Jolina Magdangal recuperates after bad fall in Party Pilipinas backstage

Multi-media star Jolina Magdangal was not able to perform on Party Pilipinas last Sunday, July 8, after falling in the backstage minutes before the show. She sustained injuries on her back and her foot.


Hindi nakapag-perform si Jolina Magdangal sa Party Pilipinas noong Linggo, July 8, dahil naaksidente siya bago pa man magsimula ang show.

Naka-makeup at nakaayos na si Jolina dahil naghihintay na lang siya na magsimula ang show, ngunit natapilok siya at tumama ang lower back niya sa may hagdan.

Isinugod siya agad sa St. Luke’s Hospital.

Naka-fiberglass splint ngayon ang kanang paa ni Jolina at binigyan na lang daw muna siya ng medication sa likod nito.

Sabi ng doktor, kailangang ipahinga ni Jolina ng two weeks ang paa niya.

Dahil sa nangyari, hindi nakapili si Jolina mula sa mga na-short list niya sa mga nag-audition sa Visayas upang maging protégé niya sa bagong season ng Protégé. Namili na noong Linggo ang ibang mentors na sina Roderick Paulate, Gina Alajar, Phillip Salvador, at Ricky Davao.

Sa Personalan naman, gagawan daw ng paraan ng mga staff na makapag-taping at makapag-host pa rin si Jolina bukas, Miyerkules, Hulyo 11. Kung dati ay nakatayo siya sa pag-welcome ng mga bisita, baka raw nakaupo na lang ito ngayon.

Mabuti na lang at nasa U.S. pa si Ogie Alcasid kaya naman sa Biyernes, July 13, pa magre-resume ang taping nila ng My Daddy Dearest.

Nagpapasalamat naman si Jolina sa mga taga-Party Pilipinas na nag-asikaso at nagdala agad sa kanya sa emergency room ng St. Luke’s.

Thankful din si Jolina na hindi napuruhan ang likod niya base sa ginawang X-ray sa kanya.

Pero nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, sinabi niyang nakatigilid pa rin daw siya sa pagkakahiga dahil nasasaktan siya.

Posible rin daw na humingi sila ng second opinion tungkol sa kanyang likod.

Hindi raw kasi masabi kung dahil sa pagkakabagsak niya o dahil sa tagilid na posisyon niya kaya parang may maliit na buto na na-disalign na nakita sa X-ray niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas mabuti na raw ang sigurado.

Ngayong araw, July 10, ay kinumusta muli ng PEP ang kalagayan ni Jolina sa pamamagitan ng text.

Aniya, “I’m okay. Medyo masakit lang ang lower back. Nandito kami ngayon sa St. Luke’s ni Mark for check-up.”

Si Mark Escueta ang mister ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN