Annabelle Rama claims she was “provoked” by Chito Alcid at Dolphy’s wake

Annabelle Rama says she was “provoked” by Chito Alcid which resulted in a commotion at Dolphy’s wake last night, July 13, at the Heritage Park, Taguig City. The talent manager adds, “Nagsisisi ako na pinatulan ko, ‘yon ang pagsisisi ko.”


Kalmado si Annabelle Rama nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ngayong gabi, Hulyo 14, sa Heritage Park sa Taguig City.

Bukod sa pagbibigay-respeto sa King of Comedy, pumunta raw sa lamay ang talent manager para humingi ng tawad sa pamilya Quizon.

Matatandaan na kagabi, Hulyo 13, ay nagkaroon ng konting gulo sa lamay ni Dolphy, sa pagitan ni Annabelle at ng entertainment reporter na si Chito Alcid.

(CLICK HERE for related article)

Pero ngayong personal nang nakahingi ng tawad si Annabelle sa pamilya ng Comedy King, mas maluwag na raw ang kanyang kalooban.

“Masayang-masaya ako kasi si Eric, sinamahan pa niya ako kay Pareng Dolphy, nag-sorry ako kay pareng Dolphy sa nangyari, sabi ni Eric, ‘Naku, tatawa lang si Daddy sa ’yo.’

“Sa pamilya Quizon, maraming-maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa akin ngayon.

“Mahal ko kayong lahat, mahal ko naman lahat ng anak ni Dolphy, lalo si Eric, e.”

ANNABELLE’S VERSION. Samantala, amin namang inalam ang bersyon ni Annabelle Rama tungkol sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Chito Alcid kagabi.

Ani Annabelle, na-“provoke” daw siya kaya naman niya nagawang sugurin ang entertainment reporter.

Kuwento ng talent manager, “Nasa loob kasi ng CR [toilet] si Eddie, so naghintay ako kay Eddie na matapos.

“Kasi si Daisy [Romualdez] nakita niya ako, nasa CR ako, umatras siya. Kitang-kita ko, lumabas ngayon si Chito pagkaupo ni Daisy.

“Hindi naman ako sira-ulo na bigla na lang manunugod na wala naman nangyari, di ba? May ginawa siya sa akin.”

Nang tanungin siya kung ano ang ginawa sa kanya ni Chito, sinabi ni Annabelle na hindi raw naging maganda ang pagtawag sa kanya ng entertainment reporter.

“Kasi binastos ako, e.

“Siyempre nabigla ako, nakalimutan kong nasa kainan pala kami.

“Naintindihan ako nina Eric, naintindihan ako.

“Kasi nananahimik kami, e, kumakain kami nina Susan [Roces], masayang-masaya kami ng mga Sampaguita stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pumunta ako ng banyo, sinusundan ako.

“Inawat kami ni Chavit [Singson], ni Kuya Germs [German Moreno], at saka ni Epy Quizon, inawat kami.

HIGH BLOOD. “Nakalimutan ko ang sarili ko.

“Kasi alam mo naman na may sakit ako na high blood, nakakalimutan ko kung nasaan ako nandoon, ganyan.

“No’ng nailabas ko na ang galit ko, sabi ko kay Eduardo [Eddie Gutierrez, her husband], ‘Sayang…’ kasi mag-Cebu dapat kami kahapon, e.

"Ayaw niya mag-Cebu kasi nga bukas ang libing ni Dolphy, gusto niya pumunta.”

Giit pa niya, dinipensahan niya lang daw ang kanyang sarili, dahil diumano’y gusto rin siya saktan ng entertainment reporter.

Nagsisisi rin daw si Anabelle na pinatulan pa niya ito.

“Hindi, kasi self-defense ‘yon. Kasi nakita ko, parang hahampasin niya ako do’n sa dala-dala niyang ano, parang iPad.

“So, nang alam kong hahampasin na niya ako, naghanap na ako ng mahahawakan ko.

“E, nakita ko ‘yong baston, hahampasin ko sana siya, tumakbo na siya, hindi na ako nahampas ng iPad sa mukha ko.

“Kasi naman, siyempre I have to protect my face also.”

“Nagsisisi ako na pinatulan ko, ‘yon ang pagsisisi ko.”

PLOT BY AMALIA? Ang mga pangyayari kagabi, sa opinyon ni Annabelle, ay pinlano umano ni Amalia Fuentes, na dati niyang amiga.

Matatandaan na nagsimula ang iringan sa pagitan nina Annabelle at Amalia nang pumunta ang talent manager sa burol ng asawa ng dating Movie Queen na si Joey Stevens.

Hinala ng talent manager, ginamit umano ng former Movie Queen si Chito upang i-“provoke” siya.

“Ako talaga ang sadya kagabi,” pahayag ni Annabelle.

“Hindi naman sila um-attend ng Mass, e.

“Kasi ang mga kalaban ko… sabi nga sa akin ni Ruffa, e, ‘That is your fault. You keep on tweeting kung saan ka nandoon. Kaya ang mga kalaban mo, pinupuntahan ka. Kasi sabi mo nasa lamay ka ni Pareng Dolphy, ‘kamo, pang-dalawang gabi mo na, pupuntahan ka niyan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin din daw niya’y paraan ito ni Amalia upang ilihis ang isyu nito tungkol sa mga nakaaway niynag mga dating tenants.

“Ang alam ko, pinagplanuhan talaga ako ni Amalia," ang sabi ni Annabelle.

“Kasi para siguro matabunan ang kanyang issue. Kasi si Chito dala ni Amalia ‘yon, e.

“Si Amalia naman, ang masasabi ko lang kay Amalia, napakatapang mo pala sa TV, in person napakaduwag mo pala.

"‘Kaw Chito, napakaduwag mo pala. Namumutla ka pa nang kinakausap kita.

“Kaya naman matapang si Chito dahil kasama niya si Daisy, si Amalia, sina Chavit Singson.

“No’ng natumba siya kakahabol ko sa kanya, wala namang tumulong sa kanya.

"Dapat, bago mo ipagtanggol ang idol mo, siguraduhin mo na kapag ikaw naman magkaro’n ng gulo, dapat ipaglalaban ka.

“Kasi gano’n ako sa kaibigan, e, ipinaglalaban ko talaga ang kaibigan ko.

“Siya, walang tumulong sa kanya, nag-iisa lang siya, naghahabulan kami.”

Kaya naman ang mensahe na lang daw ni Annabelle sa mga nakakaaway niya: “Hello! Kapag ako naging kaibigan n’yo, Dong, mai-in love kayo sa akin.

“Mabait akong kaibigan, ‘wag ‘nyo akong kalabanin, okay?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN