Newlyweds Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz expecting their first child

Former Miss International Precious Lara Quigaman and actor Marco Alcaraz were wed in a Christian ceremony held last July 8 at Hacienda Isabella in Indang, Cavite.


Ikinasal na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz noong Linggo, July 8.

Ginanap ang “very private” na Christian wedding nina Lara at Marco sa Hacienda Isabella sa Carasuchi sa Indang, Cavite.

Alas-kuwatro ang nakalagay sa imbitasyon, pero dahil biglang bumuhos ang ulan, naantala ito ng halos isa’t kalahating oras.

THE WEDDING MARCH. Past 5 p.m. nang simulan ang wedding march ng bumubuo ng entourage.

At dahil mahilig mag-travel sina Marco at Lara, isang vintage travel ang tema ng kanilang kasal.

Sa venue ng kasal, isang footpath ang inilagay sa gitna ng swimming pool kung saan magmamartsa ang buong entourage.

Sa kabilang dulo ng pool, naghihitay sa couple ang magkakasal na si Pastor John V. Gay ng Without Walls Ministries.

Taliwas sa tradisyon na puti ang isinusuot ng bride, kulay beige ang kulay ng wedding gown ni Lara na gawa ni Veeday Floresca.

Lalong lumutang ang kagandahan at pagiging isang beauty queen ni Lara sa kanyang wedding gown.

Lalong tumingkad naman ang kaguwapuhan at kakisigan ng aktor sa kanyang suit na gawa ni Randy Ortiz.

Saksi sa pag-iisang dibdib ng dalawa ang ilang malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Relax na relax lang si Marco habang naghihintay na simulan ang wedding ceremony. Pero bumigay na rin ang aktor at hindi na rin niya napigilang lumuha habang naglakakad patungong altar ang kanyang magandang bride.

Dahil ulila na sa ama si Lara, tanging ang mommy na lang niya ang naghatid sa kanya sa altar. Bakas din sa mukha ni Mrs. Princesita S. A. Quigaman ang lungkot, pero halatang natutuwa ito sa pagpapakasal ng anak.

Ang color motif na napili ng dalawa ay lavander, powder blue, at blush pink.

THE BIG REVEAL. Eksaktong alas-6:29 ng hapon nang magpalitan ng kani-kanilang personal vows sina Marco at Lara.

The big reveal happened sa parteng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-reveal sa vow ni Marco that Lara is already pregnant sa kanilang first baby.

Sa vow naman ni Lara, it was made known that they got married civilly in Canada last January 1, 2011.

Nakararamdam man ng nerbiyos, pero damang-dama naman ng lahat ang kaligayahan nina Marco at Lara habang nagpapalitan sila ng kani-kanilang personal vows.

Ang groom ang nauna sa kanyang personal vow:

“Whatever words may come out of me today, Lord, they are just part of what I feel. Because I am just so overwhelmed by your goodness and love for having sent me a person like my Jiampong, my Jiamps, my precious one—as my wife.

“I want to walk through many years right beside you Precious Lara as your best friend, your soul mate, your lover. I will be your true partner in every adventure—wherever, whenever, forever.

“God really works in mysterious and sometimes funny ways. Dati, napapanood lang kita sa sitcom na That’s My Doc, ngayon, puwede na kitang tawaging Mrs. Alcaraz.

“Ironic that I have to experience an injury in basketball for us to meet in show business. Sabi ko sa sarili ko, ‘Kapag si Lara ang naging girlfriend ko, titino na ako!’

“True enough, salamat naman, minahal mo ako. Kahit hindi ako masyadong mayaman, kahit hindi ako masyadong mature katulad ng dati mong boyfriends, at kahit na may itsura ako ng konti sa kanila.

“I thank you, Miss Precious Lara Quigaman, for being the most unselfish, generous, loving person that I know.

"I feel more deeply in love with you when I see that way you treat your family, relatives and even my family and myself.

“Thank you for bringing out the best in me and for showing me the things and the people that really matter. And most important of all, thank you for bringing me closer to the Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m sorry Lara for the pains you had to go through with me. I am not perfect but I will always try to work hard to be the best husband to you and father to our children.

“I love you Lara and I promise to love you unconditionally, without reservation, comfort you in times of distress, encourage and support you to achieve all your goals and dreams.

“And lastly, you may be the Miss International to everyone but for me, Jiamps, you will always be my precious two,” sabay halik sa tiyan ni Lara.

Ito naman ang tugon ni Lara sa mga katagang binitiwan ni Marco:

“To my heart’s desire, Jiampong, I prayed and prayed and asked God, to give me the perfect husband and I prayed for Piolo Pascual but instead He gave me you.

“But it does prove that God really knows and what’s best for us. Because this is more that what we asked for or can we ever imagine.

“He may not given me what I thought was the perfect man, according to me, but He gave the perfect man for me.

“We have been so much already.

“Thank you for loving me or accepting me.

“I will love you and you love me and I will still love you even you’re annoying me.

“We will be partners in everything. I will stand by you and I promise to support you and I will always be right here for you.

“Jiamps, we had done this before in the presence of our family. And this time, the whole world will know that you are mine—wala nang puwedeng umagaw—and I am yours.

“And I promised to love you for the rest of our lives because you are my answered prayer!”

THE WEDDING ENTOURAGE. Sa imbitasyon, nakasaad ang mga katagang: “An answered prayer he is to me. My greatest blessing she’ll always be!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang wedding entourage ay pinangunahan ng kani-kanilang parents na sina Mr. Benigno A. Alcaraz and Mrs. Vilma Cristina F. Alcaraz, at Mr. Nelson S. Quigaman (RIP) and Mrs. Princesita S.A. Quigaman.

Umabot sa 12 pairs ang tumayong principal sponsors sa kasal nina Marco at Lara. Hindi nakarating sina Senator Juan Miguel F. Zuburi, GMA-7 executives Mrs. Lilybeth G. Rasonable at Mrs. Cheryl Ching-Sy.

Ang mga ninong ay kinabibilangan nina Sen. Juan Miguel F. Zuburi, Governor Luis R. Villafuerte, Jr., Vice Governor Deogracias Victor B. Savellano, Mr. Noel D. Ferrer, Mr. Roy M. Almoro, Mr. Carlos C. Valera, Mr. Mike B. Tregaskis, Mr. Edgar J. Alcaraz, Mr. Joselito P. Trensuan, Mr. Jose B. Larano, Mr. Edmundo G. Fortunato, and Mr. Percibal F. Santos.

Kabilang naman sa mga ninang sina Mrs. Cory V. Vidanes, Mrs. Lilybeth G. Rasonable, Mrs. Cheryl Ching-Sy, Mrs. Maria Elena R. Nuñez, Mrs. Lily T. Lee, Mrs. Josephine J. Inocencio, Mrs. Rebecca A. Tregaskis, Mrs. Ellen D. Alcaraz, Mrs. Loudes P. Tensuan, Mrs. Candelaria V. Larano, Mrs. Sonia U. Fortunato, and Mrs. Corazon C. Santos.

Ang Matron of Honour ay si Mrs. Jerica Q. Castro, sister ni Lara na nakabase sa United Kingdom.

Ang Best Men ay kinabibilangan nina Adrian Louis C. Alandy, Martell R. Soledad, at Vittorio Jesus Nuñez Ortega.

Ang Maid of Honor ay si Ms. Joy Kristin L Reyes.

Kabilang sa bumubuo ng Bridesmaids ay ilang stars, former beauty queens at malalapit na kaibigang sina Elizabeth A. Tregaskis, Ma. Dulce Erika F. Alcaraz, Valerie N. Galang, Maja Andres, Gionna J. Cabrera, Karen Loren A. Ostrea, Elaine A. Tregaskis, Aina J. Lluz, Melissa R. Mateo, Sheriliz B. Almoro, Carlene A. Ocampo, at Denille Lou V. Valera

Mga kaibigan din ng couple ang tumayong Groomsmen: Howard Zaleta, Juan Kristoffer F. Alcaraz, Paolo Miguel d. Paraiso, John Joseph S. A. Quigaman, Gerald Randolph O. Anderson, at Jason J. Abalos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Here are the other members of the wedding entourage. Veil: Brgy. Capt. Jeremy S. Marquez and Iza Melissa F. Alcaraz; Candle: Councilor Alfredo Paolo D. Vargas, III and Mary Jade S. A. Ignacio; Cord: Dominic Zapata and Anna Katrina F. Alcaraz;

Ring Bearer: Mr. Rowell S. Octavio; Bible Bearer: Timothy Gabriel S.A. Quigaman and Coin Bearer: Jesumel Noel F. Alcaraz.

Escort: Andres Gabriel de Mesa; and Flower Girl: Hannah Laurene S.A. Ignacio.

Mahigit isang oras ding inabot ang wedding ceremony.

Ilan sa mga celebrities who graced the affair were former Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao, Dina Bonnevie, John Hall with his girlfriend, Joross Gamboa with his date, and many others.

FIVE MONTHS PREGGY. Sa loob na rin mismo ng Hacienda Isabelle ginanap ang cocktail at reception ng kasal.

Sa reception na namin nalaman that Lara is five months and one-week pregnant na sa kanilang first baby ni Marco, and she’s scheduled to give birth sometime in November.

Lara and Marco are both excited sa una nilang supling.

After giving birth, magkakaroon uli sila ng honeymoon sa Maldives na regalo sa kanila ng ninong nilang si Noel Ferrer, na siya ring manager ni Marco.

Congrats and best wishes to Marco and Lara!

CLICK HERE to view the gallery


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN