Ricky Davao on being a mentor in Protégé: “Ang struggle talaga, sa pagpili talaga. Yung pagpili, ang hirap.”

Ricky Davao is the mentor for the Northern Luzon area where he was tasked to audition artista hopefuls. He has narrowed his choice to only four. Asked about his criteria, he said: “E, kasi, visual medium tayo. Yun agad ang tinitingnan. Una muna ang dating.”


Nahihirapan ang actor-director na si Ricky Davao bilang isang mentor sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

Ang hinahanap kasi ng mga mentor ngayon ay hindi lamang basta marunong kumanta o magaling umarte, kundi maka-spot at makapag-produce sila ng susunod na star.

Nilinaw ito ni Ricky sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Linggo, July 8, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Dito, kinakailangan na niyang mamili ng apat mula sa Northern Luzon na makakapasok sa Top 20.

“Ang hirap, e. Ano ba ang star, di ba?” tanong ni Ricky.

“Ang struggle talaga, sa pagpili talaga. Yung pagpili, ang hirap.

"Like ako, gusto ko magaling umarte. At saka, ramdam ko kung marunong o hindi.

"Pero yung mas magaling umarte, may mas maganda, pero hindi magaling umarte.

“Yun ang mahirap.”


SAD STORIES. Karamihan sa mga nangangarap na maging artista ay gustong maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Sabi ni Ricky, “Maraming sad stories. Doon pa lang, emotionally, medyo madadala ka na.”

Dapat ba, hindi sila magpadala?

“A, oo, hindi. Pero yun nga ang mahirap do’n, ang bigat. Pero dapat tanggalin mo yun.”

Sa Top 20 na papasok, dalawa ang magiging winners—isang lalaki at isang babae.

Ang bawat isa ay mananalo ng total prize of P6 millio; kasama ang P1 million cash, condo unit, network contract, at winu-workout din daw ang sasakyan sa premyo.

Umaasa si Ricky na sa mga napili niya mula sa Northern Luzon, meron na rito ang masasabing future “star” na may complete package.

“Hopefully, makita na namin, ha? Hopefully makita na namin sa kanila. Kasi, ito na ang finals. Nasala na namin ‘yan.

"Hindi ko pa alam kung may papasok from online [audition].

“Pero sa totoo lang, wala naman talagang… I don’t know, ha, name na sa unang sabak, e, perfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibig kong sabihin, wala. Nade-develop na lang.

“We’ll work around their capacity. Kasi, hindi naman namin puwedeng ipilit kung wala talaga.

“So far, itong mga nasala naman namin, meron. Merong ibibigay. Nakita naman namin.

“Pinag-drama namin, pinag-comedy, kumanta, sumayaw—total package."

TOTAL PACKAGE. Ano ang una niyang tiningnan—looks or talent?

Sagot ni Ricky, “E, kasi, visual medium tayo. Yun agad ang tinitingnan. Una muna ang dating.

“May dating na guwapong-guwapo. May dating na guwapo, ’tulad ni Gabby [Concepcion]. May dating na guwapo na Robin Padilla.

“Sino ba ang pumapansin sa kanya noon, pa-extra-extra, biglang superstar pala, di ba? So, hindi natin nakikita yun.

“Depende siguro. Parang sa American Idol, makikita mo sila walang make-up, wala lahat.

“’Tapos a cappella. Sinabayan na ng two-piece musician hanggang naging three-piece, banda... So, umuusbong. Naggo-grow.

“So, siguro itong Protégé, kapag na-meet na rin nila ang mga teachers nila sa workshop, mga mentors, ‘tapos nakikita na nila ang kalaban… they will get the feel.

"Ang suwerte nga nila, noong panahon namin, walang ganoon.

“Kanya-kanya kami ng trade secrets. Paano kami magalit dito…

“Ito, lahat isusubo na lang. Nandodoon, e.

"Kami, sariling sikap. Attend ng workshops left and right. Nanonood ng mga pelikula.

“Noong ano [panahon] ko, lahat ng pelikula ni Lino Brocka, pelikula niya [Phillip Salvador]... lahat—kahit yung luma… Manuel Silos.”

May artista search din ang ibang networks, ano ang dating ng kumpetisyon na yun sa kaniya?

“Well, may kumpetisyon, pero unang-una, hindi pa namin sila napapanood.

"Ang nasisilip ko ng konti, yung sa ABS-CBN. Pero puro kantahan naman yun.”

Kung si Phillip Salvador, na isa rin sa mga mentor, ay isang Christopher de Leon, Vilma Santos, at Nora Aunor ang hinahanap, sino naman ang peg ni Ricky sa mga artista?

“Ganoon din ako. Kasi hanggang ngayon, ganoon pa rin.

“Although siyempre, sa GMA, we’re looking for the next Dingdong Dantes, Marian Rivera, Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unless meron talagang lumabas na extraordinary.”

Magsisimula ang Inside Protégé, na ihu-host ni Jennylyn Mercado, sa July 23, pagkatapos ng One True Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN