Part 1. Barbie Forteza seems to have accepted the idea that her loveteam with Joshua Dionisio has really ended

Barbie Forteza on working with Marian Rivera: “Okay na okay po. Pero tuwing taping po yata, may ibinibigay siya sa aking Hello Kitty. Kanina, parang may ibinigay siya sa aking damit na Hello Kitty at key chain na Hello Kitty. Nag-iisip nga ako na ano ba ang puwede kong ibigay sa kanya na wala pa siya at hindi niya kayang kunin—ang hirap!”


Dalawang projects ang pinagkakaabalahan ni Barbie Forteza ngayon—ang weekly sitcom niyang Tweets for My Sweet at ang ikalawang yugto ng Luna Blanca na kasama na niya si Bea Binene.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa taping ng Tweets for My Sweet noong July 10 sa SM Mall of Asia.

Nabanggit niyang magkaibang-magkaiba ang ginagawa niya sa dalawang proyekto.

Sa Tweets For My Sweet, light na light lang daw at sa Luna Blanca naman na napakaseryoso.


GIFTS. Sa panayam din ng PEP, nasabi ni Barbie na nahihiya na raw siya sa co-star niya sa Tweets For My Sweet na si Marian Rivera dahil palagi raw may iniaabot sa kanyang Hello Kitty.

“Okay na okay po. Pero tuwing taping po yata, may ibinibigay siya sa aking Hello Kitty.

“Kanina, parang may ibinigay siya sa aking damit na Hello Kitty at key chain na Hello Kitty.

“Nag-iisip nga ako na ano ba ang puwede kong ibigay sa kanya na wala pa siya at hindi niya kayang kunin—ang hirap!” natatawa pero namumreblemang sabi niya.

Naalala pa ni Barbie na malapit na nga raw ang birthday ni Marian sa August 12.

“Ang hirap po! Nakaka-pressure mag-isip [ng regalo]!” sabi niya.

Sabi namin kay Barbie, mababaw naman si Marian at madali siyang i-please basta sincere ang pagbibigay niya.

“Nakakahiya, e. Marian Rivera tapos bibigyan mo ng kahit na ano. Dapat siguro customized na bonggang-bongga!”


LATEST LOVETEAM. Silang dalawa ni Elmo Magalona ang magkapareha sa Tweets For My Sweet, pero ayon kay Barbie, wala pa silang mga eksenang naipapakita na talagang loveteam na sila.

Hindi rin siya nakatatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga fans nina Elmo at Julie Anne San Jose, ang dating magka-loveteam.

“Hindi pa naman, buti naman hindi,” pasasalamat niya.

“At saka, dito naman po sa Tweets, parang wala pa naman po kaming masyadong eksena ni Elmo na as loveteam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pag-uusapan ang chemistry, kanino niya mas nakikita ang chemistry niya, kay Elmo o kay Derrick Monasterio?

“Hindi ko po kasi alam kung paano nasusukat ang chemistry. Pero parang mas natatawa ‘ko palagi sa eksena namin ni Derrick.

“Hindi ko alam kung bakit. Kasi, ang awkward. Kasi, sobrang seryoso naming dalawa.

“Yung mga reaction shots namin, like noong una kaming nagkakasama, hindi kami magkatinginan sa mga eksena.

“Kasi, natatawa kami pareho. Kahit kami ni Kristoffer [Martin]. Sobra kaming tatlo kapag nagkasama kami!”


END OF LOVETEAM. Kinumusta rin namin kay Barbie ang orihinal niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio, na tila hindi aktibo ngayon sa showbiz career niya.

Ayon kay Barbie, wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Joshua.

“Hindi na po, e. Kasi, parang busy yata siya sa studies niya.”

Hirit na tanong naman namin ay hindi na ba siya tine-text man lang nito?

“Hindi, e. Ganoon talaga, kapag kina-career ang pag-aaral, ganoon talaga.”

Sa pagtatapos ng loveteam nila, tapos na rin ba ang friendship o anumang relasyon meron sila?

“Hindi naman. Hindi naman sa nag-end yung friendship namin. Kasi, parang mas marami kaming ginagawa ngayon.

“Siguro kapag may time, magkakamustahan kami. Pero kasi, marami lang kaming ibang priorities.

“Like ako, yung Luna Blanca, sobrang ngaragan at hindi ko na mahawakan ang cellphone ko, sobrang dami kong eksena.

"Si Ate nga, text ng text hindi ko masagot. ’Tapos si Joshua, yung studies niya, mukhang kina-career niya.”


NETWORK TRANSFER. May balitang lilipat na raw ng ibang network si Joshua?

“Well, kung anuman, actually, siguro sa ikabubuti naman niya yun.”

Diretsuhan naming tinanong si Barbie kung nararamdaman ba niyang parang natuldukan na nga ang loveteam nila bilang JoshBie?

Sabi niya, “Medyo… parang, wala ng balita.”

May panghihinayang ba siya na wala na ang loveteam nila ni Joshua o nandoon ang excitement na maipe-pair naman siya sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nakakahinayang naman po dahil ang dami na po naming pinagsamahan.

“Actually, kami ang unang-unang loveteam. As in, pagsabak ko sa showbiz, siya na ang una kong kasama.

“So, siyempre, nakakapanghinayang din.

“Pero siyempre, di ba, hindi naman po puwedeng kaming dalawa? Siyempre minsan, nagsasawa na rin ang iba.

“Siyempre kailangan, mag-move on na.”

Paano niya pina-pacify ang JoshBie fans?

“Ayun po, maraming nalulungkot sa Twitter. Pero sabi ko naman sa kanila, ’Sa totoo lang talaga, trabaho lang talaga.’

“Magkaiba naman ang personal life sa career.”

Barbie Forteza seems to have accepted the idea that her loveteam with Joshua Dionisio has really ended.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN