Epy Quizon admits feeling bad about premature announcement of his father’s death

Epy Quizon describes his late dad, Dolphy: “He’s humble enough to play the role of a jester, and he did not go for a kingdom, you gave him the kingdom because you called him king. He just wanted to be a jester to make you laugh.”


Biglaan ang naging pagpanaw ni Dolphy para sa anak niyang si Jeffrey Quizon—o mas kilala sa kanyang palayaw na Epy.

Pumanaw ang Hari ng Komedya noong Martes, Hulyo 10, sa edad na 83 dahil sa “multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure.”

(CLICK HERE for related article.)

“Honestly hindi ako handa,” ito ang inamin ni Epy nang tanungin kung paano niya hinarap ang pagpanaw ng kanyang ama.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang aktor kahapon, Hulyo 12, sa Heritage Memorial Park, sa Taguig City, kung saan nakaburol ang kanyang ama.

Kuwento pa niya, “Actually na-late ako ng konti kasi we’re going to celebrate sana an award given to a cast. Papunta na kami sa celebration and I got the call... hindi ako handa.

“Noong umaga, nakita ko na my dad was not lucid, he was not lucid anymore.

"Ako ’yong bantay ng umaga, kami ni Kuya Sonny. At sa totoo lang, I had a bad feeling.

“I was trying to make calm of things. Kasi in my head, hindi naman panic, mayro’ng hindi magandang mangyayari.

"And every time na I see the eyes of my daddy na gano’n, alam ko na may episode na mangyayari.

“’Yon ’yong sinasabi namin na may roller coaster na okay siya ngayon, mamaya hindi, ’yong mga gano’ng insidente.

"So, I was trying to make things light that day until I got a text from Zsa Zsa and my sister Madonna na he [Dolphy] just stopped medication.

“So, in my head, after I got the text na... hindi, sabi ko sa sarili ko, na hindi pa siguro ngayon.

"Although pine-prepare ko na ang sarili ko, kasi I think ’yong subconscious ko na ’yong nagsasabi na this could be the time, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I got there, my brothers are there; kaso wala si Eric kasi he was taping in Bataan.

"Kuya Edgar was coming from Bulacan, Ronnie was coming in Quezon City and that day, it was super-traffic and it was raining.

“Dumating ako do’n tapos makikita mo ’yong blood pressure niya slowly decreasing.

"Pero alam mo na ’yong metro na ’yon, hindi na tataas. It was like a car na wala na, one full tank lang. Nauubos na ’yong full tank na ’yon, nae-empty na, parang gano’n.

“So, nilapitan ko siya, hinalikan ko, ’Dad, ’wag ka matakot...’ ito experience ko, ha.

"Sabi ko, ’Dad, huwag ka matakot. Just go for it, just go for it, Dad. Baka makita mo pa diyan si Mamang at si Papang, si Tito Ading [Fernando], si Tito Panchito.’

“’Tas ’yon na, nagsunuran na ’yong family ko, sinabi na nila ’yong ibang mahal niya sa buhay.

"So sabi ko nga, ‘Dad, pagbukas ng ilaw na ‘yan, sisilip sila sa ’yo. Kung makita mo sila, sumama ka, baka may pelikula sa ’yo si Tito Ading.

“So, naging light; pati sa mga kapatid ko, kami, naging light.

“So, even my siblings… kumbaga, masakit dahil mami-miss namin siya, pero kasi mas masakit na nakikita naming nahihirapan siya.

"Ako, ‘yon ang hindi ko kayang makita.”

LAST MOMENTS WITH HIS DAD. Gaya ng nabanggit ni Epy, dapat ay pupunta siya sa isang selebrasyon noong araw na pumanaw ang kanyang ama.

Itinanghal kasing Best Performance ng Film Development Council of the Philippines ang mga aktor ng Ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro—at isa doon si Epy.

Gayunman, nang makarating sa kanya ang balitang hindi na maganda ang kundisyon ng kanyang ama’y bumalik ito agad sa ospital.

Sabi ni Epy, “Dinalaw namin siya. Kami nina Zsa Zsa, Zia ‘tsaka ako ang nando’n, during that time hirap na hirap na siyang huminga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Tapos hinihingi niya ‘yong parang sa asthma, like a spray na pang-asthma, but it’s a more potent one—it’s for pneumonia.

“Sabi niya, ‘Asan na ‘yong gano’n [inhaler]?’ Masungit na kasi nahihirapan na siya huminga, masungit na.

"Sabi ng nurse, ‘Sir, hanggang eight lang po ang dosage ko sa inyo, bibigyan ko na kayo ng 10.’

“Sabi ko, ‘Dad, di kaya ma-OD [overdose] ka niyan? Puwede bang i-nebulize na lang natin?’ So, nag-nebulizer siya.

"So, makakatulog siya, then gigising na naman siya, ‘Asan na ‘yong gano’n [inhaler]?

"Hindi ko maramdaman, asan na ‘yon?’ Hingi siya nang hingi.

“So, hindi talaga siya at ease, he really was having a hard time breathing, nebulizer, uhm... several incidents like that.”

Pero kahit pa hirap nang huminga ang kanyang ama, nagawa pa rin nitong magpatawa at umawit para sa ilang nurses at doktor na nag-aalaga sa kanya.

Natatawang kuwento ni Epy, “One time, pumasok ‘yong doctors and nurses para lagyan siya ng IV, lilipat ‘yong IV kasi namamaga na do’n sa isa. Hinahanap nila kung saan ilalagay ‘yong IV, nagising siya.

“E, usually kapag nagigising siya, titingnan niya muna ‘yong mga tao sa room, ’Kilala ko ‘yo lahat. Oops, Zia, Zsa Zsa, Epy, okay. ’Asan na ‘yong gano’n [inhaler]?’

“Pagtingin niya, hindi niya kilala ‘yong mga nasa paligid niya, mga nurses and doctors ang nando’n.

“Mayro’n siyang iPod, may nagpe-play na tracks, nagpe-play ‘yong music, ‘tapos hindi niya kilala ‘yong mga nando’n, ginawa niya, ‘dum, dum dum…’ kinantahan niya!

“Kinantahan niya ‘tapos hahabulin niya ‘yong hininga niya.

"Sabi ko, ‘Dad, ‘wag ka na magyabang, hindi ka na makahinga diyan,’ Ginagano’n na namin, tinapos pa rin niya.”


BAD JOURNALISM. Samantala, hindi naman naiwasan ni Epy na maglabas ng sama ng loob tungkol sa mga nangunguna na mag-anunsiyo ng pagpanaw ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit wala pa raw kasing kumpirmasyon o anunsiyo mula sa kanilang pamilya’y ipinagkakalat na ang pagkamatay ng Comedy.

“In a way, ilang din kami dahil may mga nagkakalat din na namatay na siya, na pinangungunahan kami. Mabigat sa amin ‘yon,” sabi ng aktor.

“Kasi may galit ako do’n sa ibang kaibigan natin na nagre-report ng mali, di ba, na nangunguna para may maisulat na anuman.

“Hindi ako galit sa… I’m not saying I’m pissed off with the press. Ang sa akin lang, hindi ko alam, magulo, ano ba, gusto n’yo ba… do you want him to get better or do they want him dead?”

Bagamat hindi siya nagbigay ng anumang pangalan, sinabi ni Epy na “bad journalism” ang ginawa na ito ng tao na iyon na nangunang magpakalat ng pagpanaw ng Comedy King.

Aniya, “You know who you are, you know your mistake.

“I mean, hindi ko naman sinasabing galit ako sa ’yo, pero anuhin mo ‘yong sarili mo, tama ba ‘yong ginagawa mo?

“Hindi sa ako ay nangangaral, ayoko mangaral, kanya-kanya tayong diskarte sa buhay.

“I mean, it’s a bad joke, di man bad joke, bad journalism, magbabalita ka ba ng patay, e, hindi naman patay ‘yong tao?

“‘Yon lang ang sa akin. If you want to tell a news, tell a story and you want to be factual so you would be credible, then know the facts.

“You wouldn’t be credible if, you know, report something based on haka-haka or hearsay.”

THE JESTER. Kung ang pagiging ama naman ang pag-uusapan, “perfect father” daw si Dolphy sa kanilang 18 magkakapatid, kahit pa abala ito sa pagpapatawa at pagpapasaya sa mga Pilipino.

Pero kung mayroon man isang mahalagang aral si Epy na ipapasa niya sa kanyang magiging anak, iyon daw ang pagiging mapagkumbaba.

gunit ang aral daw na ito’y itinuro daw ng kanyang ama sa matalinhagang paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Epy, “Actually ‘yong sinabi niya ‘yon sa akin once, e, para niya akong binatukan, pero in words niya sinabi sa akin.

"There was a time in my career when I was given awards, left and right, I just don’t remember the year.

“May napansin siya sa dinner, ewan ko, basta baka napansin niya, tinawag niya ako, pinaupo niya ako sa tabi niya.

“Alam mo sabi niya, ‘Alam mo, Epy, ang sarap lumipad. Lumipad na rin ako. Pero siguraduhin mo tumingin ka sa lupa. Kasi kapag hindi naka-apak ‘yan… baba mo muna ‘yong pako mo, kasi kapag medyo naging mataas ‘yong lipad mo, mahirap lumanding, mahirapan ka mag-landing. Pako mo, para hindi ka lumipad ng masyadong mataas.’

“He always says that in different ways.”

Kaya naman, sa lahat ng tulong na ibinigay, sa lahat ng saya at tawa na ibinahagi ni Dolphy sa bawat mamamayan, gusto raw ni Epy na maalala natin ang kanyang ama bilang isang mapagkumbabang hari.

“He didn’t said he’s king, you declared him king.

“He’s humble enough to play the role of a jester, and he did not go for a kingdom, you gave him the kingdom because you called him king.

“He just wanted to be a jester to make you laugh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN