Part 2. Vilma Santos discovers how to use Twitter but refuses to publicize her account; personally chose Kim Chiu to be part of The Healing

Governor Vilma Santos on celebrity bashers on Twitter: “Hindi, kasi naaawa rin ako dun sa mga artista natin na… kaya sinasabi nila huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter. Hindi na, kasi personal, e, nahahalo na. Wala yun nung araw, e. And sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon, nababastos… [may] bashers. Hindi deserving ng mga artista ring ito na matagal nang nasa industriya. Pero because of this technology na ito,


Personal choice ni Governor Vilma Santos na makasama niya sa pelikulang The Healing ang Kapamilya young actress na si Kim Chiu.

Kuwento niya sa presscon ng pelikula kagabi, July 12, “Nung nabasa ko po yung script, meron pong mga cast na nandun.

“At sina Malou [Santos, managing director of Star Cinema], tinatanong sino ang gusto mong makasama na magagaling na mga bago nating mga superstars.

“So naglagay ng mga pangalan do’n—and I chose Kim.

“Kasi ang kaibahan po nito kay Kim, wala po ito sa usual thing na ginagawa niya na loveteam-loveteam, iba ang character niya rito.

“And I think interesting para rin sa aming dalawa.”

WHY KIM? Nang tanungin kung bakit si Kim ang pinili niya sa hanay ng mga batang artista ng Kapamilya network, sinabi ni Ate Vi na tumatak sa kanya ang young actress dahil sa ginawang TV special niya noon.

Sabi ng gobernadora, “Isa dun sa parang nag-guest na mga newcomers ay si Kim… and then, ang ginawa, parang workshop ng mga newcomers.

“And then si Kim, ginampanan niya yung Dolzura [Cortez], yung eksena ko sa Dolzura: ‘Sino ka, diyos ka ba…’

“And since then, hindi nawawala sa isip ko ‘yon.

“‘Tas napapanood ko si Kim… ang tingin ko kay Kim, parang raw, bago… parang… fresh, e… wala pa yung masyadong eksperiyensiya na puwede na siyang mag-teknikal. Wala, e, raw.

“And ang sarap makasama yung mga gano’n because hindi naman pupuwedeng puro ako, e.

“When you do a movie, kailangan mo ng suporta sa mga… o chemistry ng mga makakasama mo sa pelikula.

“And yung pagiging raw ni Kim, and then napapanood ko siya, she’s good.

“’Tapos nakita ko pa sa shooting, she’s very professional.

"So, kaya kong sabihin na hindi ako nagkamali. Na talagang malaking bagay sa akin at masaya ako that I chose Kim, at kasama ko si Kim sa movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw siya nagtanong ni minsan kay Kim tungkol sa lovelife nito dahil alam daw niya ang pakiramdam nito.

Rason ng Star For All Seasons, "Dumaan din ako sa ganyan, e. You’re beautiful, maraming nai-in love sa ‘yo, so? Hindi niya problema ‘yon, problema nila ‘yon."

Nali-link ngayon si Kim sa young actor na si Xian Lim.

JANICE AND POKWANG. Kasama rin sa cast ng The Healing sina Janice de Belen at Pokwang. Habang ginagawa nila ang pelikula ay nabuo ang isang magandang pakikipagkaibigan sa pagitan nilang tatlo.

Sabi nga ni Janice, hindi raw sila napipirmi sa dressing room dahil doon sila sa dressing room ni Ate Vi tumatambay habang naghihintay ng set-up. Doon daw sila nagkukuwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa buhay.

Kuwento naman ni Ate Vi, “Habang magkakasama kami sa set, habang naghihintay ng set-up, since we’re all women, nag-uusap kami about life—lalo na sa amin na may naging eksperiyensiya sa buhay, sa lovelife, sa mga anak namin.

“So, hindi kailangan may lalake… parang anong nagkaroon tayo sa buhay natin na pupuwede naming ma-enjoy at ano yung kasalukuyang nangyayari sa buhay namin.

“So, it’s more of usapang babae.

“And since then, dun kami naging close, parang dahil dun sa pag-uusap namin ng more personal, parang naging close kasi open.

“Wala yung nakakapag-plastic na ‘hindi nangyari sa akin ‘yan, hindi nangyari ‘to…’ Hindi, e. Totoong nangyari sa amin!

“Kaya papaano tayo re-recover, di ba? So, yun ang nagpa-close sa amin maybe because open, e.”

TWITTER ACCOUNT. Dahil din sa nabuong bonding kina Ate Vi, Janice, at Pokwang ay natuto nang gumamit ng Twitter ang Star For All Seasons.

Tila nang-iinggit na sabi nga ni Governor Vi, “Alam ko na ang nangyayari… nagbabasa ako ng Twitter—every day and before I sleep and when I wake up. Marunong na ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na ba siyang Twitter account?

“Hindi ko sasabihin kung sino ako!” tawa niya.

“Pero ‘yan ang malaking-malaking tulong sa akin ng mga kaibigan ko dahil pinagpaguran nila ‘yan talaga kung… basta turuan na ako.

“Kasi hindi ako techie so the whole time… siguro isa pa ‘yon sa nagpa-close sa amin, pati si Direk tinuturuan ako.”

Bida pa niya, “Dito lang sa pelikulang ito nakabili ako ng iPad 3, nakabili ako ng iPhone—malay kong gamitin ‘yan!

“Basta meron akong cell phone na BlackBerry, pero dito literally tinuruan nila ako.

“Pagkaturo sa akin, ‘Bili ka, bili ka, dali, dali!’ Dala ko na sa set at tinuturuan ako do’n literal talaga.

“At ngayon, nagbabasa na po ako ng Twitter.

“Ngayon, hindi ko sasabihin kung sino ako do’n, abangan n’yo na lang!

“Ang ginagawa naman namin ngayon is direct message!” tawa pa ng aktres.

Aware naman daw si Ate Vi sa ibang mga artista na napapahamak dahil sa Twitter.

“Hindi, kasi naaawa rin ako dun sa mga artista natin na… kaya sinasabi nila huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter.

“Hindi na, kasi personal, e, nahahalo na. Wala yun nung araw, e.

“And sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon, nababastos… [may] bashers.

“Hindi deserving ng mga artista ring ito na matagal nang nasa industriya.

“Pero because of this technology na ito, parang hindi nagiging maganda tuloy yung status ng mga artistang naghihirap din naman para sa industriyang ito.

“Parang ganun na lang kadali para i-bash ka… hindi, e. Hindi tama.

“But again, we cannot fight technology. So if you cannot fight them, join them!”

Kailan niya balak isapubliko ang kanyang Twitter account?

“Huwag na, kasi po baka ‘pag may nagtira-tirang ganyan, pikon din po kasi ako, e! Para umiwas na, huwag na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta kung sino na lang yung mga kaibigan ko… yun na lang. Kasi pikon ako, pikon ako. Oo.

“Yun ba yung tinatawag na responsible… maging responsible tayo.

“Ini-enjoy ko kaya lang dapat talaga think before you click. Totoo ‘yon.

“Kasi yung mga nangyayari sa ibang artista, nasasaktan ako for them,” pahayag ni Ate Vi.

INDIE MOVIES. Isa rin sa itinanong ng press kay Ate Vi ay ang tungkol sa paggawa niya ng indie film.

Marami raw offers sa kanya na gumawa ng indie film, pero ang problema, limitado talaga ang oras niya.

“Kahit sabihin mong 10 days lang daw, e, kung ganoon nga, medyo mas nagiging metikuloso akong pumili.

“Kasi looking forward ako, ‘tapos as much as possible, kung makakagawa ako ng isa, yung pinakagusto ko na,” sabi niya.

Ang ilan sa mga direktor na napabalitang nag-offer kay Ate Vi na gumawa ng indie film ay sina Adolf Alix at Brillante Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN