Alfred Vargas submits resolution honoring Dolphy; says he doesn’t believe allegations thrown against fellow QC councilor Roderick Paulate

Alfred Vargas, who’s presently serving as councilor of Quezon City’s district 2: “Nakikiramay ang buong Quezon City sa pamilyang Quizon sa pagkawala po ng ating King of Comedy, si idol nating si Dolphy."


Bilang paggalang at pagpupugay sa namayapang Comedy King na si Dolphy, nagsumite si Alfred Vargas kahapon, June 11, sa Quezon City Council ng isang resolution "honoring the King of Comedy Rodolfo ’Dolphy’ Quizon, for His Achievements and Invaluable Contribution to the City of Stars, Quezon City, and the Rest of the Country."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Walang session kahapon dahil karamihan sa mga konsehal ng Quezon City ay nasa Guam. Pero isinumite pa rin ito ni Alfred para maresolbahan na raw ito.
Bahagi ng nakasaad sa naturang resolution; “Whereas, the seven glorious and fruitful decades int the career of the Comedy King moved millions of Filipinos to tears, and laughter in different times and moments of our Philippine history.
"Rodolfo ‘Dolphy’ Quizon will always be remembered for his remarkable talent, valuable contribution and achievements, making him ‘one of the greatest actors in the history of Philippine entertainment.’”
Ayon kay Alfred, na councilor sa 2nd district ng naturang lungsod, “Sa tingin ko kasi, deserving talaga si Pidol na ma-recognize ng buong Quezon City at malagay sa talata ng konseho.
“Yung kanyang lahat na nagawa, lalo na yung napakaraming artistang na-influence niya, lalo na nung baguhan ako...
“In-inspire niya ako to do better sa mga ginagawa ko at maging professional sa lahat na aspeto ng trabaho.”
Nakasama raw niya sa ilang TV guestings si Dolphy nung baguhan pa lang siya at talagang na-starstruck daw ito.
Nakita rin daw niya ang malaking paggalang ng mga nakakatrabaho ng yumaong komedyante.
“Siguro kaya ko rin siya naging idol hindi lang dahil tuwing kasama ko siya, kundi yung sinasabi rin ng mga tao about him.
“Kahit mga masahista sa set, mga PA, mga direktor, from the biggest stars hanggang sa utility at fellow actors, talagang well-regarded siya as king of comedy.
“Grabe siya talaga magpaulan ng biyaya. That’s why everyone on the set is very excited to work for him or pagsilbihan siya, or to work with him...
"Kasi hindi lang siya masarap kasama kundi talagang, yun nga, napaka-generous at tumutulong siya talaga,” ang puri ni Alfred kay Dolphy.
Hindi pa raw sila nagkausap ni Mayor Herbert Bautista, pero alam daw niyang may mga gagawing pagpupugay ang huli para kay Mang Pidol.
Dugtong niya, “Gusto naming ipaalam sa lahat na ang buong Quezon City ay talagang nagpapasalamat, and we are honored na nakatrabaho namin si Dolphy.
"At sa kanyang lahat na nagawa and to inspire, especially the youth, the young artists, ang kanyang mga napangiti at napatuwang mga tao."
RODERICK’S SUSPENSION. Samantala, hiningan na rin namin ng reaksiyon si Alfred sa lumabas na balitang sinuspinde ng Ombudsman si Roderick Paulate bilang konsehal dahil sa isyung kinasangkutan nito.
Pahayag ng aktor, “Para sa akin, lahat naman tayo ay kilala natin si Kuya Dick, and for me, hindi niya kayang gawin ang mga ganung klaseng bagay.
“Hindi ko alam ang buong detalye pero iyun lang ang masasabi ko.
“Pagdating sa pagkakilala ko kay Kuya Dick, I don’t think na ginawa niya talaga yun.
“Full support po ako, at ang buong council at ang buong local government of Quezon City kay Kuya Dick."
Bilang panghuli, nagbigay ito ng mensahe para sa pamilya Quizon: "Kay Dolphy, may he rest in peace, and sana ang resolution na ito ay magpapakita ng aming pasasalamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN