with Daniel Padilla

Kathryn Bernardo on what Daniel Padilla likes about her: “Of course, nakakatuwa naman dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao. Pero siguro po, ipinapakita ko lang kung ano ako. Siguro nagustuhan niya yung personality ko… I don’t know. Nakaka-flatter lang po dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao.”


Nagpaliwanag si Kathryn Bernardo kung bakit si Enrique Gil ang escort niya sa awards night ng Yahoo! noong Biyernes, July 6, sa Arena.

Inaasahan kasi ng marami na ang isa pa niyang ka-loveteam na si Daniel Padilla ang escort niya sa event, dahil na rin sa mga kuwentong sila ang pinaka-close sa serye nilang Princess and I sa ABS-CBN.

Sabi ni Kathryn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi siyempre, hindi rin naman po puwede si DJ [palayaw ni Daniel] ngayon. Wala naman sigurong magseselos na ganyan.”

Base sa mga interviews ni Daniel, lumalabas na malaki ang pagkagusto sa kanya ng young actor.

Nasosopresa o nagugulat ba si Kathryn sa pagiging vocal ng kapareha sa nararamdaman nito para sa kanya?

“Of course, nakakatuwa naman dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao. Pero siguro po, ipinapakita ko lang kung ano ako.

“Siguro nagustuhan niya yung personality ko… I don’t know. Nakaka-flatter lang po dahil may nag-a-admire sa akin na ibang tao.”

Ano ba ang status ng samahan nila ngayon ni Daniel? Kasi kung babasahin ang mga interviews ni Daniel, parang may malalim na silang samahan?

“Wala naman. Hindi naman po.

“Malinaw naman sa aming dalawa na hanggang ngayon, friends lang muna. Kasi hindi pa naman puwede.”

Nanliligaw na ba sa kanya si Daniel?

“A, hindi pa. Hindi pa po,” mabilis na sagot ni Kathryn.

Si Enrique ba ay may pagpaparamdam rin ba sa kanya na gusto siyang ligawan?

“Hindi naman. Kasi ayaw din naman namin muna.

“Ayaw pa din namin kasi ayaw naming magkaroon ng awkwardness sa work, e.

“Mas magandang friends lang muna kaming lahat.”

Ibig bang sabihin, sarado muna ang puso niya sa kahit na sinong lalake—kasama man niya sa trabaho o hindi?

“Opo. Huwag muna ngayon. May tamang panahon po para doon.

“Ang focus ko po talaga yung trabaho ko. Hindi po yata tamang magsabay yung personal at yung work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang laki ng trust sa amin ng ABS-CBN 2 kaya binibigyan kami ng trabaho.

“Gusto ko lang pong pagbutihan ito dahil may goal ako na abutin yung mga pangarap ko, saka ang bata ko pa po.”

JULIA MONTES. Tungkol naman sa napakalakas at popularity ng Walang Hanggan, na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Julia Montes, nagpahayag ng kanyang katuwaan si Kathryn sa magandang nangyayari sa career ni Julia.

“Very happy ako sa show at fan din naman ako ng Walang Hanggan. Very successful po talaga yung soap na yun.

“Alam naman po ni Julia yun na proud na proud kaming lahat sa kanya," sabi ni Kathryn.

Puwede na ba siyang umakyat ng isang level at gumanap na rin siya ng mature roles gaya ng ginagawa ni Julia?

“Depende po yun sa management [Star Magic]. Pero for me, hindi pa po muna.

“Kasi ako mismo sa sarili ko, hindi pa po ako handa sa mga mature roles.

“Pagdating ko na lang po sa tamang edad. Hindi naman po ako nagmamadali,” sabi ng 16-year-old actress.

Proud naman si Kathryn sa sarili niyang serye, ang Princess And I, dahil mataas din naman ang ratings nito.

Aniya, “Successful din naman po yung show namin. Happy kami sa result ng show namin.”

Hanggang kailan ba tatakbo ang series niya?

“Wala pa pong advice kung kailan, pero sinasabi po sa amin na baka ma-extend.

“Pero hindi pa po sinasabi sa amin kung hanggang anong month kami mag-e-extend. Sana po… sana po.”

May naririnig na movie project si Kathryn, pero hindi pa niya masabi sa amin dahil hindi pa ito kinukumpirma sa kanya. Balita lang niya, gagawin ito this year.

“Basta po, happy po ako sa takbo ng career ko ngayon. Sana lang po magtuluy-tuloy lang po," sabi ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN