Vilma Santos plans to run for a third term as Batangas governor, despite high ranking in senatoriable survey

Vilma Santos is promoting a new horror-suspense movie, The Healing. The actress-turned-politician is also planning to do a live TV special for her 50th anniversary in showbiz, a movie with Star Cinema, and an indie film.


Kahit ang panganay na anak ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na si Luis Manzano ay nagpakonsulta na raw sa isang healer.

Nabanggit ito ng Star for All Seasons sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon ng kanyang latest movie na The Healing noong Huwebes, July 12.

Kuwento ni Ate Vi, “Nagkasakit si Luis na kasabay ko pa. Bilang nanay siyempre, alalang-alala ‘ko.

“Di nga malaman kung ano ang sakit niya. Lahat ng test, ginawa na. Lahat clear naman.

“But then again, meron pa rin siyang parang shortness of breath.

"Sa totoo lang, this was two weeks ago, tumawag ako ng isang healer, pina-healing ko siya.

“I mean, ang point ko kasi, ginagawa mo na lahat ng medical [means possible], di ba?

“Kaya pinadaan ko siya sa healing, and I think, gumagaling naman siya.

“Mga 80 percent, kahit na hindi naman 100 percent na magaling na, pero kahit papaano, di ba?

“I just hope na magiging okey na lahat at bumalik na yung 100 percent niyang energy.

“Super sipag kasi ang anak ko. May sakit na lahat-lahat, nagho-hosting pa rin. Sobrang sipag talaga niya,” sabi ni Ate Vi.


Laking pasalamat naman ni Ate Vi sa kasintahan ng anak niya na si Jennylyn Mercado dahil laging tinutulungan daw nito si Luis.

“Maski na nung time na he was hospitalized, si Jen talaga ang bantay niya.

“Kaya sobrang pasalamat ako kay Jen dahil nakikita ko naman ang pagmamahal niya sa anak ko,” banggit pa rin niya.


RUNNING FOR SENATOR? Tumaas ang ranking ni Ate Vi sa senatoriable survey. Tatakbo na siya bilang senador sa 2013 elections?

“Given a chance, governor pa rin ang gusto ko. I want to finish my third and last term as governor ng Batangas.

“Marami pa kasing dapat tapusin talaga," sabi ng actress-politician.

Kamusta ang planong magkaroon siya ng TV special na bahagi ng kanyang 50th showbiz anniversary?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagkatapos nitong The Healing, paghahandaan na naman namin yung TV special na ipapalabas this November.

“Ito yung parang pagbabalik ko naman sa kanilang lahat.

“Kumbaga, sobra-sobra na at naabot ko itong 50 years ko sa showbiz, kaya it’s about time naman na ibalik ko yun sa tao.

“November, ipapalabas ‘yan in time yata sa birthday ko,” paglahad ni Ate Vi.


ONE-NIGHT SPECIAL. Ayon kay Ate Vi, isang TV special lang daw ito pero medyo madugo raw ang gagawing preparasyon.

“Maraming kaming magandang plano para diyan. Pero one night lang ito at hindi ito weekly. Isang special lang talaga ito.

“Pero sa totoo rin, ayokong nagpaplano, kasi depende rin ‘yan sa availability at pangangailangan sa akin ng mga constituents ko and as a public servant.

"Kaya nga minsan sinasabi ko sa inyo, tuwing nagkikita tayo na lahat ng plano nila sa akin, e, hindi lahat final.

“Kasi may mga priority [projects ako] sa Batangas na kailangan ko rin talagang asikasuhin,” paliwanag niya.

Ang nabanggit na one-day TV special ay hindi raw ipapalabas nang live, pero kakaiba raw ito at talagang magugustuhan ng mga mahal niyang Vilmanians.

“Pasasalamat lang talaga ito sa kanilang lahat,” diin pa rin niya.


INDIE MOVIE. Tungkol naman sa paggawa ng indie films, dinagsa raw talaga siya ng mga offer.

May mga scripts daw na nagugustuhan naman si Ate Vi.

“It is just na wala pa talaga akong tinanggap. Namimili ako nang husto, kasi depende talaga.

“Alam n’yo naman ako, once lang ako gagawa ng indie film kaya dapat, yung talagang gustung-gusto kong gawin.

“Kumbaga, ang sa akin, e, gusto ko lang ma-experience ang paggawa ng isang indie film.

“Gusto ko rin talagang maging indie actress din naman!” napatawa pa niyang pahayag.

STAR CINEMA PROJECT. Sa meeting ni Ate Vi at ng mga ABS-CBN executives, mukhang plantsado na ang isang Vilma movie na ipapalabas in line with the 20th anniversary ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa meeting namin, e, sinasabi nila sa akin, na hindi raw puwede na wala akong movie na ipapalabas sa anibersaryo nila.

“Kasi part ako ng Star Cinema. Binigyan na nila ako ng script agad.

“Maganda naman but ayoko munang magsalita kasi nothing is final, hanggang hindi pa talaga plantsado ang lahat.

“Sinasabi na rin nila sa akin kung sino ang mga makakasama ko at kung sino ang magiging director ko…

“But still, ayoko munang magsasalita hanggang hindi pa talaga final.

“At saka isa pa, baka hindi na naman matutuloy. Basta kakaiba rin ito, pati ang makakasama ko.

“Pero sinabi sa akin ni Malou [Santos, Star Cinema managing director] na as early as this, dapat pinaplano na.

“At kung halimbawa tatakbo ako for re-election, then after May siguro, baka pwede na kaming mag-shooting.

“Kumbaga, pinaplano na lahat para pag-shooting, tuluy-tuloy na.”

Paano na ang ibang movie offers outside Star Cinema?

“Kung puwede lang akong gumawa nang gumawa ng pelikula at mapagbigyan ang lahat.

“Dahil gusto ko naman talagang gumawa nang gumawa ng movie kaya lang, limitado talaga dahil sa trabaho ko nga as a public servant,” sagot niya agad.


HORROR MOVIE. Tatanggap pa rin ba siya ng isa pang horror movie gaya ng The Healing?

“Hindi naman agad-agad. Tama na muna.

"Kumbaga, nautay ka rin sa sunod-sunod na drama—Bata, Bata, Dekada, Anak, In My Life.

“Kaya kailangan naman natin ang naiiba... kaya ko sinubukan ang horror movie.

“Ito nga hinahagis-hagis ako rito, para nga akong si Vilma Santos no’ng araw na tumatakbo, hagis dito, hagis doon. Nakikipag-away ka.

"Hirap din ako pero kayang-kaya ko pa,” pagmamalaki ni Ate Vi.

Speaking of takot, inamin ni Ate Vi na dalawang bagay lang daw ang kinakatakutan niya.

“Takot lang talaga ako sa dalawang bagay—ipis at sakit.”


BEAUTY PROCEDURE. Takot din si Ate Vi sa injection—noon pa. Pero pinag-iisipan na rin niya ngayon ang stem cell procedure na ginawa ni Lorna Tolentino at Lolit Solis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Open na rin naman ako diyan. Mag-o-observe ako, so kung maging maganda ang naging effect sa kanila, then why not, di ba?

“Pampaganda din ‘yan pero observe muna ako kung ano ang epekto sa kabuuan, lalo na health-wise.

“I will try. Pero hintayin ko muna, may usapan naman kami, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN