Part 2. Barbie Forteza describes her new loveteam partner Derrick Monasterio as a gentleman: “Nakakaloka, nakakapanibago. Nakakapanayo ng balahibo!”

Barbie Forteza (right) on Derrick Monasterio (left):

“Nagulat lang ako sa kanya kasi, parang ngayon ko lang nakita yung matinong side niya. E, sa Tween Hearts, lagi siyang harot nang harot, e. Dito, napaka-gentleman. Gulat nga ako! Palagi siyang nag-o-offer ng silya, nagbibigay ng tubig. Hinihintay niya ’ko sa set," she says.


Matatawag na ring masuwerte ang tweens na sina Barbie Forteza at Bea Binene dahil hindi sila halos nababakante sa paggawa ng sunud-sunod na projects sa GMA-7 network.

Noong Huwebes, July 12, ay nakapag-taping na si Barbie para sa Luna Blanca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa press conference ng Luna Blanca sa 17th floor ng GMA Building noong Lunes, kunsaan ipapakita ang pagpasok nina Bea at Barbie bilang mga teenagers na sina Luna at Blanca.


IN PROGRESS. Kinamusta muna namin kay Barbie ang pagsabak niya sa Luna Blanca sa ikalawang yugto nito.

“Yung unang taping ko kasi, pinaka-pilot pa lang ng pangalawang yugto. Konti pa lang ako, mas marami pa rin sila Mona Louise Ray.

“Kahapon yung madugo talaga. As in, simula’t sapul, ako agad.”

Sabi pa ni Barbie, “Kung ikukumpara ko siya kay Katherine sa ILAM [Ikaw Lang Ang Mamahalin] dati, kahit paano si Katherine, malinis siya kasi katulong.

“E, si Blanca, nagsimula talaga siyang nangangalakal ng basura.

“As in kanto girl. Halos hindi nakapag-aral. Pero siyempre, may kaastigan pa rin ang character ni Blanca kay Luna.

“Kasi si Blanca, parang ngayon na lang naging maangas. Kasi, parang naniniwala kaming wala na si Luna.

“Parang ako na lang ang nagiging sandalan ni Nanay Rowena [Camille Prats]. Pero si Luna, simula’t sapul, matatag talaga siya.”


NEW LOVETEAM. Sila na ni Derrick Monasterio ang magkapareha sa Luna Blanca, hindi ba siya nailang na iba na ang ka-loveteam niya?

Nakangiting sabi ni Barbie, “Hindi naman ako nailang. Pero natatawa ako palagi.

“Kaming tatlo, ako, si Derrick, si Kristoffer [Martin], e, parang ang role rito ni Kristoffer, inglisero. Natatawa ko! Natatawa kami ni Derrick.

“’Tapos yun, masaya naman. Actually, yung location po, mabaho siya, pero mas gusto ko na yun sa Payatas na sinasabi nila.”


A GENTLEMAN. Unang pagkakataon na nagka-loveteam sila ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nga po yata sa Tween Hearts, wala... Ngayon lang talaga.

“Nagulat lang ako sa kanya kasi, parang ngayon ko lang nakita yung matinong side niya.

“E, sa Tween Hearts, lagi siyang harot nang harot, e. Dito, napaka-gentleman. Gulat nga ako!

“Palagi siyang nag-o-offer ng silya, nagbibigay ng tubig. Hinihintay niya ’ko sa set.

“Nakakaloka, nakakapanibago. Nakakapanayo ng balahibo!”

Sinasabi ba niya kay Derrick ang mga napapansin niyang yun?

Natatawang sabi ni Barbie, “Sinasabi ko sa kanya. Sabi ko, ‘Friend, anong nangyari sa ‘yo? Ikaw ba ‘yan?!’”


MORE LOVETEAM PROJECTS? Posible na nga kayang magtuloy-tuloy na ang teamup nila ni Derrick?

“Wala pa po akong balita pero kung saka-sakali, wala naman po akong problema kay Derrick. Okay na okay po kami ni Derrick.”

Sa Tweets for My Sweet, si Elmo Magalona naman ang ipinapareha sa kanya. Kay Elmo at Derrick, kanino siya mas kumportable?

“Ha? Kumportable naman po ako sa kanilang dalawa. Pero mas close lang po ako kay Derrick.

“Kami kasi ni Elmo, simula noong Pilyang Kerubin, ngayon na lang ulit kami.”

BEA BINENE. Bago ang Luna Blanca, lumabas ang mga balita na hindi sila talaga close ni Bea Binene, ang gumaganap na Luna.

Kumusta naman sila ngayon?

“Hindi pa naman po kasi kami nagkakasama. Pero sa Party Pilipinas, parang doon, medyo nagiging okay na kami.

“Medyo parang nagiging kumportable na rin ako kay Bea.”

Nararamdaman ba niyang unti-unti nang natitibag kung anumang wall meron sa pagitan nila?

“Opo, parang unti-unti na siyang [gap] nagme-melt.”

Kapag silang dalawa na lang, napag-uusapan ba nila ni Bea ang tungkol sa isa’t isa?

“Hindi naman. Kasi, wala naman talagang problema.

“Wala lang talaga kaming time na mag-usap [at mag-] bonding talaga.”

Sa palagay niya, posible pa rin silang maging close?

“Oo naman, oo naman!” paniniguro ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN