Dolphy brand of comedy lives on in "Tatak Dolphy"

Sa nagaganap na burol ni Dolphy sa Heritage Park, tila nagkaisa na ang mga TV networks—sa kanilang coverage.


Hindi naman maikakaila na bagamat isang Kapatid ang Hari ng Komedya na si Dolphy sa araw na pumanaw ito noong July 10, mahabang taon ng kanyang buhay telebisyon ay isa siyang Kapamilya.

Mas tumatak sa isipan ng henerasyong ito ang Home Along da Riles na tumagal din ng mahabang taon sa ABS-CBN.

Hindi man siya naging Kapuso, bilang Hari ng Komedya, masasabing si Dolphy ay may pagpapahalaga sa lahat ng network.

Nagbigay ang Comedy King ng eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong surpresahin siya ng ABS-CBN at ipinangalan sa kanya ang isang studio network, ang Dolphy Theater.

CLICK HERE to read article.

Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ni Dolphy noon, hindi pa rin nawala sa kanya ang paghahangad na magkaayos at mawala ang network war.

Aniya, "At kung maaari pa, magkasundo na ang mga network. Gusto ko magkasundo pa sila. May chance pa, naniniwala ako. Kailangan lang siguro na tama lang ang padrino na gagawa noon."

Sa nagaganap na burol niya sa Heritage Park, tila nagkaisa na ang mga TV networks sa kanilang coverage.

Napag-alaman ng PEP na ang production unit ni Raymond Dizon, na hawak halos lahat ng comedy shows sa ABS-CBN, ay magkakaroon ng pagpupugay sa namayapang Hari ng Komedya.

Simula ngayong gabi ay ipapalabas na ang “Tatak Dolphy” sa mga comedy shows ng Kapamilya tulad ng Toda Max, Banana Split, at Goin’ Bulilit.

Magkakaroon ng isang segment ang mga shows na ito bilang pagpupugay kay Dolphy. Sa pamamagitan ng campaign na ito ay maitutuloy ang legacy ng isang Dolphy.

May “kantahan sa may kanto” ngayon sa Toda Max. Dati itong napapanood sa sitcom ni Dolphy na Home Along da Riles.

Sa Banana Split naman, makikipagsabayan ang PBB Teen 4 grand winner na si Myrtle at tatlo pang girls ng PBB na sina Karen, Joi at Jai, sa nakakatawang Indak cast. Handang-handa na ang cheerleading outfits at pompoms ng mga girls ni Kuya, fresh sa paglabas sa bahay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Goin’ Bulilit ay magkakaroon din ng segment at mga palitan ng jokes na Tatak Dolphy talaga.

Isa raw itong paraan ng mga comedy shows ng ABS-CBN para maipakita at maipagpatuloy ang Tatak Dolphy sa mga manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN