Sheena Halili on her Inglisera and pasosyal role in Tweets For My Sweets: “Natutuwa ako dahil yung dila ko, kumbaga, nakakapag-gym siya once a week.”

Sheena Halili (in photo) says Marian Rivera, the star of Tweets for My Sweets, has given her trinkets, advice on love and invesments, and even her trust. "Friendly siya [Marian], pero, alam mo yun? Yun sigurong natutuwa na lang ako na pinagkakatiwalaan niya ‘ko," she says.


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Sheena Halili at Marian Rivera na nagba-bonding at nag-uusap sa dressing room nila sa taping ng Tweets For My Sweet sa MOA (Mall of Asia) Music Hall noong July 10.

Ano kaya ang pinagkukuwentuhan ng dalawa?

Sagot agad ni Sheena, “Marami, marami! Parang kumbaga, siyempre, parang ate ko na siya.

“Siyempre, yung mga mae-experience ko pa lang, e, napagdaanan na niya.”

Pagkatapos ng Amaya, silang dalawa ang nagkasama muli sa Tweets For My Sweet.

“Oo, at saka si Yan Yan [palayaw ni Marian] naman, kahit saan ‘yan, alam mo?

“Kahit saang bansa na pinuntahan nila, merong something na binili sa mga friends niya yan.

“Like ako, binigyan niya ako ng accessories, color pink, ang cute! ‘Tapos earrings, binigyan niya ako ng necklace, may bracelet. ’Tapos chocolates.

"Humingi pa ako ng key chain. May T-shirt ako. ‘Tapos binigyan pa niya ako ng friendship stones.

“Actually, yun ang pinaka-nagustuhan ko. Awww, I’m a friend!” natatawang bulalas niya.


GOOD VIBES. Ano ang nakikita niyang common traits nilang dalawa ni Marian at nagkakasundo sila?

“E, kasi may pagka-probinsiyana pa rin si YanYan. Iba talaga kapag lumaki ka sa probinsiya.

“Kahit na nasa Manila ka na, dala-dala mo pa rin yun, di ba? At saka, mapagmahal siya sa family.

“Ako, nanghihingi pa ako ng advice, saan ko puwedeng dalhin ang family ko? ’Tapos siya, ‘I-search mo ‘to… magpa-stock ka rito.’

“Yung mga ganoon. At saka mga tao-tao sa paligid.”

Bukod sa pag-i-invest, ano pa nga ba ang natutunan niya kay Marian?

“Well, bukod sa meron siyang relationship, di ba, nanghihingi rin ako ng advice sa kanya.

“Pinapayuhan niya ako na, ‘O, kapag ganito, siyempre dumadaan talaga sa ganyan.’ So, parang ako, nakikinig lang ako.

“Siyempre, hindi ko pa naman alam dahil wala pa ako do’n. Hindi ko pa alam at hindi ko pa nae-experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang nakikita niyang natutunan ni Marian mula sa kanya?

“Sa akin, natutunan niya? Ewan!” natatawang sagot ni Sheena.

"Friendly siya, pero, alam mo yun? Yun sigurong natutuwa na lang ako na pinagkakatiwalaan niya ‘ko."

INGLISERA. Si Lily ang ginagampanan ni Sheena sa Tweets For My Sweets at tulad pa rin noong simula, pasosyal pa rin ang karakter niya rito.

“Si Lily ay ganoon pa rin, pa-sosyal pa rin. Kasi, mayaman naman talaga sila.

“So, noong naghirap sila, noong umuwi siya sa Pilipinas, nagpapanggap pa rin siya ng mayaman.

“Pero, ano… talagang hindi ko lang alam kung madi-discover rito na magaling akong mag-Tagalog o Inglisera talaga ko. Na ako rin mismo, hindi ko alam.”

Natutuwa si Sheena sa karakter na ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

Sabi niya, “Iba yun, e. Itu-tweet pa nila sa akin kung ano ang natutunan nila.

“May mga words kasi rito na parang every week, meron akong sasabihin na parang pinaghalong ganito. E, ako, nilinya ko lang naman yun.

“Pero may mga tao pala na siyempre, tayong mga Pinoy, gustong-gusto nating naririnig yung mga taong magaling mag-English.

“So, parang ako, ‘Ang galing naman niya.’ Kaya ako, natsa-challenge rin ako dahil hindi naman ako Inglisera.

“Natutuwa ako dahil yung dila ko, kumbaga, nakakapag-gym siya once-a-week.

“Kung dati matigas ang dila mo, dahil sa show na ito na every week ko ginagawa, nahahasa.”

ON ROCCO NACINO. Kahit ang rumored boyfriend ni Sheena na si Rocco Nacino ay natutuwa rin naman daw sa karakter niya kapag napapanood nito.

“Minsan hindi ko rin napapanood. Siya yung humahanap sa Internet.

“’Tapos i-e-mail niya sa akin o itu-tweet niya ’tapos papanoorin namin nang sabay.

“Gusto ko rin naman na mapanood niya kasi, talagang Inglisero siya.

“Tatanungin ko siya, ‘Okay na ba? Talagang papasa na ba ’ko?’

"’Tapos sabi naman niya, oo naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa naman daw siya. Feeling ko, sasabihin niya ang totoo.”


PREGNANCY RUMORS. Biniro namin siya na tila hindi na yata lumaki ang tiyan niya. Kailan lang kasi ay naintriga nga siyang buntis.

“Oo nga, pinalabas ko na, two weeks lang!”

Naapektuhan din ba siya sa buntis issue na yun?

“Actually, noong hindi pa lumalabas, noong yung handler ko lang, sabi niya, ‘Anak, sabihin mo sa akin ang totoo.’

“Sabi ko, ‘Huh? Ano yun?’

"’Tapos yun, sabi ko, ‘Alam mo naman ang isasagot diyan.’ ’Tapos yun, hindi na kami nag-usap.

“Alam naman nila, e. Naapektuhan lang ako noong nalalaman na ng mga magulang ko.

“Siyempre, kumbaga, ako, nandito na ako sa Manila. Kung kailan independent ako. Kasama ko ang pinsan ko at kapatid ko.

“At bilang ate ako, siyempre ako pa rin dapat ang maging responsable.

“At kapag may mga ganoong isyu, siyempre, napaka-iresponsable ko namang anak.

“Wala naman akong ino-offend. Pero nag-start pa lang ako, dapat bang matakot ang mga magulang ko para sa akin?

“Siyempre, nasa right age na rin ako. Gusto nila akong matuto. Pero siyempre, yung mga ganoong isyu, parang hindi naman okay.”

SERIOUS. Mas naging seryoso raw si Rocco nuong narinig ang mga pregnancy rumors.

“Alam n’yo sa totoo lang, mas seryoso siya sa akin. Noong napag-usapan namin yun, ‘O, narinig mo na ba?’

“Parang ako, ‘Oo nga, narinig mo na ba?’ Yung parang siya ang seryoso. Sabi ko nga, ‘Huwag kang mag-alala, okay lang ako.’

“Pero sabi niya, ‘Nahihiya ako sa mga magulang mo.’

"’Tapos sabi ko rin, ‘Ako rin, ang inaalala ko, mga magulang ko at magulang mo. Siyempre tayong dalawa, alam nating showbiz ‘to at magkakaroon ng ganyang isyu.’

“Noong una nga, sinasabi ko, sasagutin ko ba ang isyung ‘to? Lalo na wala akong soap, e, baka mapunta na ‘to sa nagpa-abort na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, ‘Sige na nga, ayusin na natin ‘to.’”

Ang alam ni Sheena, kinausap ni Rocco ang mga magulang niya tungkol sa isyu at gayundin si Mommy Linda ni Rocco, na nag-text at kinamusta siya.

“Siyempre, ina-assure ko siya at sinabi ko rin na kahit nasa showbiz kami, napanatili pa rin namin ang values namin.

Conservative pa rin ba si Sheena?

“Alam n’yo, bilang nagsusuot naman ako ng shorts. Like sa Amaya, di ba? Feeling ko, napaka-open ko naman.

“Pero yung mga tao sa paligid ko ang nagsasabing, ‘Manang ka.’ Manang pala ‘ko? Manang ka pala?’ Yung ganoon.”


IDEAL RELATIONSHIP. Hindi na rin itinatanggi na masaya si Sheena sa kung ano meron sa kanila ni Rocco ngayon.

“Actually, nagkaproblema ako dati noong magkaroon ako ng first boyfriend.

“Sobrang hirap pala dahil ang daming matang nakatingin sa akin. Siyempre, kapag fan ka nito, hindi mo sila mapi-please.

“So, nahihirapan talaga ‘ko. So ngayon, from the start, sinabi ko talaga na kung ito ang relationship, o kung ito ang relationship na kailangan kong itago. Hindi… hindi ako.

“Sinabi ko lahat yun sa kanya. Kumbaga, ‘Nagde-date tayo, ’tapos takbo-takbo, ano ‘to?’

“Kaya sabi ko, ‘Okay naman akong mag-isa. Hindi ko kailangan ng boyfriend kung itatago lang ako ng taong yun.’

“Kasi kumbaga, ang tagal-tagal kong naghintay. Gusto ko kung magkakaroon man ako, proud ako sa kanya at proud siya sa akin.

“Dahil alam ko na worth it ako at worth it siya na ito ang taong mahal ko.”

Ano ang naging sagot ni Rocco nang sabihin niya yun?

“Sinabi ko sa kanya at sinabi naman niya na hindi naman daw ganoon ang plano niya.

“Nagustuhan ko naman sa kanya na nirerespeto naman niya kung ano ko. Kung ano ang values ko.

“Minsan nga, naa-adapt na niya. At saka, okay rin ang family niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN