1960s actress Carina Mojer recalls fondest memories of Dolphy

Carina Mojer thanked Dolphy for letting her experience "buhay artista." During the media interview, she proudly showed some still images of her movies Dolpong Scarface, Dr. Yes, and Adre, Ayos Na! (Ang Butu-Buto).


Nakangiting inalala ng dating aktres na si Carina Mojer ang masayang "buhay artista" kasama si Comedy King Dolphy noong 1960s.

Sa panayam ng media sa kanya ngayong umaga, July 13, sa Heritage Memorial Park, Taguig—kung saan nakalagak ang mga labi ni Dolphy— ay ikinuwento ni Carina ang mga alaala niya tungkol sa yumaong kaibigan.

"Ang una kong pelikula kasama si Dolphy ay iyong Adre, Ayos Na! (Ang Buto-Buto), sumunod iyong Dr. Yes, ’tapos Dolphinger Meets Pantarorong.

"Si Dolphy ay isang masayahing tao, matulungin sa kapwa, mapagbigay, at napakamadasalin."

Taong 1964 nang pasukin ni Carina ang showbiz sa tulong ni Dolphy.

Siya ay 18-anyos lamang noon.

Freelance artist si Carina at naging saksi siya sa pag-iibigan nina Dolphy at ang aktres na si Pamela Ponti, Grace Smith sa tunay na buhay, sa pelikulang Dolpinger.

Ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng apat na supling: Ronaldo (o mas kilalang Ronnie), Enrico (o mas kilalang Eric), Madonna (Donna), and Jeffrey (o mas kilalang Epy).

Sa pagtatapos ng maikling panayam kay Carina na ngayon ay 65-anyos na, ipinakita nito ang sayaw na itinuro mismo sa kanya ni Dolphy para sa isang eksena sa pelikulang Adre, Ayos Na! (Ang buto-buto).

Nag-iwan rin siya ng mensahe para sa pumanaw na kaibigan:

"Salamat sa masayang buhay artistang ibinigay mo sa akin. Napakabuti mo sa akin. Maraming, maraming salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN