What Roderick Paulate learned from Dolphy: "Yung pagpapakumbaba, pagmamahal sa mga kasamahan sa trabaho, sa utility...Yun ang mga importante."

Roderick Paulate on Dolphy as National Artist: "Siyempre, merong prosesong sinusunod. Ito ay damdamin ng parang isang anak lang. May sinusunod, ginagalang ko yun at nirerespeto ko na may dapat sundin. Pero sana lang, noong buhay pa.”


Sa huling araw ng lamay ni Dolphy sa Heritage Park kagabi, July 14, nakadalaw ang aktor at konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate.

Nasa Guam si Roderick nang malaman nitong pumanaw na ang kanyang “Daddy Dolphy.” Pero bago ito binawian ng buhay, may isang buwan ding namalagi ang Comedy King sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center.

Ayon kay Roderick, “’Di ba si Dad namatay, Tuesday? Noong Monday ako umalis. Official trip yun. Imi-meet namin ang mga government officials ng Guam...

"Nagpunta ako [dun] bilang chairman of the Committee of Tourism and Cultural Affair, may memorandum of understanding [for a] sisterhood relationship ang Quezon City at Guam...

“Kaya nga naiiyak ko na ito noong Wednesday, noong tinext sa akin ni Ms. Malou Fagar, naiiyak ako nun. Nagdasal na lang ako for Dad," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw siya personal na dumalaw noong nasa hospital si Dolphy.

Ang katwiran nga niya sa bagay na ito, “Hindi ako pumunta. Ayoko, e. Kasi, may mga sinabi sila na hitsura ni Dad, siyempre, ayokong makita siya na ganoong hitsura. Ganoon din kasi ang hitsura ng mommy ko, e.

“Siyempre, may kaniya-kaniya tayo. Hindi pa ako ready. Hanggang ngayon, hindi pa ako ready.

"So, aaminin ko, wala na, heto na, nangyari na. Sabi ko, gusto kong makita si Dad for the last time.”

MEMORIES OF DOLPHY. Bilang isang komedyante rin, marami ngang naitagong memories si Roderick kay Dolphy.

Isa na raw dito ang pagsasama nila noon sa pelikulang Mga Anak ni Facifica Falaypay (1987).

“Siyempre, babalikan ko talaga yun. Una, box-office [hit] yun. Siyempre, naalala ko ang mga eksena namin. Yung mga walang script naming eksena and more than that, ito yung mga galing ni Dad.

“Tapos, pinagsasama namin yung alam namin. Tapos, nandoon naman siya. Okay na ‘yan. Magaling na yun, given na yun. Pero ang hindi alam ng mga tao, kapag wala kaming shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan nag-uusap kaming dalawa. Yung love for the family.”

Aminado si Roderick na bilang isang komedyante, si Dolphy ang idolo at tinitingala niya.

“Of course! Alam naman natin si Dad, King of Comedy yan. Mahirap kasi nating sabihin, lahat naman, may mga hari naman.

"Kaya lang, there’s more than that sa pagiging hari nila, e. Yung humility, diyan ko natutunan. Yung pagpapakumbaba.

"Pagmamahal sa mga kasamahan sa trabaho, sa mga utility. Yun ang mga importante.

ARTISTS THEN AND NOW. “Kaya nga sinasabi ko palagi, iba kasi ang education at mga experiences na naibibigay nila sa amin. Kami nila Maricel [Soriano], produkto kami [ng] noong araw.

"Hindi kami produkto [ng] ngayon. So, makikita niyo na iba talaga ang pagmamahal namin sa trabaho. Iba ang pakikitungo namin.”

Nakita rin daw ni Roderick ang kaibahan ng mga artista ngayon sa mga nagsimula noon, kahit sa pakikutungo na lang sa entertainment press.

“Kami kasi noon iba ang pakikitungo sa press. Ngayon, press ka, artista ko. Interbyuhin mo ko dahil sikat ako. Kami noon, hindi.

"Kami yung puwede kaming mamasyal na kasama ko ‘to, ‘wag na natin pag-usapan ‘to ha?

"Hindi katulad ngayon, madapa ka lang, kailangan masulat ka.

“Ako noon, may mga nakasamaan ako ng loob na writers, pero hindi lumabas. Bakit, kasi, magkakaibigan kami.”

Dugtong pa niya, “At ‘yan ay nakukuha namin sa mga artistang katulad nila [Dolphy].”

NATIONAL ARTIST ISSUE. Tinanong din namin si Roderick kung ano ang masasabi niya sa isyu ng National Artist award para kay Dolphy.

Ayon naman kay Roderick, “Alam niyo sa Quezon City resolution yan. Na we’re urging talaga na maging National Artist siya. Pero nagawa na namin. Parang nasabi na namin yun. Gusto kong mangyari yun for Dad.

“Pero ibig kong sabihin, parang ngayong namatay na, parang ayoko na yatang – ewan ko... Kayo na ang bahala, wala na e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Siyempre, merong prosesong sinusunod. Ito ay damdamin ng parang isang anak lang. May sinusunod, ginagalang ko yun at nirerespeto ko na may dapat sundin. Pero sana lang, noong buhay pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN