Gerald Anderson: “Nililigawan ko si Sarah dahil gusto ko talaga siyang ligawan at hindi para sa mga tao."

Gerald Anderson’s wish for Sarah Geronimo: "Sana dumating ang araw na makuha niya yung freedom and opportunity to make mistakes… And to learn from it on her own, to fall down and stand up on her own. Sa ngayon, sobra siyang blessed talaga kasi sobrang pagmamahal at proteksiyon ang ibinibigay sa kanya ng pamilya niya."


May lumabas na balitang pinahihinto na raw ni Divine Geronimo, ang ina ni Pop Princess Sarah Geronimo, si Gerald Anderson na pumunta sa bahay nila dahil nalaman raw nito na may relasyon na ang aktor at ang anak.

Ayon pa sa balita, kung dati ay bukas na tinatanggap ni Mommy Divine ang pagpanhik ng ligaw ni Gerald kay Sarah, pormal na raw sinabihan ng ina ni Sarah ang aktor na huminto na at putulin ang pakikipagkita sa anak.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gerald sa ASAP 2012 noong Linggo, Hulyo 8, tinanong namin siya kung may katotohanan ang lumabas na isyu.

Sagot ng young actor, “Wala namang ganun, hindi naman kami mag-boyfriend-girlfriend [ni Sarah].

“Sa ngayon, focused ako sa pagiging friends namin para mas maging malalim pa as friends.

“Lately kasi sobrang busy ni Sarah, ayoko namang istorbohin yung tao, siyempre ang dami niyang ginagawa.

“I’m just here to support—kung anong suporta ang kailangan na puwede kong ibigay sa kanya para ma-inspire siya, ibibigay ko.

“Alam ninyo, kahit yung tiwalang ibinigay nila, kahit yung dumalaw sa bahay nila, sobra akong privileged na pinayagan ako.

“Siyempre malaking bagay yun for her family. I’m just very thankful na mas nakilala ko sila.

“Right now, ina-assure ko sila—sila Tita [Mommy Divine], si Tito [Delfin Geronimo], na I’m her friend talaga and yun ang pinakaimportante ngayon.”

NOTHING HAS CHANGED. Wala bang nabago sa trato sa kanya ng pamilya ni Sarah, partikular na si Mommy Divine?

“Alam ninyo si Tita, kailangan nating intindihin… baby niya talaga si Sarah.

“Kailangan nating respetuhin yung pagmamahal at suporta na ibinibigay niya kay Sarah.

“Ako naman, right now, si Sarah, ang daming itinuro sa akin.

"Ang dami niyang itinurong mga bagay-bagay na kailangan kong ma-realize muna.

“Dati sinasabi ko sa TV na ang kulang na lang sa akin ay girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi sa akin ni Sarah na, I should be content with what I have now, maging happy muna ako para makilala ko ang sarili ko

“I took that to heart, ‘Oo nga, ‘no?’

“Dun sa panliligaw ko sa kanya," patuloy niya, "ang dami kong natutunan about myself, about her, about life.”


REAL INTENTIONS. Kung saka-sakaling dumating sa punto na pahintuin si Gerald sa panliligaw kay Sarah, itutuloy pa rin ba ng aktor ang panunuyo rito?

“Sana," sambit niya.

"By now, nakita naman nila na wala akong masamang intensiyon.

“Nililigawan ko si Sarah dahil gusto ko talaga siyang ligawan at hindi para sa mga tao.

“Hindi para sa mga fans, sa mga tao sa paligid ko kung hindi para sa akin.”

Ano ang reaksiyon si Gerald sa mga taong kumukuwestiyon hanggang ngayon sa intensiyon niya para kay Sarah?

“Siyempre mahalaga sa akin yun.

"Kayo, ano ang mas gusto ninyo, maging kami or maging magkaibigan kami?

“Ako, I’m happy as a friend.

"Siya ang first na kaibigan kong babae kasi puro lalake ang mga kaibigan ko.”


MORE LESSONS. Sa ngayon ay naniniwala si Gerald na marami pa silang dapat matutunan ni Sarah sa kanilang sarili bago sila pumasok sa mas malalim na relasyon.

“Siyempre, mayroon din kaming kulang. Bago kami pumasok sa isang relasyon, dapat naayos na ang mga yun.

“Sana, siya naman... sana dumating ang araw na makuha niya yung freedom and opportunity to make mistakes…

“And to learn from it on her own, to fall down and stand up on her own.

“Sa ngayon, sobra siyang blessed talaga kasi sobrang pagmamahal at proteksiyon ang ibinibigay sa kanya ng pamilya niya."

Dagdag ni Gerald, “One day, kung mas matured na kami pareho, maybe then puwede na kaming pumasok sa relasyon.

"Kasi sa ngayon, hindi pa talaga.

“Both of us siguro, ang dami ko pang kailangang i-prove at ayusin sa sarili ko, sa pamilya ko, me as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like I’ve said, mas mahalaga sa akin yung maging mabuting kaibigan niya—ayokong masira yun.

“Madami akong natutunan sa kanya.

"I wanna be her friend forever, siguro magiging kumplikado ‘pag naging kami, sayang…”


SIGNS. Sa concert ni Sarah sa Smart-Araneta Coliseum noong Sabado, July 7, ay dumating si Gerald para bigyan ng suporta ang dalaga.

Marami ang kinilig at natuwa na bukod sa magkahawak-kamay silang dalawa papuntang stage, kinanta pa nila ang “It Might Be You.”

Inisip na nga ng iba na maaaring ito na ang theme song nila.

Ayon kay Gerald, “Sobrang daming sumisigaw. Nakakatuwa yung reaction nila, yung suportang ibinibigay nila sa amin ni Sarah.

“Marami naman puwedeng ibig sabihin ng ’It Might Be You.’

"I can say na sobrang proud ako sa concert niya at sana po abangan ninyo ang repeat niya.”

Hindi maitago ni Gerald ang sobrang paghanga sa performance ng Pop Princess sa concert nito.

“Lahat kaya niyang gawin. Sobrang nakakabilib lalo na sa napanood ko sa kanya kahapon.

“Sobrang proud ako as a friend, as a supporter,” sabi ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN