Phillip Salvador not satisfied with his shortlist Protégé hopefuls

Phillip Salvador laments on his experience in Mindanao while he was scouting for talents in the area: “Yung iba, naghahanap ng pamasahe para makapag-ano [audition]. Yung iba, hindi makapunta dahil walang pamasahe.”


Noong Linggo ng gabi, Hulyo 8, ay kinailangan nang mamili ng mga mentors ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break mula sa shortlist ng mga nag-audition sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang mapipili nila ay makakasama sa August 20 gala night na ihu-host ni Dingdong Dantes.

Ang beteranong aktor na si Phillip Salvador ang magiging mentor ng mga taga-Mindanao kunsaan doon siya nagpa-audition.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Phillip sa 17th floor ng GMA Network Center bago mamili ng kanyang top four, natanong namin kung nakahanap na siya ng sinasabing “total package” sa mga nag-audition.

Sagot ng aktor, “Alam ninyo, ang hirap makakuha ng total package, especially Mindanao dahil sa kahirapan.

“Yung iba, naghahanap ng pamasahe para makapag-ano [audition].

“Yung iba, hindi makapunta dahil walang pamasahe.

“Merong anak ng pastor, merong anak ng taxi driver… katulong."


CHOICES. Satisfied ba siya sa mga na-shortlist na nag-audition?

“Hindi,” pag-amin niya.

“I’ll be honest, I don’t want to be hypocrite, but I am praying.

"I am really praying na ma-develop. Ma-develop sila as good performer, good actors.”

Ano ang una niyang hinahanap o tinitingnan—looks or acting?

“Alam mo, ang importante sa akin, marunong umarte. Kasi, madali naman yung guwapo, maganda.

“Yung mga guwapo at sobrang magaganda, ang inaano nila, ‘Guwapo ako, maganda ako, okay na ’ko.’

“Pero ang pinakamahirap kasi, kung puro ganda at guwapo ka lang, overnight star ka lang, hindi ka magtatagal.

"Ang ano rito, yung magtatagal ka.”

Sabi ng iba, yung talento ay nade-develop naman. Agree ba siya rito?

“Yes, but I’m hoping na kung nasa puso nila ‘yan, maggo-grow sila.”


STANDARDS. Ang tila nagiging peg daw ni Phillip sa paghahanap o goal niya bilang mentor ay makahanap ng isang Christopher de Leon o Vilma Santos at Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naghahanap ako actually. Noong nagpunta ako ng Mindanao, Davao, ang hinahanap ko, isang Christopher de Leon na bata… Vilma Santos at Nora Aunor.

“Kailangan complete, e. Kung pag-arte lang, e, di isang Gina Alajar na ang hahanapin ko.

“Naghahanap ako ng Christopher de Leon, complete package. Si Boyet, kumpleto.

"Magaling umarte, magaling kumanta... pero hindi siya magaling sumayaw,” natatawang biro niya tungkol sa kaibigang aktor.


FIRST EXPERIENCE. Unang pagkakataon pa lang daw na maging mentor si Phillip ng isang nangangarap maging artista. Noong ialok ba sa kanya na maging bahagi ng Protégé ay tinanggap niya ito agad o pinag-isipan niya muna?

Sagot ng award-winning actor, “Kasi challenge, e. Ang ano lang talaga, yung frustration namin ‘yan bilang mentor.

“You know, we will teach them. Momoldehin namin sila to become good actors.

“But the thing is, hindi namin alam kung hanggang saan ang kapasidad nila.

“Sabi nga ni Ricky [Davao] ‘We’ll work on the capacity nila.’”

Magiging istrikto kaya siyang mentor?

“Ay, sobra!" bulalas ni Phillip.

"Istrikto ako pero I’m also playful.

"Pero kapag nandiyan na ang oras ng workshop, let’s all be serious about it. If you want to make it, you have to also help yourself.’”


BONA ON STAGE. Ang pelikula noon nina Phillip at Nora Aunor na Bona ay gagawing stage play ng PETA.

Si Eugene Domingo ang gaganap sa papel ni Nora at si Edgar Allan Guzman naman sa role ni Phillip.

Ano ang masasabi niya sa balitang iibahin na raw ang pangalan ng karakter niya at hindi na Gardo?

“Well, prerogative nila yan kung gusto nilang baguhin. Mahirap tapatan ang original.

“Kailangan maging original sila in a way na ganoon, nagbabago sila.

“Pero yun pa rin si Bona. Bona pa rin, e, di ba?”

Manonood ba siya ng play?

“Fan ako ni Eugene Domingo so panonoorin ko yun,” sagot ni Phillip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN