Queenierich Rehman off to China tomorrow to compete in Miss World beauty pageant

Miss World Philippines Queenierich Rehman (middle) is thankful for the support given to her by her entourage. This includes (L-R) fourth princess Brenna Cassandra Gamboa, third princess April Love Jordan, second princess Vanessa Amman, and first princess Mary Anne Ross Misa.


Bukas, Hulyo 18, ay lilipad na patungong China si Miss World Philippines Queenierich Rehman upang makilahok sa taunang Miss World beauty pageant.

Gaganapin ang naturang patimpalak sa Agosto 18 sa Dongsheng Fitness Center Stadium, Ordos, Inner Mongolia, China.

Parehong excited at kinakabahan ang 23-anyos na beauty queen mula sa Las Piñas, dahil ito ang unang beses na sasali siya sa isang international contest.

Kaya naman puspusan na ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit na kompetisyon.

“I’ve done mostly makeup trainings, ramp modeling, and some question and answer trainings.

“Also the social media training for the Facebook competition,” saad ni Queenierich, noong Hulyo 13, sa naganap na send-off party na ibinigay sa kanya ng Cory Quirino Global Quest, Inc. (CQGQ) at TV5.

BEATBOXING BEAUTY. Sa naturang party, na ginanap sa BSA Twin Towers sa Ortigas, ay muling ipinamalas ni Queenierich ang kanyang talento sa pagbi-beatbox.

Ang beatbox, ayon sa wikipedia, ay "form of vocal percussion primarily involving the art of producing drum beats, rhythm, and musical sounds using one’s mouth, lips, tongue, and voice. It may also involve singing, vocal imitation of turntablism, and the simulation of horns, strings, and other musical instruments."

Ito rin ang itinanghal ni Queenierich noon sa pre-pageant competition ng Miss World Philippines, kung saan napanalunan niya ang Best in Talent Award.

Ayon kay pageant directress Cory Quirino, kakaiba daw talaga ang talento ni Queenierich, at sa tingin niya ay sumasalamin ito sa bagong henerasyon ng mga Filipina.

Sayang lang daw at hindi kasama sa qualifying criteria ng Miss World ang talent portion, kaya patuloy na humihingi ng suporta sa publiko si Cory para kay Queenierich.

“The most we can do now is to like Queenie’s page on Facebook, kasi ito iyong isa sa new rules ng Miss World.

“Each candidate will have to manage their own Facebook page, and the girl with the best Facebook page can automatically fast- track her standing in the semi-finals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, please, sana po ay tulungan natin si Queenierich na makapasok sa qualifying round by liking her Facebook page.”

GIFTS FROM HER ENTOURAGE. Samantala, suportado naman ng kanyang entourage itong si Queenierich.

Katunayan ay dumalo silang lahat sa naturang party, bagamat maulan at matrapik noong gabing iyon, upang ipakita ang suporta at i-abot ang kani-kanilang pabaon para sa kanya.

Unang nagbigay ng regalo si fourth princess Brenna Cassandra Gamboa, na gumawa ng isang framed photo collage ng malalapit na kaibigan ni Queenie.

“Let this be a reminder for you that even if we cannot be with you in China, we are always here to support and love you,” saad ni Brenna.

Balak pa namang palitan ni third princess April Love Jordan ang regalo sana niyang isang jar ng protein shake mix para sa Queenie.

“I know kasi na mahilig ka talaga sa protein shake so I bought one for you,” sabi ni April Love kay Queenie.

“Kaso ang sabi nila is naka-order ka na daw ng marami na babaunin mo sa China, so now I have to think of a replacement gift pa.

“But just the same, Queenie, I am praying hard for you and I know that you can do it.

“So, good luck and bring home the crown.”

Nakasilid naman sa paper bag ang regalong multivitamins ni second princess Vanessa Ahman para kay Queenie.

Aniya, “Like all of us here, I want to keep on taking care of you while you are in China, so this is my own way of showing you how much I care for you.

“Good luck, Queenie!”

Hindi naman dala ni first princess Mary Anne Ross Misa ang regalo niya para kay Queenie dahil mas gusto niyang i-abot ito ng personal sa kanyang kababata.

Maluha-luha naman ito nang ibahagi niya ang kanyang mensahe para sa kaibigang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is a dream come true for both of us. We’ve dreamt about this since we were ten.

“And I’m very, very happy and very proud of you, Queenie.

“I know that you can do it and I believe that you can be the first Filipina Miss World.

“Just don’t forget to believe in yourself, and believe that you can do it too because I believe, we all believe, the whole Philippines believes that you deserve to win that crown.”

Nagpasalamat naman si Queenierich sa lahat ng suportang ibinibigay sa kanya ng TV5 at ng kanyang Miss World Philippines family.

Nangako rin siya na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maiuwi ang korona ng Miss World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN