FIRST READ ON PEP. Angelica Panganiban is ready to accept suitors: “Naghihintay lang ako.”

“Hindi naman. Ready lang akong mag-explore, mag-enjoy, makipag-date kung uso pa siya. Yung gano’n. Pero yung ibang bagay, e, hindi ko alam. Hindi naman yun napipigilan, di ba? Pero kaya ko, kaya ko,” says Angelica Panganiban when asked if she’s now ready to enter into a new relationship.


“Oo, nagbalikan na kami!”

Ito ang makahulugang pahayag ni Angelica Panganiban sa press launch niya bilang endorser ng CarbTrim sa Fully Booked, Global City, Taguig, Rizal kaninang tanghali, July 10.

“Opo, nagkabalikan na kami… ng rice,” dugtong niya agad bago pa man makapag-isip ang mga imbitadong press kung sino ang binabanggit niyang nakabalikan niya.

Ayon sa aktres, na mahilig din magluto, ay pitong taon na siyang hindi kumakain ng kanin para mapanatili ang kanyang timbang.

“Mahilig din naman akong magluto para sa iba. Gano’n. So ngayon siyempre, matitikman ko na siya.

“Natitikman ko naman dati kaya lang nae-enjoy ko na kung ano din yung niluluto ko. And kung ano pa yung mga kakainin ko."


NEW HOUSE, NEW BEGINNINGS. Nabalita noong kasagsagan ng isyu sa balitang hiwalayan nina Angelica at Derek Ramsay na naghahanap ang aktres ng bahay.

Ngayon ay nakalipat na daw si Angelica sa bahay na kanyang nabili.

“Okay naman. Nag-a-adjust. Nag-aayos ng gamit.

"Kung walang trabaho, lagi lang akong nando’n.

“Ligpit lang nang ligpit, ayos lang nang ayos. Walang katapusan.

"Feeling ko mga two years pa ’kong mag-aayos!" masaya niyang kuwento.

Sabi pa ni Angelica, “A, yun… ibang-iba yung feeling. Fulfilled din na may napundar nang gano’n. Na mag-isa mo siyang itinayo.

"Kumbaga, mag-isa mo siyang na-achieve.

“Basic pa lang yung laman ng bahay. Parang kama pa lang, ref... yung mga kailangan ko pa lang talaga para maka-survive.

"Pero wala pa ’kong furnitures masyado dahil ayoko din naming madaliin.

“Gusto ko dahan-dahan para hindi rin ako… baka mamaya manghinayang lang ako ‘pag may mabili akong…"

Kailan kaya ang balak niyang house blessing?

“’Pag may dining table na ’ko! Wala pa no’n, e!" tawa niya.


DREAM HOUSE. Masasabi ba niyang ito na yung kanyang dream house?

“Mukha naman. Lahat naman ng pinangarap ko, e, nando’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi kasi ako ang nagpagawa ng bahay. May ibang nagpagawa for me. Taray!” natawa niya uling pahayag.

“Binili ko siya na nagawa na. So, nagulat ako na yung ginawa no’ng mag-asawa, parang ginawa siya for me.

“Parang gano’n. So, iba yung pakiramdam.

"Well siyempre may mga ia-adjust na lang ng konti dahil ang closet… artista, kailangan mo nang mas malaking space.

“May mga konting adjustments lang akong gagawin talaga.”


PROJECT WITH PIOLO PASCUAL. Kumusta na ang Apoy sa Dagat, ang bagong proyekto ng ABS-CBN kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual at Diether Ocampo?

“Magsisimula na kami, I think two weeks from now… ako magte-taping. Pero yung iba, alam ko mag-start na silang mag-taping," sabi ni Angelica.

Sa isang panayam kay Piolo, nasabi nito na Angelica brings out his funny side. Ano ang masasabi niya rito?

“Siyempre, happy naman ako at ano… ako yung nakakapaglabas ng other side ni Piolo.

“And ano… ‘pag kasama ko kasi siya, masaya ‘ko. Sobra kong nae-enjoy.

"Wala kasing mabigat na aura yun, e, si Piolo… si PJ,” banggit niya sa palayaw ni Piolo.

“Sobrang good vibes lahat. Uhm, kahit pagod ka, minsan gusto mo nang umuwi ‘pag nakita mo siya…

"Kumbaga, nakita mo siya magtrabaho kung gaano siya kasipag, mai-inspire ka.

“Na parang ikaw pa yung mahihiya, ‘Sige na nga, dito na lang ako, yung Piolo Pascual nandito, e.’

“Sobra akong thankful na tinanggap niya yung project na ako yung makakasama niya sa TV.

“Siyempre kakagaling lang niya sa isang soap. Siyempre tatawid na naman siya sa panibago. Wala man lang siyang pahinga.

"Sobrang thankful ako na gagawin niya yun for me.

“And happy ako naka-build ako ng gano’ng friendship with PJ na ang important no’ng pakiramdam na binibigay niya sa ‘kin."


HAPPY HEART? Masaya ba si Angelica ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super!” walang gatol na sagot niya.

Ano ang nagpapasaya sa kanya?

“CarbTrim!” mabilis niya uling sagot na natatawa.

“Alam n’yo kasi sobrang daming blessings. Sobra.

"Kumbaga, hindi ko nakita ‘to dati.

“Siyempre ngayon, kung sarili mo na lang iniisip mo, di ba, nakikita mo yung sarili mo na ano… kung ano yung magagandang bagay na nangyayari sa ‘yo. Naa-appreciate mo siya.

"Yung mga dumadating na endorsements, projects... kung ano pa man yung dumating sa ‘kin, bina-value ko siya.

“At talaga namang ina-appreciate ko at ninanamnam ko kung ano yung binibigay sa ‘kin na blessing.”


FUTURE PLAN? Kuwento pa niya, “Nag-aayos kami ng family ko ng business, yung pangarap ko talaga na mapauwi na dito yung mga relatives ko, so parang yun na lang. Yun na lang."

Anong business ba ang balak pasukin ng aktres?

“Monkey!”biro niyang sagot ‘tsaka nakitawa sa press.

“Wala pa. Wala pa. May mga siyempre pinaplano kami, pero plano pa lang siya. Napag-uusapan pa lang kung ano.

“Kung ano yung pangmatagalan na puwede namin... ayoko siyempre mapagod mama ko,” pagtukoy niya sa kanyang kinalakhang ina.

“Gusto ko nakahilata lang siya habang pumapasok ang blessing sa kanya.

"So, gusto kong magpatayo kami ng mga bahay, apartments. Gano’n.”

Kumusta naman ang lagay ng kanyang psuso sa ngayon?

“Buhay siya!” natawa niyang sagot ulit.

“Uhm, okay naman. Well, nakikita ko naman yung sarili kong happy. So feeling ko, ready naman… ready na ’ko.”

Handa na siyang pumasok sa isang panibagong relasyon?

“Hindi naman. Ready lang akong mag-explore, mag-enjoy, makipag-date... kung uso pa siya. Yung gano’n.

“Pero yung ibang bagay, e, hindi ko alam. Hindi naman yun napipigilan, di ba?

"Pero kaya ko, kaya ko,” nakangiti niyang pahayag.


JOHN LLOYD CRUZ. Sa mga balitang nakikita diumano sila ni John Lloyd na nagkakasama at sinasabing sweet na sweet sila, paano nila ito ninaharap ng aktor? Pinagtatawanan na lang nila ang balita? Napag-uusapan ba nila ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Parang...

“Hindi, e. Hindi naman. Tanungin ko siya kung nao-awkward siya.”

Pero ngayon ba nakatuon lang si Angelica sa pagtatrabaho?

“Oo, trabaho, mag-enjoy, kumain... gusto ko lang maging happy.”

Hindi ba napapagod ang puso niyang magmahal?

“Hindi, ‘no!”

Ibig sabihin puwede na siyang tumanggap ng manliligaw?

“Naghihintay lang ako,” makahulugan niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN