Jodi Sta. Maria shows sad plight of OFWs via Migrante

Jodi Sta. Maria on playing an OFW in Migrante: “Naisip ko, bawat isa sa atin, may kapamilya o kakilala na nagtatrabaho sa ibang bansa. I also thought na makakatulong ito na madagdagan pa ang awareness ng mga tao. Para malaman natin kung ano ba yung tunay na pinagdadaanan ng mga OFWs natin, at para malaman din ng mga tao na may grupong Migrante na tumutulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad."


Masiglang-masigla ang aktres na si Jodi Sta. Maria nang dumalo sa Philippine premiere ng pinagbibidahan niyang indie film, ang Migrante (The Filipino Diaspora), kahapon, July 15.

Gumaganap si Jodi bilang Frida, isang OFW (Overseas Filipino Worker) na dumanas ng masaklap na karanasan habang nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Israel.

Bago ang screening sa Robinson’s Galleria Cinema 5, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang taga-media si Jodi.

Excited na nagbanggit ang Star Magic artist tungkol sa kanyang ginampanang papel bilang isang OFW.

Matinding motibasyon para sa aktres ang layuning pagtulong sa mga kababayang overseas workers—lalo ang may mga pamilyang kapos sa buhay—para tanggapin ang alok na gawin ang pelikula.

Ayon kay Jodi, "Una, nang nabasa ko ang script, nagandahan talaga ako.

“Naisip ko, bawat isa sa atin, may kapamilya o kakilala na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"I also thought na makakatulong ito na madagdagan pa ang awareness ng mga tao.

“Para malaman natin kung ano ba yung tunay na pinagdadaanan ng mga OFWs natin, at para malaman din ng mga tao na may grupong Migrante na tumutulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad."

MIND OPENER. Jodi also took note of the sacrifices her character went through in the course of her stay in a Middle East country.

"Yung sacrifice ng isang tao para iwanan ang mga mahal nila sa buhay at magtrabaho sa ibang bansa, para sa magandang buhay ng mga ito... hindi biro yun!

"Sino ba namang tao ang gugustuhing mawalay sa pamilya nila?

“Lalo na sa kultura nating mga Pilipino, known tayo for having strong family ties, di ba?

“So, isang napakalaking sakripisyo iyon, na iwanan mo ang mga mahal sa buhay."

Dagdag niya, "Yes, na nagkaroon ako ng ganitong role.

"I’m thankful to Direk Joel [Lamangan], who I’ve been wanting to work with. It’s a dream come true for me na nakatrabaho ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ba siyang napanood na pelikulang tungkol sa mga OFWs?

"Honestly, hindi talaga ako palanood ng mga pelikula, but I’m aware of what’s going on.

"But this one [Migrante], parang mas malalim. At nandiyan yung Migrante para i-orient kami on what’s really going on—mas malalim na kaalaman."

SHARING VIEWS. Seventeen years ago, noong 1995, nabitay ang kababayan nating si Flor Contemplacion na nagtrabaho sa Singapore.

Nasundan iyon ng marami pang Pilipinong namamatay sa iba’t ibang dahilan, bunga ng masasaklap na karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bayan.

Pag-alala ni Jodi tungkol sa sinapit ni Flor, "Nung 1995, siguro nasa high school ako noon."

Jodi, who is Chrissie Garcia Santamaria in real life, was born in June 1982. Labintatlong taon siya nang bitayin si Flor Contemplacion.

Nasangkot si Contemplacion sa kaso ng pagpatay diumano ng kapwa niya domestic helper na si Delia Maga at isang paslit na anak ng isang mag-asawang Singaporean.

Nanatiling sariwa sa isip ni Jodi ang pangyayari habang nagma-mature siya, hanggang ngayon na isa na siyang kilalang aktres sa ating bansa.

"Oo naman, kasi unang Filipina siya na binitay sa abroad," sabi ni Jodi.

Naisapelikula ang buhay ni Flor Contemplacion, ang The Flor Contemplacion Story (1995), with Superstar Nora Aunor playing the lead true-to-life character and Joel Lamangan again as director.

Ang sumulat ng screenplay ng Flor Contemplacion filmbio para sa Viva Films ay sina Ricky Lee at Bonifacio Ilagan.

Si Boni rin ang may-akda ng screenplay ng Migrante para sa Xiti Films at Migrante International.

Ibinahagi naman ni Jodi ang pananaw ni Direk Joel tungkol sa ilang OFWs na hindi naging maganda ang kapalaran.

"May mga cases na ultimo pag-text, pagtawag, pagko-communicate sa family, e, ipinagbabawal sa OFWs natin.

"And most of them, overworked talaga.

“Karamihan sa kanila ang inaabot are not the jobs they applied for. Pag sinabing nurse, pagdating doon, domestic helper pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Sir Boni Ilagan, I’m sure he did his research well.

"Hindi lang yung tungkol sa character ko, pati yung characters nina Chynna [Ortaleza], Jim Pebanco, at Luis Alandy—lahat ’yon, na-research nang maayos.

"Hindi lang sila basta inilagay doon.”

Pagdating naman sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya, ngumiti lamang ang magaling na aktres bilang pahiwatig na huwag na lamang itong pag-usapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN