Dennis Padilla and Dominic Ochoa talk about life lessons they learned from Dolphy

Dennis Padilla and Dominic Ochoa were both privileged to work with Dolphy.

The former joined the cast of Home Along Da Riles in 2003, while the latter became part of the sitcom’s movie version.


Dalawa lamang sina Dennis Padilla at Dominic Ochoa sa mga mapalad na nakatrabaho si Dolphy.

Kaya nung pumanaw ang Comedy King, na isa sa mga itinuturing na haligi sa industriya ng showbiz, hindi nila maitago ang lungkot.

Kahapon, Hulyo 12, ay nagpunta ang dalawang aktor sa burol ni Dolphy sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press, nagkuwento sila kung paano nakatulong ang Hari ng Komedya sa kanilang showbiz career.

Unang nagbahagi si Dennis, na nakasama ni Dolphy sa TV show na Gabi ni Dolphy (1989), Home Along Da Riles (1992) at Home Along Da Airport (2003).

“Isang karangalan na makasama ka [Dolphy],” nakangiting sinabi ni Dennis.

“Mula nang ako’y nag-e-extra-extra pa lang sa Gabi ni Dolphy sa RPN 9, hindi ko makakalimutan ‘yong mga time na ‘yon, kasama niya si Tito Panchito.

"May mga skit portion sa Gabi ni Dolphy na eksena niya, binigay niya sa akin.’ Sabi niya, ‘Dennis, ikaw ang gumawa nito. Alam ko, kaya mo ‘to.’

"Hindi ko na matandaan kung anong taon ‘yong Gabi ni Dolphy, pero RPN 9 ‘yon.

“‘Tapos... kaya tuwang-tuwa ako ng 2003, nang sabihin sa akin nina Mr. M [Johnny Manahan] na isasama nila ako sa Home Along Da Riles.

“‘Tapos tinanong daw nila si Tito Dolphy, ‘Tito Dolphs, bibigyan po namin ng role si Dennis Padilla dito sa Home Along...’ Sabi raw ni Tito Dolphy, ‘A, oo, okay ‘yang batang ‘yan,’ so natuloy akong makasama do’n.”

Nakasama naman ni Dominic si Dolphy sa movie version ng Home Along Da Riles (1997).

Pag-alala ni Dominic, “It was shot in Baguio, Bulacan, and Subic, and that was my first time to meet him. Although friends ko sila Epy before that, sila Boy 2, and some other pamangkins...”

LOSING A "KING." Naniniwala si Dominic na natapos na ni Dolphy ang kanyang “misyon” sa mundong kaya ito’y pumanaw na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw matatawaran ang sayang hatid ni Dolphy sa bawat tahanan ng pamilyang Pilipino.

Ani Dominic, “I think ‘yong katatawanan, I think hindi naman na natin kailangan i-state ‘yon coz it’s given already na.

“Binigyan niya tayo ng kasiyahan for how many years with John En Marsha and Home Along Da Riles.

“So, siguro naging kasama na natin ‘yon every week na pagkain natin. Like sa Linggo, manonood tayo ng John En Marsha, sa Linggo manonood tayo ng Home Along Da Riles, and we wait for ending, ‘yong ’John, magsumikap ka…’"

Ang paboritong linya ni Dely Atay-atayan, na gumanap bilang biyenan ni Dolphy, ang tinutukoy ni Dominic.

Sa pagpapatuloy ng Kapamilya actor, “Si Tito Dolphy kasi, ang kagandahan ng ginagawa niyang pelikula at projects, e, may aral, may values afterwards.

“So, I think that’s important na nawawala na ngayon, the values na naka-instill sa ating mga ginagawa.

“So, sana maipagpatuloy ‘yong mga iniwan na aral ni Tito Dolphy sa mga kapwa artista niya.”

GREATEST LESSONS. Kapag hindi nakaharap sa kamera, tahimik at malalim ang pananaw ni Dolphy sa buhay.

Isang bagay ang natutunan ni Dennis mula sa Comedy King: tungkol sa pagiging isang ama.

Ayon kay Dennis, “No’ng Home Along the Riles, ‘yong… kasi madalas akong matanong, sabi sa akin, ‘Dennis, how do you divide your love to your children?’

“Kay Tito Dolphy ko natutunan ‘yong sagot na, ‘You don’t divide your love to your children, you multiply.’

“So, ‘yon ‘yong isang sinabi sa akin ni Tito Dolphy na hindi ko malilimutan habang ako’y nabubuhay.”

Sa parte naman ni Dominic, hanga raw siya sa pantay-pantay na pagtrato ni Dolphy sa mga tao sa set.

Aniya, “‘Yong pakikisama ‘yan, kapag nage-guest ako sa Home Along de Riles before, ‘yong pakikisama sa tao, sa mga mas nakakababang artista, tinatrato niyang pare-pareho sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang bagay na natutunan niya: “Just keep on smiling and be humble."

Pumanaw man si Dolphy, mananatili siyang buhay sa puso at isip ng bawat taong natulungan niya sa mga paraang maaaring alam o hindi niya alam.

Kaya naman para kay Dominic, si Dolphy ay “magaling, maaasahan natin at mapagkumbaba.

“I love you, Tito Dolphy,” pagtatapos nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN