Pokwang shares Governor Vi’s advice: “Sa lovelife, sabi niya, ‘Huwag mong hahanapin iyan. Kusang darating iyan.’”

Pokwang stars in the movie The Healing with the Star for All Seasons, Vilma Santos. Pokwang says it has been a humbling experience working with the veteran actress who is her idol and now, a good friend: “What more itong mahaba ko siyang nakasama sa The Healing? Sobra… mamahalin mo talaga siya.”


Mas tumindi ang paghanga ni Pokwang sa kanyang idolong si Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa muli nilang pagsasama sa isang proyekto—ang The Healing ng Star Cinema.

Unang nagsama sina Vilma at Pokwang sa isa pang pelikula ng Star Cinema noong 2006, ang D’ Lucky Ones, kung saan gumanap sina Pokwang at Eugene Domingo bilang magkaibigang avid fans ni Vilma Santos—na ginampanan naman ang sarili niya sa pelikula.

Pag-amin ni Pokwang, “Oo, mas hinangaan ko siya, mas minahal ko siya rito sa The Healing lalo na nga mas mahaba yung naging pagsasama namin dito.

“Kasi yung sa D’ Lucky Ones, bale nag-cameo lang siya sa amin.

“Doon pa lang, di ba, nakakahanga na ang isang Vilma Santos? What more itong mahaba ko siyang nakasama sa The Healing?

“Sobra… mamahalin mo talaga siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa grand presscon ng The Healing noong July 12, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound. Present din sa presscon sina Governor Vi, Kim Chiu, Janice de Belen, at ang direktor nila na si Chito Roño.

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama sa trabaho ni Ate Vi?

Sagot ni Pokwang, “Nakakahiyang pumunta ka na walang energy sa set dahil sobra talaga yung energy niya.

“‘Tapos nakakahiya man… hiyang-hiya talaga ako noong una kong eksena, siyempre alam mo na.

“Pero nakaka-proud bilang artista na makatrabaho mo siya na kahit hindi pa siya kita sa camera, background ko siya, pero breakdown scene ko ito, umiiyak din siya.

“Ganun siya ka-supportive sa mga katrabaho niya. Napaka-professional po.

“Kaya hindi tayo magtataka kung bakit umabot siya ng 50 years [sa showbiz].”

LESSONS FROM ATE VI. Ano ang mga bagong na-discover ni Pokwang kay Ate Vi?

“Napakababaw… napakababaw na tao. Mababaw in a good way, ha.

“Alam mo yung kahit maliit na bagay na ibigay mo, yung pasasalamat niya sa text, sobra-sobra. Ganun siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kaligayahan niya… kumbaga, hindi siya mahirap i-please. Anuman ang ibigay mo ia-appreciate niya nang bonggang-bongga.”

Kahit na napatunayan na ni Pokwang ang sarili niya bilang artista na parehong magaling sa komedya at drama, ano pa ang natutunan niya kay Ate Vi bilang mas senior sa industriya pagdating sa pagiging artista?

“Yung ’pag may ibinibigay sa iyong character, preparasyon. Mag-research ka kung paano mo dapat gampanan yung isang character.

“Kasi ako, nurse ang ganap ko rito. So, paano ba humawak ang nurse ng isang may sakit.

“Kailangan pinag-aaralan mo yung character na ibinibigay sa iyo. Hindi sapat yung aarte ka lang pagdating sa set.”

BONDING AND HOUSE VISIT. Isa pa sa ikinapa-proud ni Pokwang ang ginawang pagbisita ni Ate Vi sa kanyang bahay sa Antipolo. Kailan ba naganap ito?

“Siguro mga third to the last shooting day namin. That was siguro mga May.

“Dinner break yun nung nagpunta siya. Kasi malapit sa bahay ko yung location, siguro mga dalawang tumbling lang.

“So, pagdating ko sa bahay, sabi nila, doon na lang mag-dinner.”

Sino ang kasama ni Ate Vi sa pagpunta sa bahay niya?

“Kasama niya si Direk Chito at saka yung ibang cast, sina Janice. Wala si Kim noon time na yun kasi wala siyang schedule.”

Ano naman ang ginawa nila sa bahay niya bukod sa dinner?

“Wala, tawanan lang nang tawanan, kuwentuhan. Masaya lang.

“’Tapos yung bahay ko nga, tuwang-tuwa siya [Ate Vi] sa na-achieve ko.”

Ano ang feeling ng ganun bilang isang certified Vilmanian ay binisita siya sa bahay ng idol niya at ngayon ay kaibigan niya na rin?

“Siyempre nakakatuwa nang bongga. Hindi mo akalain na bibigyan ka niya ng time.

“Napagbigyan ka niya na magkaroon kayo ng bonding time. Ang saya lang talaga.”

LOVELIFE. Ganda-ganda raw talaga si Ate Vi sa bahay ni Pokwang, pero may comment daw ito na ang kulang na lang sa bahay ay ang lalaking makakasama ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong tuloy ng PEP si Pokwang kung ano ang advice na naibigay ni Ate Vi sa kanya pagdating sa lovelife?

“Sa lovelife, sabi niya, ‘Huwag mong hahanapin iyan. Kusang darating iyan.’

“Sabi niya pa, ‘Single mom ka, yung anak mo huwag mong kakalimutan na magkaroon ng time sa kanya lalong-lalo na babae iyan.’ Ganun.”

Matapos siyang bigyan ng advice ni Ate Vi, kumusta na ang lovelife niya ngayon?

“Ayun, wala pa rin. E, kasi nga sabi niya, huwag kong hanapin. Hintayin ko lang daw.

“Yun nga ang ginagawa ko. Abangan natin.

“Kasama naman yun sa pinagpe-pray ko.”

EXPERIENCE WITH A HEALER. Sa presscon ay natanong sa cast kung may personal experience na ba sila na magpagamot sa isang healer?

Tanging sina Ate Vi at Pokwang nga lang ang umamin na nakaranas na sila na magpagamot sa healer at gumaling naman sila.

Kuwento nga ni Pokwang, “Nasubukan ko na po iyan. Kasi may mga lumabas sa anit ko.

“Siguro kasi, di ba, alam n’yo naman dati kung anu-ano yung nilalagay ko sa buhok ko, spraynet?

“Then the more na nilalagyan ko ng gamot, the more na lumalala siya.

“Then meron nag-ano sa akin na meron dung faith healer i-try mo.

“Meron lang ibinigay sa akin na parang langis na ipapahid ng ganyan. ‘Tapos bago mo ipahid, me parang dasal. Hindi ko na matandaang kung ano yun.

“So, nawala naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN