Kim Chiu flattered to be Vilma Santos’s personal choice

Kim Chiu on being personally chosen by Vilma Santos to be part of The Healing: “Parang ang sarap po ng pakiramdam, at ngayon ko lang nalaman na parang pinili pala ako ni Ms. Vilma Santos para makasali po sa pelikulang ito."


Nakakatuwa ang kuwento ni Kim Chiu tungkol sa naging karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa Star For All Seasons na si Vilma Santos sa pelikulang The Healing.

Lahad ni Kim, “Ako naman po, siyempre si Governor Vi, Ate Vi, Star For All Seasons, siyempre nahihiya po ako.

“Buti na lang, ang unang eksena namin, wala akong lines. Kasi Ate Vi ‘to! Kinakabahan ako, baka mag-buckle ako!

“Buti na lang sa eksenang yun, wala. Titingin lang ako sa kanya.

“At saka, sobrang down to earth po. Talagang pinapapunta niya ako sa dressing room niya.

“Sasabihin niya, ‘Dito ka, dito, malamig dito sa dressing room ko.’

“Pero nahihiya po ako, so doon na lang po ako sa labas. Nahihiya po talaga ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Kim sa presscon ng The Healing, noong July 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi naman ni Vilma, sobrang mahiyain daw talaga si Kim, at literal na hinihila na niya itong pumasok sa dressing room niya.

Pero talaga raw hindi mapilit si Kim.

Paliwanag ng Star Magic talent, “Nahihiya po talaga ako.

“Sasabihin ko, magsi-CR lang ako. Pero, hindi talaga ako magsi-CR, doon lang ako sa labas.

“Pero okay naman po. Sobrang mabait po siyang talaga.

“Hindi niyo po iisipin na siya talaga si Ate Vi… Ate Vilma Santos, wow!”

PERSONAL CHOICE. Kuwento naman ni Ate Vi, personal choice niya talaga si Kim na makasama sa pelikula.

Tumatak daw kasi si Kim sa kanya nang maging guest ng Star For All Seasons sa isang TV special ng ABS-CBN.

Nagustuhan din daw ng multi-awarded actress ang pagiging “raw” ni Kim pagdating sa pag-arte.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Kim na personal siyang pinili ni Ate Vi na makasama sa The Healing?

“Siyempre po, masaya!” bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong sinabi nga po ng handler ko na, ‘O, Kim, may movie ka. Kay Miss Vilma Santos at kay Direk Chito [Roño].’

“’Okay na po, ate.’ Wala nang tanong-tanong kung ano pong kuwento, ano pong role ko.

“Wala na, agad-agad! ‘Okay, Ate!’

“’Tapos sabi, Hindi mo na tatanungin kung ano?’

“Sabi ko, ‘Okay na po, Ate, kayo na po ang bahala.’”

Dagdag ni Kim, “Parang ang sarap po ng pakiramdam, at ngayon ko lang nalaman na parang pinili pala ako ni Ms. Vilma Santos para makasali po sa pelikulang ito.

“Siyempre, kasama ko po silang lahat, ang ganda-ganda po ng casting. Siyempre, si Direk Chito pa ang kasama ko.

“So, I feel blessed and proud na makasali sa project na ito.”

DIREK CHITO. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Direk Chito na kilala sa pagiging istrikto sa set?

“Ako po, noong una, natatakot po ako,” pag-amin ni Kim.

“Noong nagmi-meeting kami nila Ate Vi, tinatanong niya, ‘Ano ang input mo, Kim?’

“Naku, input? Naku, wala akong input. Ako pa ba ang mag-i-input kay Direk Chito? Output lahat!

“Wala po akong sinabi. Kayo na po ang bahala!” natatawang kuwento niya.

Patuloy ni Kim, “Siyempre, sa first shooting day namin, siyempre kabado ako.

“Kinabisa ko na linya ko, lahat-lahat na.

"Lahat ng ipinapagawa niya, ginawa ko na. Sabi ko, gagawin ko na ‘to.

“Usually, kapag may eksena, naglalagay ako ng sarili kong ginagawa, pero ito, wala.

"Kasi, baka ma-award [mapagalitan] ako!

“Pero mabait si Direk Chito, sobra!

“Marami po akong natutunan kay Direk Chito. Pagdating sa pagiging propesyunal. Pagdating sa pagiging artista.

“Pagdating mo pa lang diyan, pagtapak mo sa set, dapat kabisado mo ang linya mo, nakikinig ka.

“Lahat yun, natutunan ko sa pelikulang ‘to.”

HEALING. Ang pelikulang The Healing ay tumatalakay sa faith healing.

Ilan sa cast members, tulad nina Vilma at Pokwang, ay nakaranas na raw magpakonsulta sa faith healers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Kim daw ay hindi pa nakakaranas na “magpagamot” sa faith healers.

“Hindi pa po ako, pero bakit naman po hindi? Wala naman pong masama doon.

“Kung para po sa ikagagaling mo, bakit hindi mo naman po subukan?”

Sa personal na buhay niya ba ay na-heal na ang mga sakit na naranasan niya?

“Ako po, healed naman na po ako!” natatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN