Lotlot de Leon on Dolphy: “I’m very blessed kasi I was given the chance to work with the wonderful man."

Lotlot de Leon describes Dolphy as man and actor: “As a person, Tito Dolphy is a very simple man. Ibang-iba kasi siya pag sa likod ng kamera. He’s a very quiet man. Magbibiro yan, pero, paisa-isa lang. Pero once na humarap siya sa kamera, nag-change yun."


Fourteen years old daw si Lotlot de Leon nang una niyang makasama sa pelikula ang Comedy King na si Dolphy sa pelikulang Balimbing ng RVQ Productions. Nasundan naman ito ng Mga Anak ni Facifica Falayfay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagbalik-tanaw si Lotlot nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa huling gabi ng burol ni Dolphy sa Heritage Park.
Ayon kay Lotlot, “masaya kasama si Dolphy. Sa bahay niya sa Baguio kami tinira... Hindi kami nag-hotel.
“So kami, like sila Eric [Quizon], sila Vandolph, sila Kuya Dick [Roderick Paulate] sila Goma [Richard Gomez], lahat kami would be staying at his house. So, ganoon kami kasaya. Yun ang memories ko sa kanya.”
Hindi daw siya nakadalaw sa Makati Medical Center nuong nasa ICU (intensive care unit) si Dolphy dahil sa naging karamdaman nito na COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease).
Aniya, “Hindi na ako nakapunta, okay na yun. It’s a private time for the family. I think my mom [Nora Aunor] went to visit, okay na yun.”
Pagdating sa mga payo, nakangiting kuwento rin ni Lotlot na marami rin daw naging advice sa kanya si Dolphy.
“Siyempre po, sangkatutak na advice. Lalo na yung mahalin mo ang mga magulang mo. Take care of your mom.
"Mahalin mo ang trabaho na meron ka. The usual kasi, he’s like a father to me. Feeling ko rin naman, to everyone.
“Ganoon din, hindi naman nagbago. Kahit na kapag nagkikita na lang kami sa Baclaran. Kapag nagsisimba siya, nagkakasalubong kami ro’n. There are few times na nagkakasabay kami ro’n.”
Kumusta maman?
“Palagi siyang naghe-hello at saka, kilala na si Tito Dolphy na nagpupunta siya ro’n. Maraming tumitingin pero sanay na rin sa kanya.”
Hindi pa man tuluyang pumapasok si Lotlot sa showbiz noon ay magkakilala na sila ni Dolphy.
"Yes, kasi, marami na rin naman silang nagawa ni mommy na pelikula. Noong maliit ako, minsan naman naisasama naman kami ni mommy, o kaya kapag may special sa Channel 9.
“Eh, hindi ba’t pareho silang homegrown ng nueve. Superstar at John en Marsha. Palaging Christmas special, birthday ni ganito, he was very visible sa akin.”
Dugtong pa niya, “I also grew up with my mom, very close to Tito Dolphy. So, when I was asked, sabi niya, ’Kinukuha ka ni Tito Dolphy mo.’ Sabi ko, okay. Noong maliit pa po ako.”
Masuwerte nga raw siya dahil nakasama niya ito sa ilang pelikula, dahil marami rin sa ibang mga artista ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang Hari ng Komedya.
“I’m very blessed kasi I was given the chance to work with the wonderful man. Katulad din nila Ninong Ronnie [Fernando Poe Jr.].
Sabi pa niya, “As a person, Tito Dolphy is a very simple man. Ibang-iba kasi siya pag sa likod ng kamera. He’s a very quiet man.
"Magbibiro yan, pero, paisa-isa lang. Pero once na humarap siya sa kamera, nag-change yun.
“So, parang grabe yung talents niya. Kita mo naman na inalaagan niya yun.”
Ang anak na Lolot na si Janine Gutierrez ay nag-aartista na. Pero kumpara sa kanya, hindi na ito magkakaroon ng pagkakataon na makasama pa ang isang hari pagdating sa pagpapatawa.
“Oo, sayang…ang sarap kapag malaking artista. Pangalawa, ang dami mong matutunan sa mga kagaya nila.
"Tito Dolphy came from a humble beginnings. Narating niya ang gusto niyang marating and yet, he never changed.
"That alone should inspire the next generation of talents.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN