Edgar Allan Guzman down with dengue

Edgar Allan Guzman was at the taping of TV5’s Enchanted Garden when he was sent back home. He had chills and fever. He was then confined, and diagnosed as having dengue. According to his manager Noel Ferrer, he is now doing fine and is recuperating.


Over the past week, may bad news at good news tungkol sa young actor na si Edgar Allan Guzman.

Naiparating ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang manager na si Noel Ferrer nang makita namin ito sa burol ni Mang Dolphy noong July 14.

Ang bad news, ayon kay Noel, ay na-confine si Edgar ng isang linggo sa St. Luke’s Hospital Bonifacio Global City, dahil sa dengue.

But the good news ay ligtas na ang aktor sa nakamamatay na sakit.

Na-discharge daw ang young actor noong July 13.

Nagsimula raw ang karamdaman ni Edgar noong July 10, parehong araw ng kamatayan ni Dolphy.

Sabi ni Noel, “After his road show for Champion in Bacolod, where he already had high fever, Edgar went straight to his first taping day in Bataan for Enchanted Garden.

“He was experiencing chills and high fever already.”

Ang direktor ni Edgar Allan sa bagong TV5 fantaserye na si Eric Quizon ay dali-dali namang bumalik ng Maynila dahil sa balita ng pagpanaw ng amang si Dolphy.

Sa ilang araw na lamay para sa Comedy King, hindi nakadalaw si Edgar dahil sa kanyang hospital confinement.

Sabi ni Noel, “He was confined at a community hospital there [in Bataan], where he was tested positive for dengue.

“Then Edgar was sent home and had to be admitted at the St. Luke’s Hospital where his fever and platelet counts were erratic.

“Things just stabilized yesterday morning.

“But he is still weak and recuperating from his situation."

Nais ipabatid ni Noel na kasalukuyang isinasaayos ang mga nabinbin na schedule ni Edgar habang siya’y nagpapagaling.

Bukod sa Enchanted Garden, may rehearsals na schedule ang aktor para sa Bona.

Ito ay dula ng PETA (Philippine Educational Theater Association) na pagsasamahan nina Edgar at Eugene Domingo.

Baka nakalimutan na ng marami na nagsimula ang magaling na aktres na si Eugene sa teatro, kung saan gumanap siya sa comedy at drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanilang tambalan ni Edgar sa dramang Bona, na unang ginawang pelikula ng yumaong direktor na si Lino Brocka, ay gagawin sa direksiyon ni Soxy Topacio.

Si Soxy naman ay nasa PETA nung mga taong si Brocka ang namamahala nito, at kasama pa rin ng internationally known director ng pumalaot ito sa mundo ng pelikula.

Ang papel na gagampanan ni Eugene ay unang ginampanan sa ni Nora Aunor; ang kay Edgar ay unang ginampanan ni Phillip Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN