Showbiz reporter Chito Alcid files blotter against Annabelle Rama; Annabelle says she will never apologize to Chito

The incident involving talent manager Annabelle Rama and entertainment reporter Chito Alcid may lead to a long, legal battle as both camps threaten to file charges against each other.


Malinaw na lumalala ang hidwaan sa pagitan ng talent manager na si Annabelle Rama, 59, at ng entertainment reporter na si Chito Alcid, 61.

Matatandaang nasangkot ang dalawa sa sandaling kaguluhan noong gabi ng Hulyo 13, ang ikatlong araw ng lamay para sa yumaong Comedy King Dolphy.

Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasaksihan ng naglalakihang mga artista sa burol ang paghahabulan ng dalawa sa loob ng isang dining hall ng Heritage Memorial Park and Crematorium sa Taguig City.

Ang nasabing silid ay isa sa mga hall na inokupa ng pamilya Quizon para sa mga nakikiramay sa kanilang patriarch at katabi lamang ng mismong pinaglalagakan ng labi ni Hari ng Komedya, na sumakabilang-buhay noong July 10, Martes.

Magkahiwalay na humingi ng paumanhin sina Annabelle at Chito sa pamilya ng pumanaw na batikang komedyante. Naging grasyoso naman ang pamilya ni Dolphy, na nagsabing maayos na sa kanila ang pangyayari "pero sana hindi nangyari roon."

Bagamat pinatawad na sila ng pamilya Quizon, hindi naman agad natuldukan ang alitan sa pagitan nilang dalawa.

Sa katunayan, maaaring mauwi na ito sa demandahan dahil nagbanta ang showbiz reporter na magsasampa ng kaso laban sa talent manager, matapos niyang ipa-blotter ang insidente sa Taguig police station kahapon, July 16.

Ayon sa ulat ng TV5 News, "frustrated homicide at libel" ang pinag-aaralang kaso ng kanyang kampo na isasampa laban kay Annabelle.

Samantala, sa ulat naman ng GMA News, nanindigan si Annabelle na hindi niya uurungan si Alcid.

Sabi ng talent manager at matriarch ng Gutierrez family: “Itutuloy ko pa rin ang demanda ko sa iyo at hindi ako magso-sorry sa iyo, no way.”


THE COMMOTION. Nangyari ang insidente sa pagitan nina Annabelle at Chito sa ikatlong gabi ng lamay ni Dolphy.

Noong gabing iyon, ang nakatokang hosts ng dinner ay mga artistang naging bahagi ng Sampaguita Pictures, na pagmamay-ari ng mga Vera Perez at kunsaan sumikat ang Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ng hall na pinangyarihan ng kaguluhan, may mga mahigit na sampung mesa, na maaaring magpaupo ng mga sampung katao bawat mesa.

May takip ang mga ito na puting table cloth, may puting table napkins, mga kubyertos, at flower arrangement sa gitna. Sa isang banda ng hall ay ang mahabang buffet table. Sa isang banda pa ay ang mga drinks.

Makikitang magkakasama sa isang mesa ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Susan Roces, Armida Siguion-Reyna, Dolor Guevarra, Marichu Vera Perez, at ilan pang bisita.

Sa kabilang banda, magkakasama naman sa isang mesa sina Chito Alcid, Amalia Fuentes, Daisy Romualdez, Azenith Briones, Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at ilan pa.

Ayon sa mga nakasaksi, nag-umpisa ang gulo nang magpang-abot sina Annabelle at Chito sa comfort room, na parte pa rin ng dining hall ngunit tagó sa likod ng isang dingding.

ANNABELLE’S SIDE. Sa panayam ni Annabelle sa media, sinabi nitong hinihintay niya noon ang kanyang asawa sa labas ng pintuan ng comfort room nang magkita sila ni Chito.

Ayon kay Annabelle, pagkakita sa kanya ni Chito, sinabi raw ng reporter, “Ay, nandito pala ang p*@#!”

Agad daw niyang hinampas ng hawak na Kleenex ang entertainment reporter.

Ito raw ang naging simula ng pagsisigaw ni Annabelle, na agad na narinig sa dining area.

Ayon sa ilang nakausap ng PEP, naringgan daw si Annabelle na sinisigawan si Chito ng: “Hindot ka! Hindot ka! Piniyansahan pa kita noon kasi... Hindot ka!”

Matapos nito ay nakita nang naghahabulan ang dalawa pagdating sa dining area.

Sumisigaw pa raw si Annabelle ng “kutsilyo, kutsilyo!,” subalit hindi natinag ang mga waiter at walang nag-abot ng kutsilyo sa kanya.

CHITO’S SIDE. Sabi naman ni Chito sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda kahapon, July 16, nagkita nga sila ni Annabelle sa area ng comfort room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa kanya, "Bigla akong tumalikod without uttering a word, without making dirty faces...tapos hinabol niya ako...hinampas niya ako, tapos pinagmumura niya ako."

Dagdag ni Chito, nakita niyang may kinukuha si Annabelle sa isa sa mga mesa. “Kumuha siya ng kutsilyo sa lamesa," sabi nito sa Umagang Kay Ganda. "Pagkatapos, natakot ako, tumakbo ako.”

Karagdagang kuwento ni Chito tungkol sa habulang nangyari: “Ngayon, nakita niya yung tukod ng beteranang aktres na si Mila del Sol yata ’yon o kay Mrs. Lyn Pareja ng Sampaguita Pictures.

"Kinuha niya ‘yon at hinabol ako, sinasaksak akong ganung patalikod…”

Napag-alaman ng PEP na ang baston ay pagmamay-ari ni Lyn Pareja, beteranang studio publicist ng Sampaguita Pictures.

Depensa rito ni Annabelle, kinuha niya ang baston dahil nagtangka raw si Chito na hampasin siya ng dala-dala nitong iPad.

(CLICK HERE to read related article.)

THE CHASE. Sa habulang ito, natapilok na o napasadsad si Chito, na malaking tao at may katabaan.

Nahulog siya sa kinauupuan ni Mrs. Chuchi de Vega, ang dating chair ng Board of Review for Motion Pictures and Television (BRMPT), na ngayon ay tinatawag ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Mrs. de Vega ang pumalit sa kanyang asawang si Gimo de Vega, isang government official noong panahon ni Ferdinand Marcos at dating chair ng BRMPT, nang ito ay ma-assassinate.

Ang upuan ni Mrs. de Vega ay mukhang tumiklop, at si Chito ay tuluyan nang nahulog sa sahig.

Sabi ni Chito tungkol dito, "Paikot-ikot, may dala siyang panusok, may dalang kung anu-ano. Babatuhin ako. Bumagsak nga ako sa loob! Nakakahiya!"

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi ito itinanggi ni Annabelle. May halong pang-aasar pa ang naging post nito sa Twitter tungkol sa pagkakabagsak ni Chito.

Aniya, “Hndi ka man lang kinampihan habang natumba ka sa sahig. natumba pala ung kalaban. haha"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkumpirma ng ilang nakasaksi, sa hindi malamang dahilan, wala ngang tumulong kay Chito nang matumba ito sa sahig.

Noong mga sandaling naghahabulan sina Annabelle at Chito, marami sa mga guests na naroon ang talagang nahintakutan. May mga monoblock chairs nang bumagsak.

May yumakap na kay Armida Siguion-Reyna, na may gulang na 81, upang protektahan ito sakali’t humampas ang mahabang baston sa gawi nito.

Si Susan Roces, na edad 70, ay lumipat ng upuan at pumunta sa sofa na mas malamang ay di madaraanan ng dalawang naghahabulan.

Gulat na gulat naman si Atty. Lorna Kapunan, na naroon ng gabing iyon bilang panauhin ni Marichu Vera Perez.

Sina Amalia at Daisy naman ay nanatili sa mga upuan nila. Ngunit may nakakitang mahigpit ang hawak nila sa kanilang mga baso.

Sa mga kuwentong nakarating sa PEP, walang nagbanggit kay Eddie Gutierrez, na naroon din nang mga oras na iyon.

Bahagyang natigil ang gulo sa pagitan nina Annabelle at Chito nang awatin sila ng 67-year-old TV host na si German Moreno.

Ayon sa isang nakasaksi na talent manager din, "Bilib ka kay Kuya Germs. Siya ang unang kumilos. Hindi naman siya ganoong kalakas, pero talagang pumagitna siya sa dalawa!"

Subalit hindi rin nakayanan ni Kuya Germs patigilin ang dalawa. Ang pumasok naman para umawat ay si Governor Singson.

Niyakap ni Singson si Annabelle upang ilayo kay Chito. Dito na tuluyang napalayo ang dalawang nag-aaway.

Samantala, may namataang ABS-CBN TV crew sa pintuan ng hall ang anak ni Dolphy na si Epy Quizon, na noon ay nasa loob din ng hall.

May ini-interbyu pala sa labas ng hall sa mga oras na iyon, at naitutok ng crew ang camera sa loob.

(CLICK HERE to view video, courtesy of ABS-CBN.)

Agad-agad namang inutos ni Epy na isara ang pintuan ng hall. Ngunit kahit maiksi ang footage na nakunan ng ABS-CBN, naging pruweba ito ng nangyaring gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEAVING THE SCENE. Pagkatapos nito ay umalis na si Annabelle kasama ang asawa nitong si Eddie Gutierrez.

Walang salitang binitiwan si Eddie.

Wala ring sinabi si Annabelle sa kahit sino sa mga dinaanan niya.

Bagamat walang nakaalam sa pangyayari sa mga nasa labas ng hall, kinunan ng PEP ng litrato ang paglabas nina Annabelle at Eddie, hanggang sa pagsakay ng kanilang SUV.

Ito ay sa dahilang ang PEP contributor na si Mark Ching, na nasa lobby ng building nang palabas sina Annabelle, ay nagulat sa nakita niya: habang naglalakad papuntang kotse si Annabelle, tinatakluban ito ng jacket ng isang di kilalang lalaki na maaaring bodyguard.

Inisip ng PEP contributor na hindi normal ang ganitong pangyayari, kaya dali-dali nitong tinawag ang isang photographer para kuhanan ang mag-asawang Gutierrez.

(CLICK HERE to view photos of Annabelle’s departure.)


PREVIOUS ISSUES. Ang alitan sa pagitan nina Annabelle Rama at Chito Alcid ay nag-ugat sa pagkakadawit ng showbiz reporter sa kasong libelo, na isinampa ni Annabelle laban sa dating kaibigang si Amalia Fuentes, noong June 28, sa Cebu.

(CLICK HERE to read related article.)

Nakadagdag din sa galit ni Annabelle ang diumano’y hindi magagandang isinusulat ni Chito tungkol sa kanya, pati na raw sa mga anak niya sa showbiz.

Ang ilan sa mga anak ni Annabelle sa showbiz ay sina Ruffa, Richard, at Raymond. Siya rin ang talent manager ng mga ito.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Annabelle: “Ito ang tandaan mong h*yop ka, wag mong pakialaman ang mga anak ko dahil wala silang kasalanan sa iyo.

"Pati ako tinitira mo"


AMALIA’S PLOT? Nasangkot na rin sa gulo ang retired actress at ngayo’y businesswoman na si Amalia Fuentes, na sa Agosto ay magiging 72 years old.

Itinuturo kasi siya ni Annabelle bilang pasimuno ng kaguluhang nangyari sa burol ni Dolphy.

Hinala ni Annabelle, ginamit ni Amalia si Chito, na magkasama sa table noong gabing naganap ang insidente, para i-provoke siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naunang pahayag ni Annabelle, sinabi niya, “Ako talaga ang sadya kagabi.

“Hindi naman sila um-attend ng Mass, e.

“Kasi ang mga kalaban ko… sabi nga sa akin ni Ruffa e, ‘That is your fault. You keep on tweeting kung saan ka nandoon. Kaya ang mga kalaban mo, pinupuntahan ka. Kasi sabi mo nasa lamay ka ni Pareng Dolphy, ’kamo, pang-dalawang gabi mo na, pupuntahan ka niyan.’”

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi pa ni Annabelle, isang paraan ito ni Amalia para mailihis ang isyu tungkol sa mga kamakaila’y nakaaway na tenants ng dating movie queen.

Subalit kabaligtaran naman ng hinuha ni Annabelle ang naging pahayag ni Amalia.

Sa text message na ipinadala ni Amalia sa PEP noong Linggo, July 15, sabi nito:

“For the longest time, Annabelle has been provoking me—at my late husband’s [Joey Stevens] wake, at the court, Erap’s birthday party, and now at Dolphy‘s wake.

"I have decided, however, that I will never be a party to any of her cheap theatrics. I will not stoop down to her level as I have no intention to match her foul mouth and uncivilized behavior.

"What happened at Dolphy’s wake, witnessed by respectable people from showbiz, government, and business, clearly shows the kind of woman she is.

"For all her scandals, she has no one else to blame but herself."

SHOWBIZ DIVIDED. Sa nakalap ng PEP mula sa mga taong naroon nang gabing iyon at sa ilang artistang hindi nakakita ng pangyayari, divided ang showbiz sa nangyaring gulo.

Ang karamihan ay nagsasabing hindi dapat nangyari iyon sa burol ni Dolphy, na isang taong walang kaaway at laging nagsasabing "Magmahalan tayo."

Sabi pa ng iba, napapasama ang showbiz sa mga ganitong kaguluhan. Nagmumukhang kulang sa sibilisasyon ang mga taga-showbiz.

May nagsabi pang maaapektuhan ng insidente ang career ng mga Gutierrez bilang endorsers. "She crossed the line. This is a wake!" sabi ng isang malapit sa mga Quizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa ilan, hindi ito showbiz kung walang ganyang makulay na gulo. Expected na raw ang ganitong insidente, at napagtatawanan na lamang sa kuwentuhan.

Sabi pa nila, wala namang nasaktan talaga.

Nagkakabotohan pa nga sa ilan sa kanila ngayon: Camp Annabelle o Camp Amalia?

Si Chito, bilang reporter at hindi artista, ay itinuturing na taga-labas. Wala ring gaanong nagsasalita tungkol sa kanya, pro or con, sa mga nakausap ng PEP.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ibahagi ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN