PEP EXCLUSIVE. Amalia Fuentes on her ex-tenants: “When I feel that they are taking advantage of me, then I will not allow that.”

Amalia Fuentes claims she is not the only victim of couple Peter and Rosemarie Licup since another landlord plans to sue them. The former movie queen adds: “I am not a pushover, that much my friends know. Ipaglalaban ko talaga, kahit saan makarating, ang karapatan ko.”


Hindi lamang daw si Amalia Fuentes ang pinagkakautangan ng mag-asawang Peter at Rosemarie Tan Licup.

Ito ang sinabi ng dating aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang eksklusibo namin siyang makapanayam sa telepono ngayong hapon, Hulyo 10.

Kaugnay ito ng insidenteng naganap noong Hulyo 4, sa pagitan ni Amalia at anak nitong si Jeric Stevens, at sa mag-asawang Licup.

Pumunta raw kasi doon si Amalia at ang kanyang anak upang sabihin sa mag-asawang Licup na tumalbog ang tsekeng ibinayad ng mga ito sa kanya.

Pero ang pag-uusap ay nauwi sa sakitan, nang saksakin diumano siya ng payong sa likod ni Rosemarie.

(CLICK HERE to read related article.)

Matapos raw ang insidenteng ito, sabi ng former Movie Queen, “May mga other victims ang tenants ko, [who] apparently came out."

Nakausap na raw ni Amalia ang mga ito at sinabi raw sa kanyang nakipagpulong na sila kay Manila Mayor Alfredo Lim, dahil may utang umano sa kanila ang mag-asawang Licup na nagkakahalagang isang milyong piso.

Kuwento ni Amalia sa PEP, “Yesterday, they already had a meeting with Mayor [Alfredo] Lim, because ang kanilang property, a big building na nire-rent din ng mga tenants na ito.

“One million, pinutulan na ‘yong building na ‘yon na ginagamit na boarding house... pinutulan na ‘yong mga nakatira doon.

"Kasi ‘yong mga boarders nila na mga estudyante, nagko-complain na dahil naputulan din sila ng ilaw at tubig, ang bill is one million.

“Actually, this is a bigger deal than with mine. Pumutok na ito kasi it is already... nag-ano na sila ng attention ni Mayor Lim.”

Dagdag ni Amalia, pinagkatiwalaan daw ng nagpapaupa ang mag-asawang Licup dahil “they are both Chinese, they will keep their word.”

Nang malaman ni Amalia ang sinapit ng landlord na ito’y nahiya raw siya, dahil wala pa raw sa kalahati ng kanyang sinisingil ang halaga ng pagkakautang ng mag-asawang Licup sa nagpapaupa na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yong case na ipa-file din, ang naka-sign doon sa contract si Rosemarie Licup lang.

"But, kaya nila pinayl [filed], dahil ‘yong isang may-ari nitong building, sinama din ‘yong asawa ni Licup, itong lalaki, ‘yong Peter Tan.

“Kaya akala nila, nagpa-rent sila because sabi ng babae sa akin, because akala daw nila, they are both Chinese, they will keep their word.

“Biro mo, may contract pa ito, ha, may contract, ginagawa nila itong kabalbalan na ito.

“Kaya ako, when I realized na mas malaki pa nga ang losses nito, can you imagine one million... one million sa rent, sa bills, sa utilities, water and electricity, para akong nanliit!

“Sabi ko, I’m putting my life on the line for an amount which is smaller than 500,000. [Pero] siguro umaabot na sa 700,000 ang mga hahabulin ko sa kanila, their civil obligation.”

CIVIL AND CRIMINAL CASE. Samantala, kahit pa man daw mas maliit ang halagang sinisingil niya sa mag-asawang Licup kumpara sa unang pinagkakautangan ng mag-asawa, ay itutuloy niya ang reklamo laban sa mga ito.

Matatandaang naghain ng kasong frustrated homicide si Amalia laban sa mag-asawang Peter at Rosemarie Licup.

Ito’y simpleng kaso lamang daw sana, na naging grabe dahil sa mga ginawang pananakit ng mag-asawang Licup sa kanya at sa anak na si Jeric.

Sabi ni Amalia, “Sana, I’m trying to ano… balikan sila, para magbayad sila.

"So ngayon, wala na silang motivation para magbayad.

“This is a simple case, a simple collection case on my part that escalated in to a more serious case because of what they did to me.

“So, gano’n lang ‘yon, e, tenant-landlord relation that went wrong because they did not fulfill their obligations.

“Pero siyempre, ‘yong frustrated homicide is ano, criminal case ‘yon.”

Pinabulaanan din ng ‘50s actress ang mga balitang kaya pinutulan ng metro ang kanyang pinarerentahang bahay ay dahil luma na raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Amalia, “Six years lang ‘yong bahay ko, it is not considered old, with all the standards, modern standards, that was used in that house, that is not an old house.

“‘Yan ‘yong garahe no’ng dati kong bahay na ginawa ko na ngang up and down para nga magkaroon ako ng small rental property, because ‘yong iba kong rental property na malalaki, wala ako naging problema sa mga rentals.

“Ngayon mo lang naman narinig sa akin na nangyari ito, and it turns out na hindi lang pala ako ang nabiktima nitong sina Rosemarie Licup, hindi lang ako.”

Kanya rin dinepensahan ang sarili sa mga kumakalat na video kung saan makikitang inaawat siya at pinapasakay na sa kanyang sasakyan.

Sabi ng dating aktres, “Alam mo itong babae na ito, ‘wag kayo basta-basta naniniwala.

“Nag-release pa nga siya ng phone [video] samantalang may CCTV camera, dalawa, malaki, ha, doon sa may ano... ayaw nila i-release.

“So, ang nakita na lang ‘yong inaawat ako, I was going to my car after being hit by them and their cohorts, it was only my son who protected me.”

SCARE TACTIC. Hindi nagtatapos ang gulo sa pagitan nina Amalia at mag-asawang Licup sa naganap na insidente noong Hulyo 4.

Noong Hulyo 8, ang kapatid naman ni Rosemarie Tan Licup ang diumano’y nanakot kay Amalia.

Ang kapatid na ito ni Rosemarie ay kinilalang si Staff Sergeant Sesinando Tee Jr., na sinasabing miyembro ng Military Intelligence Group.

Kuwento ng dating aktres, nang makita raw siya ni Tee na dumating sa harap ng bahay ng mag-asawang Licup ay binaba ng lalaki ang bintana ng kanyang sasakyan at ipinakita ang baril nito sa kanya.

(CLICK HERE for related article.)

Ani Amalia, ginagamit daw ni Rosemarie si Tee upang ipanakot sa mga katulad niyang landlords.

“Kaya itong kapatid niya ang ginagamit niyang panakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tatlong beses na nagsumbong siya sa barangay, tatlong beses pina-police blotter ako, puro trespassing, puro oral defamation... of course, maniningil ako.

“Karapatan ko bilang landlord na maningil, magtanong kung bakit ‘yong metro na since dati pa pala ay putol na.

"Bahay ko ‘yon, I’m only three houses away from them, I’m three houses away.

“Kaya nga ng gabing iyon na nahulihan siya [Tee] ng baril, that is what he is doing with me and my son.

“But nakatawag ako ng mobile, and it was the mobile who apprehended him.

"Sabi niya wala daw warrant, hindi na kailangan ng warrant when you’re caught in the act.

“Biruin mo, pinagbintangan nila ang pulis publicly, na binugbog daw siya [Tee] ng anak ko at ng mga pulis doon sa police station.

“Why don’t you go and look at the police station, how small it is, and he is not worth it.

“He is just a tool by the sister to intimidate landlords like me.”

Kaya naman ang mensahe ni Amalia sa mag-asawang Licup, na may utang at sinaktan diumano siya at ang kanyang anak: “I am not a pushover, that much my friends know.

“Ipaglalaban ko talaga, kahit saan makarating, ang karapatan ko.

“When I feel that they are taking advantage of me, then I will not allow that.”

Samantala, sa pinakahuling kaganapan kaugnay ng isyung ito, nagpunta si Amalia sa National Bureau of Investigation ngayon ding hapon para humingi ng tulong sa kasong isinampa niya laban sa mag-asawang Licup.

Kasalukuyang nasa Anti-Organized Crime division ng NBI ang dating aktres.

Bukas naman ang PEP sa panig ng mag-asawang Peter at Rosemarie Licup kung may nais silang ipahayag kaugnay ng mga sinabi ni Amalia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN