PBB Teen winner Myrtle Sarrosa admits crush on Robi Domingo; honored to be called "Erich Gonzales look-alike"

Myrtle Sarrosa not only had dreams of being a PBB housemate but also become the Big Winner. Her ambitions coming true, she now faces a new and exciting world. She exclaims: “No’ng pumasok ako sa PBB house, I can say that I am just a cocoon. And now I’m learning to become a butterfly.”


Sumalang na sa live interview sa The Buzz last Sunday, July 8, ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle Sarrosa.

Pagkatapos nito, naging very accommodating naman siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang one-on-one interview.

“Wow, nasa outside world na talaga ako!” sabay tawa niya.

“I’m very thankful po kasi, parang yung feeling is very blessed na… nakaka-proud po yung feeling na maraming naniniwala sa ‘yo."

May kuwento siya na two years ago, napadaan daw siya sa PBB house at nasabi niyang, “One day, I’ll also be a Big Winner.”

Ibig sabihin ba’y nakakundisyon na sa isip niyang mananalo siya?

“No! Dati talaga, at first lahat naman tayo yata nangangarap ng ganito.

“Nangyari lang na one time nag-vacation ako dito sa Manila, ’tapos nadaanan ako sa PBB house.

“’Tapos sabi ko kay Mama, “One day, I’ll become a housemate and I’ll become a Big Winner.’

“And sinabi ko lang ‘yon out of impulse. At ngayon na nangyari nga na naging Big Winner ako, hindi ko ma-explain yung emotions ko.

“The only word na masasabi ko is… thank you sa lahat.”


LIFE-CHANGING. Ano ang naramdaman niya sa agarang pagbabago sa kanyang buhay matapos manalo sa PBB?

“I guess po, parang there is a bigger responsibility sa akin.

“Na… this title is ibinigay sa akin ng mga tao dahil they saw something in me na nagustuhan nila.

“So, of course, ipagpapatuloy ko po na i-prove yung sarili ko.

“And ipapakita ko rin sa kanila na yung desisyon nila na suportahan ako, hindi sila nagkamali.”

Ano pa ang ibang changes sa kanya na inaasahan niyang mangyari?

“No’ng pumasok ako sa PBB house, I can say that I am just a cocoon. And now I’m learning to become a butterfly.

“And ngayon din po, I’m learning how to accept my mistakes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m learning na not all people are perfect. And… just do your best and strive to succeed.

“Ang dami na kaagad nabago sa buhay ko. PBB taught me to become a better person… a better Myrtle. To be my best self.

"So I’m thankful to PBB.”

May mga mga plano bang nabubuo ngayon matapos siyang tanghaling Big Winner ng PBB Teen Edition 4?

“Yung balak ko po ngayon is ano… if there’s an opportunity, then I’ll grab it.

“If wala po, then I’ll continue with my studies. Priority ko pa rin yung studies ko," sabi ni Myrtle.


SHARE THE BOUNTY. Ano ang balak niya sa premyong napanalunan?

Saglit na nag-isip si Myrtle bago sinagot ang tanong.

“Yung prize ko, one million pesos, ’tapos apat na trip to Singapore, ’tapos Sony [TV], and the Whirlpool appliance showcase.

“Ano nga ba ang gagawin ko do’n sa one million pesos?” tanong din niya sa kanyang sarili.

“Uhm… I guess po, first thing that I would do is save money po talaga. Hindi ko po gustong mag-spend ng money.

“And at the same time, I would share it to people na nangangailangan.

“And if they need something from me, of course, io-offer ko naman yung help ko sa kanila. So, yun po.

“I won’t keep it to myself alone. But I would always share my blessings.

“Ang uunahin ko po talagang tulungan is yung municipality ko po, yung football capital ng Philippines,” pagtukoy niya sa Barotac Nuevo sa Iloilo kung saan siya nagmula.

“Like before pa no’ng pumasok ako [sa PBB house], it was already my dream na, ano… it was my dream for them na abutin mo ‘yon.

“And gusto ko po talagang tulungan yung mga players do’n ng football.

“Kasi ang daming talented football players from our municipality na hindi nakakalaro nang maayos dahil wala silang proper uniform at sapatos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yun po. Iyon yung first ko po talaga na gagawin po with the money.”

Papasukin din ba niya ang pag-aartista kagaya ng mga naunang Big Winners ng PBB Teen Edition na sina Kim Chiu, Ejay Falcon, at James Reid?

Sagot ni Myrtle, “If there are opportunities, of course I’ll grab it.

"Pero at the same time, like what I said, hindi ko kakalimutan ang studies ko po.

“Kasi other than maging artista, pangarap ko po talaga na maging lawyer.

“Dating pangarap ko lang po is to defend those who cannot defend themselves.”


INSPIRATON. Kung mag-aartista siya, okey ba sa kanyang magkaroon ng ka-loveteam? Sino sa mga Kapamilya young actors ang gugustuhin niyang makatambal?

“Uhm… loveteam? Hindi pa po ‘yon nag-pop sa mind ko,” sabay bungingis ni Myrtle.

“Pero okey lang po sa akin whatever opportunities come my way po. I would always grab it kasi once in a lifetime.

“Pero sa loveteam po, wala pa po akong naiisip kung sino.”

Meron ba siyang mga crush na young actors?

Napaisip nang husto si Myrtle bago nakapagbanggit ng pangalan.

“First ko po talaga [na crush], si Robi Domingo,” sabay bungisngis niya.

“Si Robbie… si Robbie po!” tawa pa niya.

Why Robbie? Ano ang nakita niya rito na wala sa iba?

“Dati po, sobrang sinusubaybayan ko siya sa PBB. Kaya parang na-inspire niya rin po ako.

“Isa po siya sa mga inspiration ko po kung bakit mas ginusto ko rin pong sumali dahil nakita ko rin po sa kanya na grabe siyang magpursigi. Kaya gano’n po.”

ERICH GONZALES LOOK-ALIKE? Maraming nagsasabi, may hawig daw siya kay Erich Gonzales. Ano ang reaksiyon niya hinggil dito?

“Yes po… grabe!” nangiting sabi ni Myrtle.

“Uhm… lagi nga pong may nagsasabi sa akin no’n. And for me po, it’s… wow!

“Of course po, ang ganda ni Erich Gonzales. And ‘yon po, it’s an honor po na sabihin ‘yon sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ OPPORTUNITY. Hindi malayong mabigyan siya ng break ng ABS-CBN sa pag-aartista. Sa anong forte naman kaya niya gugustuhin sumabak?

“Sa kahit ano po, kakayanin ko.

“Of course po, I will always try my best in whatever opportunities come my way.

“Kaya ko po ang singing. Kaya ko rin po ang dancing. Pero yung nagtatak talaga sa PBB dati is yung classical singing ko po.

“Pero kaya ko rin pong mag-act.”

HATERS. Number four na at trending pa rin sa Twitter ang mga hindi magagandang nasasabi ng mga haters niya. Ano ang reaksiyon niya dito?

“Lahat naman ng tao, uhm… kagaya ng sinabi ko, there’s always two sides of the coin—some people like you, some people hate you.

“And I respect their opinion kung ayaw nila sa akin.

“But at the end of the day, I’m very thankful na mas marami pa rin ang may gusto sa akin kaysa sa mga tao na ayaw sa akin.”

Hindi siya nasasaktan sa mga negatibong nasasabi ng haters niya laban sa kanya?

“Of course po, nahe-hurt ako. But I would always look at the positive side.

“And the positive side is, mas marami pa rin ang naniniwala sa akin. And thankful ako sa kanila.

“And of course po, at least po napapansin ako ng mga tao na ayaw po sa akin,” nakangiting pahayag ni Myrtle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN