Part 3. Vilma Santos praises Zsa Zsa Padilla’s sacrifices for Comedy King Dolphy

Vilma Santos on Dolphy’s contribution to the film industry: “Saan ka makakakita ng artista, 60 years na nagsilbi? ‘Tapos hanggang last minute ng buhay niya, kahit may oxygen na siya, ini-interview pa rin. Kahit nahihirapan na siyang makahinga, gumagawa pa rin ng pelikula. You can just imagine yung contribution niya sa industry hanggang huling sandali ng buhay niya. Kahit hirap na hirap na, ipinakita niya na ang buhay niya, movie industry."


Dalawang beses nagkasama sa pelikula ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Una ay sa King And Queen For A Day noong 1963.

“Eleven years old yata ako no’n… 10 or 11. Isa ako dun sa maraming-marami niyang anak. Kasi ang istorya nun, napakarami nilang anak. I think 14 children, isa ako dun sa anak niya,” paglalarawan ng dating child star ng role niya sa naturang pelikula.

Muli silang nagsama sa Buhay Artista Ngayon na ipinalabas noong 1979. Twenty-four years old daw noon si Vilma.

Pag-alala pa ng actress-politician, “Pero ‘pag gumagawa ako ng special sa Vilma! nung araw, laging may nakukuha akong message coming from Tito Dolphy.”

Ang Vilma! ang dati niyang musical-variety show sa GMA-7 noon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma sa presscon ng The Healing kagabi, July 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Isang gabi bago ginanap ang presscon ng bagong pelikula ni Vilma sa Star Cinema, sa Dolphy Theater din ginawa ang necrological service para sa Comedy King.

Naitanong ng PEP kay Governor Vi kung ano ang mga hindi niya malilimutang karanasan kasama ang kanyang “Tito Dolphs.”

“Lahat na ng kagandahan, lahat ng pupuwede nating masabing pagpuri kay Tito Dolphs… ako, papatunayan ko ‘yon dahil nakasama ko rin siya ng dalawang beses at yung acquaintances, totoo lahat ‘yon.

“Even the time we were together… Kasi si Tito Dolphs, tagang ano, e, malayo sa personal, tahimik siya sa personal, e.

“Ano siya, one-liner. Yung akala mo walang kibo, pero magbibitaw ng isang salita, talagang tatawa ka!

“Hindi siya yung maingay na klase porke sabihin na komedyante, maingay, madaldal, hindi, e. Ang layo, e.

“He’s a quiet person. Pero minsan kapag nagkukuwentuhan kayo, biglang sisingit yun, one-liner lang, pero tatawa kayong lahat.

“Pero I guess kung anuman yung pagmamahal at pagpuri na ibinibigay ngayon kay Tito Dolphs, palagay ko deserved niya lahat ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Saan ka makakakita ng artista, 60 years na nagsilbi?

“‘Tapos hanggang last minute ng buhay niya, kahit may oxygen na siya, ini-interview pa rin.

“Kahit nahihirapan na siyang makahinga, gumagawa pa rin ng pelikula.

“You can just imagine yung contribution niya sa industry hanggang huling sandali ng buhay niya.

“Kahit hirap na hirap na, ipinakita niya na ang buhay niya, movie industry.

“Kaya yung isyu-isyu ng mga National Artist na ‘yan, ever since sinasabi ko, matagal na, Tito Dolphs.

“Because pillar na si Tito Dolphs ng industriya sa sobrang contribution na ginawa na niya, lalo’t higit pagdating sa komedya.”

PRAYERS. Pagkatapos ng presscon proper ay muling nakausap ng PEP si Ate Vi. Dito ay nagbigay pa siya ng pahayag tungkol kay Dolphy.

Inamin niya na nung mga huling araw sa ospital ng Comedy King ay hindi siya nagkaroon ng pagkataon na dumalaw.

Paliwanag niya, “Nagkataon din na nagkasakit din ako noon. Pero tuluy-tuloy pa rin ang pagmo-monitor ko kina Eric [Quizon, Dolphy’s son].

“To be honest, kasi ang feeling ko nung nasa ospital si Tito Dolphs, mas importante ang pamilya.

“Yun ang dapat na doon sa kanya ng mga panahon na yun.

“So ang pinakaimportante lang na kaya kong ibigay is prayers—and really, I kept on praying para sa kanya."

Pero tiniyak ng gobernadora ng Batangas na bago mailibing ang Hari ng Komedya ay pupuntahan niya ang burol nito upang makiramay sa mga naulila ng komedyante.

Aniya, “Hindi maililibing si Tito Dolphs na hindi ako makakapunta sa burol niya. Pupunta ako doon bago siya mailibing, definitely, mapupuntahan ko siya.

“Pero ang prayers ko every day para sa kanya at sa mga mahal niyang pamilya, lalo na kay Zsa Zsa [Padilla]."

ZSA SA PADILLA. Sabi pa ni Vilma, “Hindi biro yung nararamdaman ngayon ni Zsa Zsa.

“Medyo sa tingin natin ngayon, medyo okey pa. Pero later on sa mga nakaramdam ng mga namatayan, later on ‘yan babawi sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang, yung ibinigay na sakripisyo ni Zsa Zsa, talagang kahanga-hanga.

“Kaya kaya kailangan natin siyang ipagdasal, plus the children, to have more strength.

“Kasi sa totoo lang, mararamdaman mo nang husto ang lungkot after a couple of weeks or month.

“Ganyan ‘yan. Naranasan ko ‘yan nang mamatay ang papa ko.

“Ngayon, hindi pa masyado kasi maraming tao pang nakikiramay sa iyo.

“Pero ‘pag bumalik ka na sa bahay mo, that is the time na kailangan mong ipagdasal sila.”

Nagkataon din na ang first shooting day ng pelikula niyang The Healing ay sa mismong kaarawan ni Tito Dolphy, sa July 25. Dapat sana ay 84 years old na ang Hari ng Komedya sa araw na yun.

“Oo nga. Wala namang may gusto noon. Nagkataon lang talaga na yun ang playdate ng pelikula namin.

“Pero malay n’yo, i-bless pa kami ni Tito Dolphs, di da?

“Tito Dolphs, blessing naman na sana maging maganda ang resulta ng movie naming The Healing,” sabay tingin ni Ate Vi sa itaas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN