Iya Villania neither confirms nor denies engagement with longtime boyfriend Drew Arellano

“Kapag may nakita na kayong singsing at hindi ko na pwedeng i-deny, ‘yon na ‘yon,” TV host Iya Villania briefly answered when asked to confirm the rumor she’s already engaged with longtime boyfriend Drew Arellano.


Isa sa mgangilan-ngilang celebrity na hindi masyadong naiintriga si Iya Villania, at sobrang ikinatutuwa niya ito.

“Happy naman ako where I am,” nakangiting sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang media na dumalo sa pocket press conference na inihanda para sa kanya ng staff ng bago niyang gag show na Gag U, sa Studio 23, kahapon, July 10.

Sa halip na mag-alala sa intrigang ipupukol sa kanya, mas iniisip pa raw ni Iya ang mga miyembro ng entertainment media sa tuwing may presscon siya.

Pabiro niyang sinabi, “‘Yong iniisip ko ay kayo [mga reporters] kasi when you go to a presscon, parang, ‘Ooh, we’re gonna get all the juicy stuff.’

“Pero I’m happy with being where I am because ayaw ko namang mag-effort pa ako para lang gumawa ng issue.

“Ganito talaga ako, e. Baka late bloomer lang.

"Give me five to 10 years, baka saka lang lumabas ang mga scandals ko!”

ARE THEY ENGAGED? Pero sa tuwing humaharap siya sa media, madalas na naitatanong kay Iya ang tungkol sa kanila ng longtime boyfriend niyang si Drew Arellano—at ang pinakahihintay na engagement nila.

“Ay, oo. Sobrang luma na nga ‘yan, e,” reaksiyon ni Iya.

“Feeling ko, it’s the only thing that people can ask.

“Just when I think na, ‘Wala na silang maitanong,’ ‘yon ang bagsak, kay Drew.

“Si Drew pa nga ang nagbibigay sa akin ng mga isyu.”

Agad din niyang siniguro sa media na, “Hindi pa naman kayo huli sa balita.”

Subalit nang tanungin ng PEP kung engaged na nga ba sila ni Drew, parang biglang natensiyon at napasigaw si Iya.

Tinanong pa niya, “Bakit? Saan n’yo ba nakita ‘yang balita na ‘yan?

“Kapag may nakita na kayong singsing at hindi ko na puwedeng i-deny, ‘yon na ‘yon.”

Nang muli namin siyang tanungin, ito naman ang sinagot ni Iya: “Ano ba? Oh, my God! Ide-deny ko pa ba? Magugulat pa ba kayo? Magugulat pa ba kayo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa magpatuloy si Iya, agad naman sumabat ang road manager niya at sinabing, “Wala pa. Wala pa. Magpapa-presscon kami on that.”

Napangiti naman si Iya, “Ayan, nagsalita na ang RM for that.

“Gawin n’yo na lang na isyu, ayaw sagutin ni Iya ang tanong kung engaged nga ba o hindi.”

“WE HAVE PLANS.” Bagamat wala pang engagement, hindi naman itinanggi ni Iya na paminsan-minsan ay nagpag-uusapan na nila ni Drew ang pagpapakasal.

“Siyempre, may plano na. Dyusko, eight years na kami!” sabi pa niya.

“May mga plano naman kami. I mean, Drew and I are super-duper happy.

"I don’t think… of course, things can get better.”

Ayon kay Iya, masaya naman silang dalawa ni Drew sa mga nangyayari sa kanilang relasyon.

Aniya, “For the two of us, we look at each other and think, ‘Siguro ‘yong ibang mga tao akala nila parang joke na lang ‘tong relationship natin na, ’Ano ba ‘yan eight years na sila ayaw pang magpakasal.’

“Pero it was a slow eight years, e. At saka ngayon, things are only getting better.”

Kung sakali, sa mga susunod na dalawa o tatlong taon pa raw nila gustong magpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN