Vina Morales: “Whatever I’ve gone through, maski marami akong sakit or pain na naranasan or heartaches, okey lang, kasi worth it ang anak ko."

Vina Morales relates that she and Dolphy’s widow, Zsa Zsa Padilla, only see each other when they do ASAP. During those times, Vina sees Zsa Zsa crying alone, especially after the latter’s hospital visit to Dolphy. Vina confides, “Nakikita ko siyang umiiyak. Kaya alam kong galing siyang ospital, hindi pa umuuwi.”


Dalawang beses nagpunta sa lamay ni Comedy King Dolphy si Vina Morales.

Una, noong July 11, nang dalhin sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang labi ng yumaong Comedy King.

At muli, noong huling gabi ng lamay sa Heritage Memorial Park and Crematorium sa Taguig, upang kumanta sa Misa. Kinanta nito ang "Through the Years," ang paboritong kanta ni Zsa Zsa para kay Dolphy.

Sa pangalawang pagpunta ni Vina sa lamay ni Dolphy, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ASAP mainstay.

Saad ng singer-actress, “Actually, I’m close to Zsa Zsa because, for how many years, we’ve been roommates sa ASAP.

“Ilang years na ba ako sa ASAP, mga ten years na ‘ata? Yung ilang years na yun, palagi kaming make-up roommates... kaming dalawa palagi.

“Hanggang dun na si Miss Kuh [Ledesma]... Basta, palagi kaming magkasama sa iisang room sa ASAP kaya I got close to her.

"And sometimes, I see Tito Dolphy.”


CLOSE FRIENDS. May nababanggit ba si Zsa Zsa kay Vina nitong mga nakaraang buwan tungkol sa kalagayan ni Mang Dolphy?

“Years na,” mabilis na sagot ni Vina.

“Kasi, sa tabi ko lang naman siya every Sunday. Nakikita ko siyang umiiyak. Kaya alam kong galing siyang ospital, hindi pa umuuwi.

“So, I really know.

"But quiet lang naman and everyone was quiet about it, kasi siyempre, ayaw naman nating pangunahan lahat, di ba?

“I really saw her... yung pain niya na naging matibay siya… I see her when she cries, e.

“Nakita ko naman na siya yung nagtatapang-tapangan... alam mo yun?

“Kasi kapag nakakasama mo sa isang kuwarto every week, sa isang kuwarto for nine hours...

“Kasi mga 9 o’clock pa lang, nandun na kami, or 7 or 8 a.m.; natatapos kami ng 3 p.m. So, siya yung palaging katabi ko.”

Hindi nakausap ni Vina si Zsa Zsa sa lamay, pero ipinaramdam lang daw niya sa kaibigan ang kanyang malaking pag-aalala sa pinagdadaanan nito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If she’s ready to work again, I’m sure makakapagkuwentuhan uli naman kami niyan sa ASAP.

“Gaya nga ng nasabi ko, magkatabi lang naman kami sa kuwarto niyan. Siguro that’s my time to really ask how she is.”


PERSONAL PAIN. Nag-aalala rin si Vina sa pagdadaanan ni Zsa Zsa ngayong naihatid na sa huling hantungan si Dolphy, pero alam ng singer-actress na makakaya ito ng kaibigan.

“There’s pain, pero I’m sure magiging matibay yun for her daugthers and for the family.

“And I pray that she’ll get through this. And she’s a strong woman.”

Sang-ayon si Vina sa deskripsiyon ng ilan na "unconditional love" o "eternal love" ang pagmamahal na ibinigay ni Zsa Zsa kay Dolphy sa buong panahong magkasama sila.

“Sobra!” bulalas ng Kapamilya star.

Napangiti si Vina nang may maalalang pangyayari kina Dolphy at Zsa Zsa.

“Nakakatuwa nga ’yan, sa ASAP. Siyempre, doon rin naman sa kuwarto ni Zsa Zsa, nakakatuwa silang tingnan.

“Habang nagme-makeup ako, habang mini-makeup-an ako, nag-aayos ako, tinitingnan ko lang silang dalawa.

"Or minsan, inaalagaan talaga ni Zsa Zsa ’yan [Dolphy]. Yung gamot niya, yung water niya. Minsan may oxygen pa ’ata, e.

“Nakikita mo talagang they care for each other and they love each other.”


FINDING THE ONE. Hindi ba siya naiinggit na meron pa ring ganitong wagas na pag-iibigan?

“Hindi naman ako naiinggit!” natatawang sagot ni Vina.

“Natutuwa ako for them, and I also wish for myself, di ba?”

Wala pa bang dumarating kay Vina?

“Alam mo, ayoko nang magsabi kasi parang pag sure na sure na, dun na lang.

“Kasi hindi pa rin. Alam niyo ’yan!” tumatawang sambit ni Vina.

Mahirap bang makahanap?

“He’ll find me for sure. Maybe he has not found me yet and... kasi ayoko rin namang hanapin."

Dahil kaya may anak na si Vina kaya parang balewala na sa kanya ang magkaroon ng partner sa buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, kumpleto ka na, in way, pero still, you want a partner in your life, di ba? I think everyone needs that.”


READY TO DATE. Nakikipag-date na ba siya?

“Dating? Hindi, e... parang hindi na yata, e. Ewan ko!?” nangingiti ngunit nag-aalinlangang sagot ni Vina.

“Actually, I’m ready to date. Honestly, kung meron man diyan.

"Minsan may ipapakilala sa iyo, it goes well for a while and then, ’Ay, hindi pala!’

“And then pag may ipapakilala sa iyo ulit, why not, di ba?”

Inamin ni Vina ang tungkol sa isang foreigner na sandaling na-link sa kanya.

“Yeah, after the father of my child. But I don’t wanna expect anymore. Ayoko na muna.

"Pag sure na ako na ’eto na, that’s the only time I’ll talk. Kasi mamaya... katulad niyan, hindi rin naman.

“Date-date lang, di ba? What for para ikuwento ko pa sa madla?

"And this is not really a good-good news, not until I have my ring."

Mahirap bang kunin ang tiwala ng isang Vina Morales?

“No, hindi naman. Pero siyempre, mas doble careful ako ngayon, especially marami akong iisipin...

“Yung anak ko... tanggap ba niya ang anak ko? It’s always a package na.

“So, many times, I have to really think about kung worth it ba itong taong ito or... basta, medyo doble ingat ngayon, siyempre.”


SISTER SHAINA. Kinumusta rin ng PEP kay Vina ang kanyang kapatid na si Shaina Magdayao, na kagagaling lang mula sa breakup nila ni John Lloyd Cruz.

Ayon kay Vina, “Shaina is very good.

"I think mas matapang pa sa akin yun. Matapang rin naman ako, pero iba rin yung tapang nun.

“She’s recovered. She’s really matured, and I’m happy for her dahil ang daming nagkakagulo sa kanya ngayon, ang daming nanliligaw.

“Ang daming gustong manligaw, ang daming nagpaparinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa siya... wala pa siya sa stage na gaya ko, na I’m ready to date.

“Siya, alam niyang maraming may gusto sa kanya. At marami talagang nagkakagusto sa kanya, maraming tumatawag asking her out.

“But she’s just so cool na parang okey lang. Taking her time.”

IN GOOD TERMS. Kumusta naman si Vina at ang pamilya niya kay John Lloyd?

“A, that I don’t know... I haven’t talked to him, e,” sagot niya.

Ayaw ba niyang makausap ang aktor?

“Wala... wala... wala akong masabi, e,” nangingiting tugon ni Vina.

Paano kung may offer na pagsamahin sila sa iisang project ni John Lloyd?

“Why not? Work is work, di ba?” mabilis niyang sagot.

Hindi ba niya tatanggihan?

“Kung sasabihin [pigilan] ng kapatid ko. Pero I doubt... wala naman.

"Pero I don’t think so magiging big deal yun. Shaina has moved on already.

“Siyempre naman, if it’s a right character and when Shaina says no. Bakit? Uunahin ko siyempre yung kapatid ko.”

May galit, tampo, o sama ng loob ba sila kay John Lloyd?

“Wala naman ako, e. Lagi ko namang sinasabi na I’m out of their relationship.

“Yeah, kapatid ko si Shaina, pero I’m just there for my sister—that’s it.

"And I cannot say anything about JL... nothing.”


BEAUTY SECRET. Kapansin-pansin ang pananatili pa rin ng kagandahan ni Vina. Yun nga lang, kahit nagtataglay ng kaibang ganda ang aktres ay wala pa ring relasyon ang nagtagal sa kanya.

May taglay bang sumpa ang pagiging maganda?

“Hmmm… kung curse ba ang pagiging maganda? Gusto ko pa ring maganda!” tawa niya.

“Hindi ko naman naiisip na curse ang ganda or mahirap talagang makahanap ng magmamahal sa iyo nang totoo.

“Honestly, I don’t wanna think that way. Suwerte-suwerte lang, at ito lang ang nangyari sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you know what? I think of it in a positive way because I have my daughter.

“Whatever I’ve gone through, maski marami akong sakit or pain na naranasan or heartaches, okey lang, kasi worth it ang anak ko.

"Nakalimutan ko lahat yun.

"Kasi kung hindi ko pinagdaanan yun, wala akong Ceana ngayon. Kaya, worth it.”

Si Ceana ang anak ni Vina sa dati niyang boyfriend na si Cedric Lee. Si Cedric ay may asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN