Vice Ganda considers Dolphy everybody’s king: “Modelo siya ng lahat, komedyante man o hindi, modelo siya ng lahat.”

Vice Ganda says he was in awe of Comedy King Dolphy in their brief encounter. He relates, “Yun lang… nagkabatian. Yun ang una’t huling punto na nakapag-usap kami… ‘Hi, hello’ saka ‘Good evening po.’”


Nagdesisyon si Vice Ganda na hindi manood ng concert ng American rapper-singer na si Nicki Minaj sa SM Arena noong July 11.

Ito raw ang paraan niya para ipakita ang pagluluksa niya sa pagpanaw ng hinahangaang King of Comedy na si Dolphy.

Sabi ni Vice, “Nag-promote pa ako no’n, kasi ako ang endorser ng Globe. Ako yung nag-promote saka, di ba, kasi ako yung nagpasikat ng ’Super Bass’ dance dito sa Pilipinas?

"Pero isinakripisyo ko yun.

“Parang hindi maganda na nagsasayaw ako dun, puma-party ako habang nagluluksa ang lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa necrological service para kay Dolphy nung Miyerkules, July 11, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.


SHOWBIZ IN MOURNING. Ayon kay Vice, napilayan ang buong industriya sa pagpanaw ng Comedy King.

“Bilang isang komedyante, iba ang Dolphy.

"Siya ang hari ko, siya ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon…

“At sa parang pinuno namin siya, kaya para kaming napilay nung nawala siya, e.

“Modelo siya ng lahat, komedyante man o hindi, modelo siya ng lahat.

“Kanina pinag-usapan namin ni Toni [Gonzaga] sa likod—nakakaloka, kahit one-fourth ng narating niya, hindi ko maa-achieve!

“Ibang klaseng tao yung makaka-achieve ng na-achieve ni Tito Dolphy, lalo na dito sa Pilipinas na ang dali-daling magpalit ng gusto ng tao.

“Malaking kawalan, hindi lang sa show business kundi sa lahat!”


REMAKE. Ang pelikulang Ang Tatay Kong Nanay ni Dolphy ang isa sa pelikulang gustong i-remake ni Vice kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Aniya, “Paborito ko talaga yung Ang Tatay Kong Nanay.

“Nung nag-meeting nga kami sa Star Cinema dati, tinanong nila kung ano ang gusto kong gawing pelikula… isa yun sa gusto ko sa mga nabanggit ko.”

Hindi nagkaroon ng tsansa na makatrabaho ni Vice si Dolphy, pero nagkaroon naman ng isang pagkakataon na personal niyang nakilala ito.

“Wala. Na-meet ko lang siya nang personal isang beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinatid namin ni Kris si Zsa Zsa sa bahay nila." Ang tinutukoy ni Vice ay is Kris Aquino, na kaibigang matalik ni Zsa Zsa Padilla, ang partner ni Dolphy.

“’Tapos sabi ni Ms. Zsa Zsa, ‘Nandiyan si Dolphy sa kuwarto.’

"Sabi ko, ‘Ayoko, nahihiya ako.’

“Pagtingin ko, nakabukas yung pinto, ‘Ay, si Vice Ganda!’ gumanun siya.

“Sabi ko, ‘Ay, kilala pala ako ni Mang Dolphy!’

"Sabi ni Zsa Zsa, ‘Ano ba? Nanonood siya ng Showtime araw-araw.’

“Yun lang… nagkabatian. Yun ang una’t huling punto na nakapag-usap kami, ‘Hi, hello’ saka ‘good evening po.’"

NATIONAL ARTIST. Hanggang sa ngayon ay isa pa ring isyu ang hindi pagkaloob ng National Artist award kay Dolphy.

Ayon kay Vice, naiintindihan naman niya ang nangyari.

“Para sa lahat kasi, maibigay yung pangalan na yun, National Artist siya para sa ating lahat.

“Pero nauunawaan ko rin kung bakit di pa pormal na naibibigay sa kanya yung nasabing titulo.

“Kasi nga, may prosesong pagdadaanan, saka nga may nakabinbin pang kaso."

(Ang kasong tinutukoy ni Vice Ganda ay ang kasalukuyang petisyon sa Korte Suprema ng maraming National Artists laban sa pagkakahirang ni Gloria Macapagal Arroyo kina Carlo Caparas, Cecille Guidote, at ilan pa bilang National Artist. Hindi raw kasi iginalang ng dating pangulo ang mahigpit at mahabang proseso ng pagpili sa isang National Artist.)

“Narinig ko kung bakit hindi siya naideklara nung nakaraan, mayroon pang nakabinbin na usapin dun.

“Kaya hindi pa natatalakay yung tungkol sa kanya. May proseso talagang pagdadadaanan," saad ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN