Billy Crawford sheds off pounds; says girlfriend Nikki Gil is inspiration for the transformation

Billy Crawford recently flew in from Paris where he made a few recordings. In this short journey, he reconnected with his fans and felt sentimental about the experience. He relates: “At alam ko na sobra ang pasensiya nila na matagal akong nawala dun, pero sa pagbabalik ko, tinatanggap pa rin nila ako.”


Halos dalawang buwan nawala ng bansa si Billy Crawford para mag-record uli ng international album sa Paris, France.

Nakagawa na ng pangalan si Billy sa Europa bago pa man siya nagdesisyong manatili ng Pilipinas.

Sa kanyang pananatili dito, kinilala si Billy bilang isang magaling na singer at host.


LOST WEIGHT. Nagulat ang lahat na sa pagbabalik ni Billy, malaki ang ibinawas ng timbang niya at marami ang nagsabing bumagay naman ito sa singer-TV host.

Ayon kay Billy, ang girlfriend na si Nikki Gil ang isa sa inspirasyon niya kung bakit siya nagdesisyon na magpapayat.

Aniya, “Alangan naman na chubby ako umalis, pagbalik ko chubby ulit ako, baka magsawa siya sa chubbiness ko!

“Si Nikki, obviously minahal naman niya ako nang mataba ako, so kahit naman siguro hindi ako pumayat, okay lang sa kanya.

“Hindi naman sa physical naka-base ang relationship namin, she’s everything I need.

“Si Nikki yung motivation ko, yung inspiration kaya nagplano ako na mag-try uli na pumunta dun para sa akin and, of course, it’s because of Nikki.

“Siya ang inspirasyon ko para hindi kumain, kailangan mag-workout ako.

“Nagte-teleserye na si Nikki, delikado ako diyan, but I’m so happy na nandito na ako.”

Sabi pa ni Billy, mas healthy at mas magaan ang pakiramdam niya ngayon.

“Nag-training ako while while I was there, sinulit ko na.

"Nag-one and a half months ako ng athletic training kasama ang kaibigan ko na trainor ko.

“Alangan naman na bumalik ako na mas mataba, at least mas mabilis mag-lose dun kasi walang kanin.

“Pero it was good to relax and concentrate and focus sa mga kanta and realization na, ‘Oo nga, I was gaining weight and mataba ako and I had to try to lose weight and stay healthy.’

“Now, I feel blessed, I feel lighter, healthier. Parang bumata ang pakiramdam ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LONG-DISTANCE AFFAIR. Ayon din kay Billy, ang pansamantalang pagkakalayo nila ng girlfriend ay higit na nagpatatag sa relasyon nila ni Nikki.

“May mga pabilin si Nikki ng mga ganito, make-up and, etc., na siyempre binili ko for her.

“It’s a refreshing experience, but actually hindi mo naman gugustuhin na malaya kayo sa isa’t isa.

“Pero once na malayo kayo sa isa’t isa, yun ang true test kung yung relationship ninyo is stronger na.

“Of course, may times na mahirap; especially the first month, sobrang hirap…

“But then after that, you kinda get used to it and okay naman talaga ang technology natin ngayon.

“Kung gusto mo naman talagang mag-work ang relationship ninyo, you will do everything you can to maintain it."

MORE RECORDINGS. Masayang ikinuwento ni Billy ang warm welcome ng mga fans niya sa France.

“Actually, nakakatuwa nga kasi nung dumating ako dun sa France…

“Ewan ko kung paano nila nalaman na nandun ako, sa airport pa lang, may mga dumating.

“There was this girl named Alex, dumating siya dun, kasama ang mga barkada niya at tamang-tama pang eleksyon ng presidency sa France at that time.

“Sobrang nakakatuwa na naaalala pa rin nila ako at sinusuportahan.

“At alam ko na sobra ang pasensiya nila na matagal akong nawala dun pero sa pagbabalik ko, tinatanggap pa rin nila ako," saad ni Billy.

Ano naman ang nangyari sa recording niya sa Paris at anu-ano pa ang nakalinya niyang gawin dito sa Pilipinas?

Sabi ni Billy, “Good naman, nag-recording ako, tinapos ko yung album ko dun and, of course, babalik uli ako dun for promotion.

“Different songs, a lot of dance, pop and RNB songs.

“As of now, hindi ko alam kung kailan ako babalik dun. But as of now, dito muna ako until October.

“Happy ako na nandito na naman uli ako—balik trabaho, balik-saya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaka-miss din naman kasi pati yung madlang pipol [of It’s Showtime]. Nakaka-miss din ang ASAP.

"Sobrang mari-realize mo na sobrang lonely ka pa rin kapag wala ka sa Pilipinas.

“I have Showtime of course, ASAP,and magpi-prepare ako for PGT [Pilipinas Got Talent].

“Excited na excited ako na makatrabaho uli si Lulu Boy [Luis Manzano] so sobrang exciting ang lahat ng nangyayari dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN