Amalia Fuentes welcomes complaints filed by ex-tenants against her

Amalia Fuentes (in photo) and her son Jeric Stevens are now facing homicide, grave threats, grave coercion, oral defamation, and unjust vexation complaints, filed by her former tenants, Peter and Rosemarie Tan Licup, after a scuffle that transpired last July 4, at 4thSt., Rolling Hills Subdivision, in New Manila, Quezon City.


Nagsampa ng reklamo ang mag-asawang Peter at Rosemarie Licup laban sa aktres na si Amalia Fuentes at anak nitong si Jeric Stevens.

Ito’y kaugnay ng nangyaring insidente sa pagitan nila noong Hulyo 4, sa 4thSt., Rolling Hills Subdivision, sa New Manila, Quezon City.

Diumano, sinaksak ng payong sa likod si Amalia ng kanyang tenants.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa artikulo ni Julie M. Aurelio sa isang local daily broadsheet kagabi, Hulyo 9, nagsampa ng reklamong "frustrated homicide, grave threats, grave coercion, oral defamation, at unjust vexation" ang mag-asawang Licup laban kina Amalia at Jeric noong Hulyo 6, Biyernes, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Salaysay nina Peter at Rosemarie sa kanilang isinumiteng affidavit, kararating lamang daw nila sa apartment na nirerentahan nila kay Amalia, na binabayaran nila ng P25,000 kada buwan sa loob ng isang taon at isang buwan na panunuluyan nila dito.

Nakaabang na raw si Jeric at ang dala nitong pitbull sa gate ng kanilang bahay, at nang kausapin nila ay bigla raw silang sinigawan nito.

Nilapitan din daw nila si Amalia, na nasa loob ng kotse, upang tanungin kung ano ba ang problema. Ngunit hindi rin daw naging maganda ang pananalita ng aktres sa kanila.

Inutusan din daw ni Jeric ang kanyang aso na atakihin silang mag-asawa at tinawag umano silang "magnanakaw."

Ayon pa kay Peter, sinapak siya ni Amalia sa mukha at sumunod na rin daw ang anak nito na sinuntok at tinadyakan daw siya—na dahilan upang bumagsak siya.

Buti na lamang daw ay inilayo siya ng mga pulis mula sa mag-ina. Ang mga pulis na ito ay kasama raw nina Amalia na dumating sa apartment.

Nakasaad sa affidavit ni Peter, “The respondents, with obvious intent, confederated to inflict bodily harm against me until I would have been killed and would have succeeded in doing so as consequence of the mauling but nevertheless did not produce it by reason of them being separated from us by other persons, which is independent of the respondents’ will.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos daw ang insidente ay agad dumiretso si Peter at ang misis niyang si Rosemarie sa Ospital ng Maynila upang ipagamot ang mga sugat na kanyang natamo mula sa pambubugbog diumano sa kanya ng mag-ina.

GRAVE THREAT. Samantala, inaresto naman ang lalaking diumano’y nanutok ng baril kay Amalia.

Kinilala ang suspek na si Staff Sergeant Sesinando Tee Jr., na sinasabing miyembro ng Military Intelligence Group at kapatid ni Rosemarie Licup.

Ayon kay Galas Police Station Commander Superintendent Noberto Babagay, naaresto si Lee noong Linggo, Hulyo 8, at kinumpiska ang kanyang service firearm na .45-caliber Norinco.

Sabi naman ni case investigator Senior Police Officer 1 Jigson Maddatu, inaresto at sasampahan ng kasong grave threat si Tee dahil tinutukan umano nito ng baril si Amalia nang makita niya itong dumating sa bahay ng mga Licup.

Kuwento ng dating aktres, nasa St. Luke’s Medical Center siya noong Hulyo 10, nang tumawag ang kanyang kasambahay at sinabing ikinakarga ng pamilya Licup ang kanilang gamit sa isang container, na hindi inaabisuhan si Amalia.

Agad naman daw nagpunta si Amalia sa kanyang pinauupahang bahay sa mga Licup, dahil may utang pa diumano ang mag-asawa sa kanya.

Nakaparada raw ang kanyang Mitsubishi Pajero kasunod sa Hyundai Starex van ni Tee. Nang makita umano ni Tee si Amalia, ibinaba daw nito ang bintana ng kanyang sasakyan at ipinakita sa aktres ang barili nito.

Buti na lamang daw at dumating na ang mga pulis na kanyang tinawagan bago siya dumiretso sa bahay ng mga Licup.

AMALIA’S REACTION. Samantala, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Amalia kaugnay ng mga isinampang reklamo laban sa kanya ng mag-asawang Peter at Rosemarie Licup.

Ayon sa text message na ipinadala ng dating movie queen:

"I welcome anything from them para i know where they are at di mawala o magtago. I can only say that I’m blameless for the gulo and this is a pattern that they have done before and the victims are emboldened to go public cos of what I did. I can arrange an interview with them. Thanks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN