Camille Prats insists Sam Milby is just a “good friend”; says she’s not dating anyone yet

Camille Prats doesn’t deny that she hangs out with Sam Milby. But she wants to clarify, “Wala naman po akong dine-date currently. I am not dating anyone right now. I just focus on work, on taping, parang ‘yon ang gusto kong gawin. With regards to that [dating], hindi ko pa talaga naiisip.”


Sinabi ni Camille Prats na isang bago at ibang yugto na raw ang dapat abangan ng mga tao sa primetime drama series ng GMA-7 na Luna Blanca.

Gumaganap siya dito bilang si Rowena, ang ina nina Luna at Blanca na ngayon ay gagampanan na nina Bea Binene at Barbie Forteza.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Camille nong Hulyo 10 sa presscon ng bagong yugto ng Luna Blanca. Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Ikinuwento ng aktres sa amin kung ano ba ang aasahan ng mga manonood sa ikalawang yugto ng naturang teledrama.

“Kasi sa second part, they [Luna and Blanca] are more independent, ‘tapos kaya na nilang mag-isip para sa sarili nila.

“So, medyo nabawasan ako ng trabaho sa second part.

"Kasi no’ng una, parang lagi akong hanap nang hanap, akay nang akay sa mga inakay ko.

"But of course, nakaka-miss ‘yong dalawa," pagtukoy ni Camille sa child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, na unang gumanap sa title roles.

Patuloy niya, “Dito naman, naging mas independent sila, mas naging wiser sila.

"So the story is more about how teenagers deal with the kind of life they are living in—Blanca bilang lumalaki sa dump site, si Luna sa pakikisama niya do’n sa mansion.

“So, it’s a different story, an entirely different story, medyo malayo doon sa unang kuwento.”

SAM MILBY. Samantala, hindi na rin nakaiwas si Camille sa pagtatanong ng press kung totoo ba na nagde-date sila ng Kapamilya actor na si Sam Milby.

Kamakailan kasi ay may lumabas na balitang nakita raw sila ng aktor na magkasama sa isang restaurant sa The Fort.

Halos isang taon na rin kasi nang pumanaw ang asawa ni Camille na si Anthony Linsangan dahil sa sakit na cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

Hindi naman itinanggi ni Camille ang balitang magkasama nga sila ni Sam sa isang restaurant.

Ngunit paliwang niya, “Sam and I are really good friends, and it’s true that we really hang out.

“That time, we really had dinner together, kasi tinreat [treat] niya ako kasi nag-birthday ako, because he was not able to come.

“‘Tapos no’n pinuntahan namin si John [Prats, her brother]... pinuntahan naming si John sa taping niya.

“We’re very close, [and] Sam and John are like the best of friends.

"And most of the time, when I don’t have taping, I hang out with them, sumasabay ako sa kanilang mag-gym.

“So, parang we’re really good friends, wala naman nang ibang anggulo pa do’n.”

Binigyang-linaw rin ni Camille na, “Wala naman po akong dine-date currently.

“I am not dating anyone right now.

"I just focus on work, on taping, parang ‘yon ang gusto kong gawin.

"With regards to that [dating], hindi ko pa talaga naiisip.”

TIME TO MOURN. Ang desisyon daw ni Camille na pansamantala munang huwag makipag-date ay pagbibigay-galang na rin sa kanyang yumaong asawa. Bagamat inamin niya na may ilang nagpapahiwatig ng pagtingin sa kanya.

“Mayro’n naman po, mayro’n naman po!” natatawang pag-amin ng aktres.

“Pero hindi naman ‘yong todo na talagang ligaw, akyat sa bahay, wala. Parang mayro’n lang na pahapyaw na kilig-kiligan.

“But base on what I think, ha, I think they are just fond of me, natutuwa lang sila sa ’yo, gano’n.

“But of course, nakaka-flatter din on my end.”

Ngunit mas gusto muna raw bigyang pansin ni Camille ang ibang mas mahahalagang bagay, ’tulad ng kanyang anak na si Nathan at ang kanyang showbiz career.

Pahayag ng Kapuso actress, “Siguro parang… sinabi ko rin kasi sa sarili ko na I’ll do that after the first year death anniversary of my husband, na at least to give myself time to mourn, to move on, to let go, to cope, to work and to take care of my son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin ibigay ‘yon sa sarili ko, na gano’n, na ako na lang muna, na anak ko na lang muna, trabaho na lang muna."

Dagdag niya, “Uhm, when it comes to dating, hindi ko rin naman binibigyan ng deadline, di ba?

“Kung may darating man na tao at sa tingin ko naman karapat-dapat ko siyang pag-ukulan ng panahon, bakit naman hindi, di ba?

“I’m not closing my doors with things like that, because you know, people always tell me na, ‘Camille, you’re young. It’s impossible na you don’t meet someone.’

“Well, sana, pero I take it one day at a time, one step at a time.

"I’m not rushing in to anything or rushing to be in a relationship again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN