Jasmine Curtis Smith on attaining sister Anne’s popularity level: “It comes with the work I do. So, kung sisikat ako ng kasing-sikat ni Ate, why not?”

Jasmine Curtis Smith returns to Australia hoping to finish her schooling there. But as showbiz opportunities beckon here as well, she hopes she and sister Anne Curtis will finalize some plans.


Mahigit isang linggong nagbakasyon sa Pilipinas si Jasmine Curtis Smith, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, para samantalahin ang semestral break niya sa school.

Kahapon, July 15, balik uli sa Australia si Jasmine para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine bago siya bumalik ng Australia, sinabi nitong may ginagawa naman siyang trabaho dito habang nagbabakasyon.

“Guesting lang ako, like sa Pidol’s Wonderland. So, habang nasa Australia ako, may umeereng guesting ko sa TV5. Pero wala pang definite na teleserye.

“Aside from that, may mga TV commercials din akong ginawa, may mga print ads nagre-renew. Busy naman every day.

“There’s something going on din naman,” saad niya.


MISSING SHOWBIZ. Kuwento ni Jasmine, pagkatapos na pagkatapos ng exam week nila sa school, hindi na siya nag-aksaya ng panahong bumalik ng Pilipinas.

“Oo, nami-miss ko talaga," sambit ng Kapatid star.

"Kaya everytime I go back, pag may events at nakikita ko yung mga friends ko nandun, sabi ko, ‘Sayang naman at wala ako dun.’

“But at the same time na malapit na rin namang dumating yung time for that na [graduation], alam mo yun?

“And maybe araw-araw nandito na ako.”

Excited na ba siyang makatapos na ng pag-aaral?

“More than excited is nervous. Kasi pagkatapos ng high school, tapos na ang ritual na every day, alam mo talaga kung ano ang gagawin mo.

“Whereas pag nagtatrabaho ka or college ka, it differs talaga every day kung ano ang schedule mo.

“So, yun lang naman, nervous but excited ako.”

Sa ngayon ay wala pang desisyon si Jasmine kung saan siya magpapatuloy ng pag-aaral, if at all.

“Well, pinag-uusapan pa rin naman namin…

“Kung didiretso man ako sa pag-aaral, puwede akong mag-move dito and online na lang yung pag-aaral.

“Kasi may ways naman to work around that para kahit paano, habang nagtatrabaho, nag-aaral din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FOLLOW ANNE’S FOOTSTEPS. Ano ba ang kursong gusto niyang kunin sa college?

“Something business para nurtured ako sa mga nagaganap sa business like sa mundong ito, para alam ko what’s happening. Ano ba talaga ang pagwo-work ng mga kung anu-ano diyan?”

Gusto rin ba Jasmine na maging kapareho ng Ate Anne niya?

“Of course, darating rin ’yan. One at a time lang naman.

“One year and half pa lang naman ako, I can’t expect na pareho na yung workload namin, yung holiday sked namin.

“But ako, easy-easy lang. Steady lang muna kung anuman ang maibibigay sa akin, tatanggapin ko.”


AMBITION. Hindi ba niya gustong sumikat na gaya ng Ate Anne niya?

“For me, kahit hindi naman ako sikat. Of course, hindi ko naman sinasabing kebs [walang pakialam] ko, di ba?

“Ano lang, it comes with the work I do. So, kung sisikat ako ng kasing sikat ni Ate, why not?

“Pero kung hindi, enjoy ko na lang yung trabaho ko. Bakit pa ako choosy, di ba? And I get paid. Ano pang iku-complain ko?”

Malaking bagay sa pag-udlot ng pagsikat ni Jasmine ang pagpabalik-balik niya sa Australia, kasi hindi siya mabigyan ng dire-diretsong trabaho.

“Napag-usapan na rin namin ‘yan ng management ko.

"As of now, hindi naman po namin goal yung talagang to the highest level sikat. Kung ano po talaga ang meron.

“I mean, super blessed rin naman po ako kasi yung mga endorsements ko, ang lalaki ng brand—Smart, Bayo, Cherrie…

“Wala na talaga akong i-complain.

“Despite my absence dito, despite na wala ako sa mga events nila to promote, they still trusted me to be their endorser, and for me that’s more than enough na.

“If I can compare myself to other newbies, I have so many things I should really thank for—thank them for these opportunities.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RESIDENCY. Bagamat wala pa sa plano ni Jasmine ang mag-full time sa showbiz o hindi, sa Pilipinas o Australia lang ang pagpipiliang magiging home-base niya.

"Si Mommy kasi, I don’t think she can move back here because nandun na yung mga kapatid niya sa Australia. Parang settled na siya dun.

"For me naman, I actually bought a condo, and hopefully next year, kung dito na ako titira, I can live there.

“Of course, it’s still in progress of being built and paid for, but it’s an investment my management thinks that I can really put all into… so.”

Totoo bang pinag-uusapan na nila ni Anne ang pagbili ng bahay para sa Mommy nila sa Australia?

“Well, my sister and I are hoping to find a place we can both [buy]… of course, mas malaki yung iko-contribute ni Ate bilang mas ano [sikat] siya….

“But, kunwari si Ate will buy the house, ako naman, I’m in charge of buying furniture, utensils.

“Pero, of course, share kami sa paghahanap… Pero wala pa talaga kami nahahanap.

“We’re still na in the planning stage but we were hoping by the end of the year.

“Sobra ang stress ng trabaho ni Ate, dami niyang workload.

“Sana in the next two years makahanap na kami ng bahay for mother and dream house niya talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN