Zsa Zsa Padilla on the passing of Dolphy: “It’s sad because I really miss him."

Zsa Zsa Padilla gave a heartfelt eulogy for her longtime partner Dolphy, who passed away last July 10 from complications of chronic obstructive pulmonary disease. At the end of her eulogy, Zsa Zsa sang some lines from her favorite song, "Through The Years."


Naging madamdamin ang pagbibigay ng eulogy ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang yumaong partner na si Dolphy kagabi, July 11, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ito ang unang pagkakataon na nasilayan at napakinggan muli ng publiko si Zsa Zsa mula nang ma-confine sa Makati Medical Center ang Comedy King noong June 9 dahil sa karamdaman nitong chronic obstructive pulmonary disorder (COPD).

Isang buwan pagkatapos ng kanyang pagkaka-ospital ay binawian ng buhay si Dolphy noong Martes, July 10, sa edad na 83.

Kagabi, sa isinagawang tribute para sa yumaong Hari ng Komedya, ay binalikan ni Zsa Zsa ang makulay na pag-iibigan nila ni Dolphy sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Paakyat pa lang siya sa podium ay tumutulo na ang luha ni Zsa Zsa.

“Maraming salamat. This is such a beautiful service,” simula ng tinaguriang Divine Diva at huling babae sa buhay ng Comedy King.

“Come to me and I will give you rest… Basil, napaka-inspiring niyan,” sabi pa niya bilang pagtukoy sa inawit ng singer na si Basil Valdez, ang “Lift Up Your Hands.”

DOLPHY’S BATTLE. Pagkatapos nito ay inilahad ni Zsa Zsa ang pinagdaanan ng kanilang pamilya matapos nilang malaman ang karamdaman ni Dolphy.

“He battled COPD for about six or eight years.

“Nag-umpisa ‘yon na nagkakaroon siya ng walking pneumonia. Hindi pa namin maintindihan kung ano ‘yon, bakit masama yung pakiramdam niya, wala naman siyang lagnat, ganyan.

“Isang beses sa isang taon nagpupunta siya sa ospital, hanggang dalawang beses sa isang taon, tatlong beses… padalas nang padalas.

“Hanggang two and a half years ago, sinabi na sa amin na Stage 4 na siya ng COPD, kailangan naming kausapin lahat ng mga anak niya.

“At mula noon talaga, naramdaman ko na talagang isang tunay kaming pamilya.

“Posible naman pala na kahit yung mga anak ni Dolphy ay nanggaling sa iba-ibang nanay, e, puwede naman kaming magkaisa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labing-walo ang anak ni Dolphy mula sa anim na babaeng nakarelasyon niya; kabilang na si Zsa Zsa kunsaan mayroon siyang dalawang anak—sina Nicole at Zia.

Patuloy ng singer-actress, “‘Yan po ang naranasan namin, katulad ng sinabi ni Eric, itong huling buwan.”

DOLPHY IS SYNONYMOUS TO SMILE. Hindi rin nakaligtaan pasalamatan ni Zsa Zsa ang lahat ng mga taong nagdasal at nagmahal kay Dolphy, lalo na noong nagkasakit ito.

“Nais naming pasalamatan ang sambayanan na nagdasal at nag-shower ng pagmamahal kay Dolphy throughout his life, his career, and of course, during his illness.

“Naiparamdam n’yo po sa kanya na mahalagang bahagi siya sa buhay ninyo at pagkatao natin bilang Pilipino.

“Sa napakarami, kapag binigkas ang pangalang Dolphy, nakadikit, ngiti.

“Kahit ako, sabi ko, kahit nung nasa hospital naaalala ko lang… siyempre kapag artista ka, conscious ka sa kamera, bigla akong nangingiti.

“So siguro, ‘Naloloka na sa Zsazshing, o!’ Kasi sa hospital po, wala akong ginawa kundi kulitin siya [Dolphy].

“Sabi ko, ‘Mama…’ kasi dumating yung Mama ko nung isang araw, ‘di kaya feeling ni Dolphy, e, hindi ako nalulungkot para sa kanya dahil lovey, lovey, ayan… ‘Pag ganyan ‘yan, natutuwa siya… kinikilig yun, e.

“Katulad ng sinasabi ni Ma’am Charo [Santos-Concio], mahiyain si Dolphy pero deep down, kinikilig-kilig, di ba?

“‘Tapos madalas ‘yan sa ospital kapag sinabi ko, ‘Love ko!’ gumaganun siya, e [tila nagugulat]. Parang di ba, parang takot ba sa asawa or something… hindi naman.

“Pero that’s our gauge for understanding kung talaga bang conscious siya. Dahil naku, parang ‘pag hindi niya ako pinapansin, ‘Lovey ko!’ nakaganyan na ako.

“E, medyo ninenerbiyos na kami ng konti.”

Sa puntong ito ay lumungkot muli ang mukha ni Zsa Zsa.

Aniya, “I will always remember him not just for a smile in my face but, of course, it’s sad because I really miss him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I miss you, lovey.”

ACKNOWLEDGEMENT. Pagkatapos nito ay inisa-isang pasalamatan ni Zsa Zsa ang mga taong tumulong sa kanila at kay Dolphy.

“Napakarami po ang pinagkakautangan namin ng pasasalamat—mga doktor niya, ang mga private nurses, orderlies…

“Napakarami pong tao ang nag-donate ng dugo para kay Dolphy.

“Lahat po ng tao sa Makati Med who gave their best care and possible and outmost respect, thank you very much.

“Apart from our family, the numerous friends went on a daily basis to check on his condition.

“I cannot thank each person individually but so many people and friends from our business generously shared with us to help shoulder Dolphy’s medical expenses.

“And in the almost seventy years that he worked, Dolphy quietly end without drawing any kind of attention, nurtured co-workers and colleagues, sharing not only monetarily, but shared his time and wisdom.”

Pinasalamatan din ni Zsa Zsa ang dalawang TV networks na nag-aruga kay Dolphy mula noon hanggang sa kanyang kamatayan.

“The management of TV5, who continued to give Dolphy salary throughout the remainder of his life.

“Thank you for the respect that you gave to his name, for renewing his contract despite knowing he could never tape again.

“And of course, ABS-CBN, na sumugal kay Dolphy nung 1992 para makabalik siya sa pinakamamahal niyang telebisyon.

“Hindi ko na kailangang balikan ang nakaraan…

“Saksi kayo sa lalim ng pagmamahal na ibinigay ni Dolphy sa akin. At napatunayan niya nga sa loob ng 23 years kung gaano kalalim at katatag ang aming love story.

“Maraming salamat ABS-CBN for taking care of his legacy, preserving his body of work for generations of Filipinos to enjoy in perpetuity.

“I know that this service will make Dolphy so happy dahil mula pa sa panahon ni Kapitan Geny Lopez, si Dolphy, sa buhay, kamatayan, at langit ay isang tunay na Kapamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOLPHY’S CHILDREN. Pagpapatuloy ni Zsa Zsa, “And loving the man, I came to accept all that came with him—his legacy, his personality when not in front of the camera, and of course his children.

“Hindi po naging madali ang lahat ng ‘yon, pero he was worth it.

“To his children, I know that each one realizes that their father loved each of them totally.

“And in his dying days, when we would crowd his ICU room, I would tell him he was so lucky.

“Sabi ko, ‘Alam mo, lovey, ang suwerte-suwerte mo talaga dahil ang dami-daming nagmamahal sa ‘yo. Hindi lang yung mga anak mo nandirito, mga kapatid mo, mga apo mo, mga pamangkin mo…’

“Maraming salamat sa inyong lahat.

“To all his kids who came home from all over the world, Dolphy went to heaven with joy in his heart because you were all with him during his last days on earth.

“Thank you very much Boy, Sally, Junior, Edgar, Rolly, Kit, Dino, Sonny, Edwin, Ronnie, Donna, Epy, Rommel for being a source of inspiration for Dolphy to work hard and to appreciate his talents accorded him.

“Freddie, who I know is happy to welcome in heaven.

“Si Eric, maraming salamat for being the voice of calm and reason and for being so organized. You make your dad so proud.

“To Vandolph, Nicole, Zia, napakasuwerte n’yo kasi nabuhusan kayo ng pagmamahal at maraming panahon. Halos kayo ang nabigyan nung sinisikap ng bawat magulang na maibigay—yung quality time.

“To Kaye [Karylle], thank you very much for your acceptance and for your forgiveness.”

(Si Karylle ang anak ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Modesto Tatlonghari.)

“To all his other kids, ang inyong Daddy, Papang, Papa, nagpaalam siya with peace in his heart.

“Itong limang linggo na magkakasama tayo sa ospital, mas nagkakausap tayo, mas nagkakaintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And of course, ang ating common bond, ang ating pagmamahal para kay Dolphy.”

THROUGH THE YEARS. Sa huling bahagi ng kanyang eulogy, nagpasalamat si Zsa Zsa kay Dolphy dahil sa pagmamahal na ibinigay nito sa kanya.

“To Dolphy, thank you very much for being so proud of me, for giving me my two girls, for being so thoughtful, and for doing your best to provide for us.

“Kung meron siyang kapintasan, palagi kong sinasabi, yun ay ang pagiging sobra niyang mapagbigay.

“Mahirap magsabi sa kanya na may gusto kang bagay kasi kung mahal ka niya, gagawin niya ang lahat para maibigay niya sa iyo.

“Lovey thought me how to be strong. Ayaw niyang nakikita akong umiyak.

“Sabi ko nga sa mga direktor ko sa teleserye, dito ko lang talaga ginagawa ‘yon.

“Sa totoong buhay, nasa ambulansiya kami, catatonic, ganyan lang.

“Ayaw na ayaw niya akong nakikitang umiiyak kasi hindi niya kaya talaga.

“Ours is not a conventional family. Pero sa ‘yo ko natutunan kung paano mahalin at magmahal.”

Tinapos ni Zsa Zsa ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pag-awit ng ilang linya mula sa paborito niyang kanta, ang “Through The Years” ni Kenny Rogers.

Habang kumakanta si Zsa Zsa ay bumaha ng luha dahil sa tinaaman sila nang husto sa mensahe ng awit.

Pagkatapos ng kanta ni Zsa Zsa ay binigyan siya ng standing ovation ng mga nasa loob ng Dolphy Theater, sa pangnguna ng chairman at CEO ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez.

Sa huli ay nagbigay ng mesahe si Zsa Zsa para kay Dolphy:

“Kagaya ng huling naibulong mo sa akin bago ka mamaalam, lovey ko, I love you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN